Kris Bernal on "tampuhan blues" with Aljur Abrenica: “Alam niya ang weakness ko kaya napapatawad ko siya kaagad!”

Aminado si Kris Bernal na paminsan-minsan ay nagkakatampuhan sila ng ka-loveteam na si Aljur Abrenica. Kuwento ng young actress, “Kasi si Aljur, minsan mangangako ‘yan pero hindi niya tutuparin. Ayoko kasi na papaasahin mo ako. Naiinis ako sa gano’n. Yung tipong ilang beses mo na siyang napaalalahanan, tapos sasagot ng ‘oo.’ Pero pagdating ng araw na iyon, wala... nakalimutan na. Mga gano’n ang madalas naming pag-awayan&mda


Nagpapasalamat si Kris Bernal dahil maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa muli nilang pagtatambal nila ni Aljur Abrenica sa primetime series ng GMA-7 na Coffee Prince.

Maganda ang ratings ng Coffee Prince mula nang magsimula ito noong October 8. Kaya naman masayang-masaya si Kris dahil tanggap pa rin ng marami ang muling pagsasama nila ni Aljur.

Pagtatapat ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “May kaba pa rin naman kami ni Aljur dahil hindi namin alam kung tanggap pa ba kami or hindi ng mga televiewers.

“Kasi nga, na-link na siya sa iba’t ibang mga babae. Tapos may mga na-link din sa akin. Kaya hindi namin alam ang puwedeng mangyari.

“Pero noong sabihin nila sa amin na mataas ang ratings namin sa pilot episode pa lang, nakahinga na kami nang maluwag.

“Nakakatuwang isipin na nandiyan pa rin silang mga fans namin ni Aljur na sumusuporta sa amin kahit na matagal din kaming hindi nagkasama.

“Ngayon, gabi-gabi na nila kaming mapapanood at matutuwa sa amin ni Aljur sa Coffee Prince.”

TAMPUHAN. Noong 2010 pa huling nagtambal sina Kris at Aljur sa primetime series na The Last Prince, pero nagkaroon ng guest role si Kris sa Machete ni Aljur noong 2011.

Kahit matagal na silang hindi nagsasama, hindi naman nawala ang communication nila sa isa’t isa.

Pero inamin ni Kris na may mga pagkakataong nagtatampo siya kay Aljur.

“Dumaan din naman kami sa gano’n… yung tampu-tampuhan.

“Kasi si Aljur, minsan mangangako ‘yan pero hindi niya tutuparin.

“Ayoko kasi na papaasahin mo ako. Naiinis ako sa gano’n.

“Yung tipong ilang beses mo na siyang napaalalahanan, tapos sasagot ng ‘oo.’ Pero pagdating ng araw na iyon, wala... nakalimutan na.

“Mga gano’n ang madalas naming pag-awayan—yung pagiging malilimutin niya.”

Pero marunong naman daw bumawi si Aljur kapag alam nitong nagtatampo si Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May paraan si Aljur kung paano mawala ang init ng ulo ko sa kanya.

“Alam niya ang weakness ko kaya napapatawad ko siya kaagad!” tawa pa niya.

“Pero siyempre, sa una umaayaw pa ako. Kaartehan ba? Magpapa-girl muna ako.

“Kasi idadaan niya sa text. Ayoko nga ng gano’n.

“Pero kapag nag-sorry na si Aljur nang personal, at alam kong sincere, okey na kami.

“Naiintindihan ko din naman na marami siyang ginagawa at may pinagdadaanan ang family niya noon pa. Apektado talaga siya.

“Kaya kapag nagsabi siya ng ‘I’m sorry’ at nakita ko na ang mga mata niya, sige at forgiven na. Huwag na lang sanang ulitin, di ba?”

ALJUR’S CARE. Sa taping naman nila ng Coffee Prince, ramdam ni Kris ang pag-alaga sa kanya ni Aljur.

Minsan nga, noong mag-taping si Kris na may lagnat ito, aligaga raw si Aljur at baka hindi kayanin ng leading lady niya ang magtrabaho.

Kuwento ni Kris, “Nagte-taping kami ng para sa pilot week.

“That time kasi, umuulan, e, tinamaan ako ng lagnat. Kaya noong mag-taping ako, sinisipon at inuubo ako.

“Noong malaman ni Aljur, pinadalhan niya ako ng gamot. Inumin ko raw kapag nakakain na ako.

“Tapos maya’t maya, tsine-check niya ako kung nainom ko na ba or kung ano ang pakiramdam ko.

“In fairness, ganyan naman talaga si Aljur—very sweet at maasikaso.

“Kahit ngayon na okey ako, lagi niyang sinasabi sa akin na mag-ingat at laging kumain.

“Alam kasi niya na nahilig akong mag-diet at sumobra ang pagpapapayat ko noon.

“Hindi niya masyadong nagustuhan kaya lagi niya akong pinapaalahanan na kumain parati.”



LOVELESS IN DECEMBER. Dalawang buwan na lang at papasok na ang December, pero mukhang loveless na naman si Kris.

Natawa si Kris dahil naalalang tuwing sasapit ang Christmas ay lagi na lang siyang loveless.

Tulad last year nung nag-break sila ni Jay Perillo, tapos ay hindi pa natuloy ang panliligaw sa kanya ni Jolo Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko ba... Kris pa naman ang name ko tapos wala akong lovelife kapag Christmas! Pakiramdam ko wala akong ganda!” malakas na tawa niya.

“Gano’n talaga siguro. Hindi ako meant na magkaroon muna ng lovelife. Single na muna ako.

“Wala namang problema sa akin. At least, may magandang career naman tayo.

“Dito muna ako sa trabaho mag-concentrate.”

CARL GUEVARA. Pinatigil na ni Kris sa panliligaw si Carl Guevara dahil ayaw raw niyang maging unfair dito dahil wala siyang maibigay na libreng panahon.

“Nasabi ko naman kay Carl na walang problema sa kanya—trabaho ang nagiging kalaban namin.

“Nagi-guilty kasi ako na minsan tatawag siya na gusto niya akong sunduin, pero may trabaho pa ako.

“Ayoko naman na may pinaghihintay akong tao.

"At the same time, yung pressure na kailangan may time ka for him, pero hindi mo hawak ang schedule mo, e.

“Ilang beses na nangyari ‘yan sa amin at ako na ang nahihiya.

“Naintindihan naman niya ang lagay ko. And okey naman kami.

“Friends muna kami for now. Wala na munang ligaw-ligaw para walang nape-pressure.”

Pero aminado si Kris na nami-miss niya si Carl dahil masyado raw itong thoughtful.

“Oo naman. Basta mabait at genuine ang feeling ng isang tao sa akin, nami-miss ko iyon.

“Nagte-text pa rin naman kami sa isa’t isa. Kumustahan lang.

“Alam ko rin naman na busy si Carl. Ayoko ring maging problema rin sa kanya.

“At least, we’re still communicating at wala kaming naging problema sa isa’t isa,” saad ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN