Jessica Sanchez to join cast of Glee

by Erwin Santiago
Oct 17, 2012
Kumpirmado na ang pagpasok ni Jessica Sanchez sa ikatlong season ng award-wining musical-comedy series na Glee. Pero wala pang detalye kung anong role ang gagampanan ng American Idol Season 11 runner-up.

Jessica Sanchez, kumpirmadong pasok sa cast ng hit musical-comedy series na Glee.

Ayon sa exclusive report ng TVLine, nagsara na ang negosasyon para sa recurring role sa Glee ng Filipino-American American Idol Season 11 runner-up.

Wala pa raw detalye kung anong role ang ibibigay ng executive producer ng Glee na si Ryan Murphy para kay Jessica at kung kailan siya unang lalabas.

Pero malakas ang usap-usapan na ang role ng 16-year-old singer ay posibleng maging bagong love interest ni Finn, ang character na ginagampanan ni Cory Monteith.

Sa huling episode ng Glee ay nag-break na si Finn at ang kasintahan nitong si Rachel (Lea Michele).

Si Jessica ang ikalawang Pinay na lalabas sa Glee pagkatapos ni Charice na gumanap bilang Filipino exchange student sa Season 2.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumpirmado na ang pagpasok ni Jessica Sanchez sa ikatlong season ng award-wining musical-comedy series na Glee. Pero wala pang detalye kung anong role ang gagampanan ng American Idol Season 11 runner-up.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results