Marian Rivera: “Naniniwala ako sa kung ano ang meron kami ni Dong, at naniniwala ako kay Dong kung gaano niya ako kamahal.”

Sinorpresa ni Marian Rivera ang kasintahang si Dingdong Dantes sa premiere ng pelikula ng aktor, ang Tiktik: The Aswang Chronicles, kagabi, October 15, sa SM Megamall.


Noong isang linggo pa ay nabanggit na ni Marian Rivera na pupunta siya sa isa sa premiere nights ng Tiktik: The Aswang Chronicles, ang pinagbibidahang pelikula ng kasintahan niyang si Dingdong Dantes.

Pero inilihim daw ito ng aktres kay Dingdong.

Kahapon ng tanghali, October 15, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Marian sa taping ng kanyang bagong primetime series sa GMA-7, ang Temptation of Wife. Ginanap ang taping sa Christ The King Church sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Kaya nang tanungin kung pupunta siya sa red-carpet premiere ng Tiktik na ginanap kagabi sa SM Megamall, nagkuwento na si Marian at nakiusap na huwag munang isusulat o itu-tweet dahil masisira raw ang plano niyang pag-sorpresa sa boyfriend.

Sabi niya, “Pupunta ako pero hindi niya alam, surprise!

“Pupuntahan ko siya mamaya at nagpaalam ako kung puwede akong umalis dito sa taping.

“Kasi bukas, hindi na ako pupuwede dahil ang dami naming kukunan.

“Sinabi ni Ate Carol [EP ng Temptation of Wife], bukas, hindi na ako puwedeng umalis.”

Ngayong gabi, October 16, kasi ay gaganapin naman ang celebrity premiere ng Tiktik sa Greenbelt 3.

HOW MANY YEARS? May nagtanong naman kay Marian kung ilang taon na ba talaga ang relasyon nila ni Dingdong. May nagsasabi kasing apat na taon na sila.

Nakangiting sabi ng Kapuso actress, “Hindi ko alam, e. Hindi ako nagbibilang.

"Basta ang masasabi ko lang, araw-araw akong masaya sa piling niya.”

Kailan naman siya naging malungkot kay Dingdong?

“Wala nga, e,” mabilis niyang sagot.

“Mahusay ang pagkakatanong mo na yun—wala, dahil walang araw na malungkot ako sa kanya.”

Sa hiwalay na panayam kay Dingdong, sinabi nitong matagal nang wala silang pinag-aawayan o isyu sa isa’t isa ni Marian.

“Wala,” pagsang-ayon ng tinaguriang Primetime Queen ng GMA-7.

“Sabi ko nga, ganoon nga yata talaga ang isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa una, arte-arte lang kayo, sweet-sweetan, getting to know each other.

“Pangalawa, may mga selos-selos, ek-ek na kaartehan lang.

“Pangatlo, bigla kayong puputok kasi ang dami-raming nangyayari.

“Pero after ninyong ma-overcome lahat ng ‘yan, magiging masaya kayo at matatag sa kahit na ano pang intriga na dumating sa inyo.

“Basta magkasama kayong dalawa at alam n’yo ang totoo, wala na, dadaan na lang.”

ISSUES: FACT OR FICTION? Tinanong ng PEP si Marian, sa dami ng lumabas na intriga sa relasyon nila ni Dingdong, sa palagay ba niya ay may gumagawa o nag-iimbento lang ng mga isyu sa kanila?

“Naniniwala ako sa kung ano ang meron kami ni Dong, at naniniwala ako kay Dong kung gaano niya ako kamahal,” sagot niya.

Parang may nag-iimbento raw kasi talaga ng mga isyu para intrigahin lang sila. Ano ang masasabi niya rito?

“Ay, nakakaawa naman sila kung hindi nila alam ang ibig sabihin ng buhay at kung ang bawat tao ay sinisiraan nila sa isang maligayang relasyon.

“Ipagdarasal ko na lang sila.

“At bilang artista, palagi namang may intriga—may gawin ka man o hindi.

“Ganoon talaga ang buhay ng isang artista. Pumasok ka sa showbiz, alam mo ang consequence niyan.”



HAPPY SET. Tungkol naman sa pinagbibidahan niyang bagong primetime series, ang Temptation of Wife, sinabi ni Marian na masaya siya kahit ilang araw pa lang sila nakakapag-taping.

“Masasabi ko rito sa Temptation, buung-buo na bubuuin ko na—mapa-taping man o hindi, mapa-on- or off-cam man—isa yata ito sa pinakamasaya kong set.

“Magkakasundo lahat ng cast tapos yung hindi mo ine-expect na magiging close mo, magiging close mo pa pala.

“Alam n’yo yung ganun?

“At saka, palagi kong sinasabi, ang saya-saya ko rito.

“Na, ‘Ano ba ‘yan, hindi ako makaiyak sa eksena kasi ang saya-saya ng paligid ko.’

“Ako, ang saya ko bilang ako. Ang saya lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW LEADING MAN. Dalawa ang leading men ni Marian dito sa Temptation of Wife—sina Dennis Trillo at Rafael Rosell.

Maraming beses nang nakapareha ni Marian si Dennis sa mga teleserye ng GMA-7, samantalang ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho niya si Rafael na bagong lipat mula sa ABS-CBN.

Sabi ni Marian, “Si Rafael, hindi pa kami nagkakaeksena dito, pero nagkaka-bonding kaming madalas kasi bilang si Popoy [Caritativo], ipinapakilala siya sa amin, kami nila Dennis.”

Si Rafael ay “kapatid” nina Marian at Dennis sa talent manager nilang si Popoy Caritativo.

“At ang maganda riyan,” patuloy ni Marian, “kasi ang alam ko, nag-guest na rin siya sa Extra Challenge.

“Nagkaroon din kami ng bonding dun kasi, most of the time, yung mga challengers, ako ang kausap nila.”

Ang Extra Challenge ay ang reality show ng GMA-7 na ihu-host ni Marian kasama si Richard Gutierrez.

Bakit kapag kapatid niya sa manager, okay lang na may kissing scenes siya? Pero kapag iba, nagkakaroon ng intriga? Namimili ba talaga siya?

Natatawang sabi ni Marian, “Hayaan n’yo na sila!

“May panahon din sa buhay ng tao na nao-overcome mo ang mga hindi mo kayang gawin.

“Hindi naman sa namimili, nagkataon lang din na hiningi sa akin na gawin ko ito.

“At siyempre, bilang kinuha ko ‘to, dapat alam ko ang mga dapat kong gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN