Benjamin Alves on entering showbiz: "I’m married to this job and I understand fully na when you sign the contract, everything comes with it..."

Benjamin Alves on being the nephew of Piolo Pascual: “It’ll always be there, I think. If it stays that way because he’s my uncle, I don’t mind. Meron naman akong sarili kong path and I’m taking it now. So if that never goes away, I’m fine with it, he’s my uncle. So I don’t know when it’ll go away or if it does go away. Either way, I’m proud to be his nephew and I have my own path to walk.


Dahil sa sunud-sunod na magagandang movie and TV breaks, may mga nagsasabing tila si Benjamin Alves ang paborito ngayong talent ng Mercator Artist & Model Management ni Jonas Gaffud.

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin kung ano ang nararamdaman niya na siya na raw ang paborito ng Mercator.

“Hindi, a! Talaga?” balik-tanong ng guwapong Kapuso actor nang makausap ng PEP sa opisina ng Mercator sa Makati.

Tila nate-threaten nga raw ang ibang male talents ng Mercator sa pagpasok niya sa showbiz?

“Ganun ba yun?” sabay tawa ni Benjamin.

“I don’t know… I mean, everyone naman... lahat naman, e.

"Nagkataon lang na when I came in, na maganda yung time ng pagpasok ko, iyon.

“That’s the magic ni Jonas, e. I think it’s all meant to be.

“People are threatened? I think… I dont know if that’s true or not but I consider everyone in Mercator as my brother.

“So if it’s true, it hurts a little because I wish well for everyone here.

“Actually, nagtatanong naman ako. I always ask Jonas and everyone, nag-a-update naman ako on what’s happening here.

“So I’m sure, you know, I think it’s one thing to be threatened by another to want what they want.

“And if they do get that, and if they get more, I’ll be more than happy for them.”

Ang iba pang male talents ng Mercator ay sina JC Tiuseco, Daniel Matsunaga, Fabio Ide, Akihiro Sato, Ervic Vijandre, Lemuel Pelayo, Kerbie Zamora, Brent Javier, at Mikael Daez.

Hindi naman marahil maiiwasan na kainggitan si Benjamin ng iba.

Bida agad siya opposite Lovi Poe sa pelikulang Guni-Guni na ipinalabas noong Agosto. Malaki at maganda rin ang papel niya sa primetime series ng GMA-7 na Coffee Prince kasama sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Benjamin, “I’m just thankful for the breaks and I’m sure everyone will get theirs because hindi naman pababayaan ni Mama Jonas yung mga ibang talents dito.

“I don’t think Mercator will last that long kung ganun ang trato ni Mama J sa mga talents niya, na kung sino lang ang sikat, iyon lang.

“It’s never been about that, yung kung sino lang ang sikat, iyon yung inaalagaan.”

THE GRADUATE. Nagtapos ng kursong Literature, bilang summa cum laude, si Benjamin sa University of Guam.

Abala na siya ngayon bilang artista. Paano ang natapos niya sa kolehiyo? Hindi ba siya nanghihinayang na hindi niya nagagamit ang kurso niya?

“Eventually I’ll use it,” sagot niya.

“May kausap nga ako kanina na I wanna get a Master’s or Ph.D and I’m gonna use it when I’m older.

“Siguro after ng showbiz... I don’t plan to quit anytime soon.”

Dito na raw siya sa Pilipinas kukuha ng Master’s Degree.

“I wanna be able to use it in a way na hindi po siya yung trabaho ko, parang to get back… like work one semester then may break.

"And then another semester just to stay... to be able to use it like that... to be able to get back later on.

“So, hindi pa ako nanghihinayang ngayon kasi I needed a break.

“I only finished school for two years and to get summa cum laude, that means I really worked hard.”

Noong nag-aaral daw siya, bukod sa accelerated siya twice, kahit summer at Christmas break ay nag-aaral siya sa halip na magbakasyon.

“During the summer break and during Christmas, I went to school. Sunday lang walang pasok.

“And that’s eight to five, plus studying after, plus I also tutored in English.”

Matagal na siyang walang “good time.” Babawiin ba niya ngayon? Na mag-relax and to meet girls?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A… nah, nah. This is already good for me. I get to meet girls at work.

“Joke! Ampangit!” at natawa si Benjamin.

“No, no... I just work to relax.”

PIOLO PASCUAL. Tiyuhin ni Benjamin si Piolo Pascual; pinsan ni Piolo ang ama ni Benjamin.

Sa pagpasok ni Benjamin sa showbiz ay hindi naiwasang palaging naisasali ang pangalan ni Piolo sa mga interviews at write-ups tungkol sa kanya.

Ngayong nagsisimula na siyang makagawa ng sarili niyang pangalan bilang artista, nais ba niya na makaaalis na siya sa anino ni Piolo?

Sagot ni Benjamin, “It’ll always be there, I think.

“If it stays that way because he’s my uncle, I don’t mind.

“Meron naman akong sarili kong path and I’m taking it now.

“So if that never goes away, I’m fine with it, he’s my uncle.

“So I don’t know when it’ll go away or if it does go away.

"Either way, I’m proud to be his nephew and I have my own path to walk.

"I’ll have my success and my downs and hard times—and I’m prepared for that.

“Pinasok ko na po itong showbiz. I’m married to this job and I understand fully na when you sign the contract, everything comes with it—the intrigues, the hard work, the late nights, mali-link ka kung kani-kanino...

"I’m ready for it. Wala pong problema sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN