Rhian Ramos promises to be “more adventurous” in next acting projects

“Wala, wala [nang problema]. Everything now is the way I want it to be,” says Rhian Ramos about her life after facing a tough controversy earlier this year.


Bilang pagpapatuloy ng kanyang taunang paraan ng pagdiriwang ng kaarawan, muling nagsagawa ng birthday party si Rhian Ramos para sa mga bata.

Kung noong mga nakaraang taon ay sa Child Haus organization siya nagsasagawa ng children’s party, pinili ng Kapuso actress ang makasalamuha ang mga bata sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa kanyang 22nd birthday.

Ang pagdiriwang ay ginanap kaninang hapon, October 17, sa main lobby ng PCMC sa Quezon City.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit mas gusto niya ang charity events para sa mga bata, sinabi ni Rhian, “Close yung heart ko, especially sa cancer patients.

“I have a couple of family members who has had cancer and my best friend had leukemia before.

“When I was younger, my eyes were opened to the world of, kapag may sakit, kailangan talaga everyone has to help out.

“Parang di yun puwedeng pagdaanan nang mag-isa.

“Parang you make the best out of every situation, always make it happy, always find a way to make it a happy memory.

“Kaya gusto ko parang party lagi, masaya.”

Bagamat hindi sa Child Haus ginanap ang birthday party niya ngayong taon, tiniyak ni Rhian na tuloy pa rin ang pagtulong niya sa naturang organisasyon.

“This year, I’m gonna help them not by having a party but through donations,” sabi ni Rhian.



NEW CONTRACT WITH GMA-7. Pagdating naman sa birthday wish, sinabi ni Rhian na dumating na ito kamakailan.

Ito ay ang pagpirma niya ng bagong kontrata sa Kapuso network. (CLICK HERE to read related article.)

Sabik si Rhian sa mga susunod niyang gagawin sa GMA-7 dahil, aniya, “Parang for this contract, yung big difference is I’m gonna get to do more.

“Before, parang if I was able to do this much, ngayon mas marami na akong magagawa, so mas busy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang yung quality of work na gusto kong ilabas is mas maganda din.”

Mas magiging bukas na raw si Rhian sa mga susunod na proyektong ibibigay sa kanya.

Sabi niya, “Kasi dati, may mga things na pumipigil sa akin na ibigay ang lahat.

“Ngayon, para bang may transformation sa akin na gusto kong ilabas through my acting.

“Mas marami na rin akong kayang gawin and hindi ako mapipigilan ng mga, kunwari, kung may insecurities man ako before, balewala na ‘yon.”



BRAVER AND BOLDER. Sa pagiging mas daring niya, ibig sabihin kaya nito ay handa na rin siyang gumawa ng sexy roles?

“That’s not what it means!” natatawang sabi ni Rhian.

“‘Yon nga, e, hindi ako ang gumagamit ng word na ’daring.’

“Ano lang, mas adventurous lang naman. Hindi naman ibig sabihin kaagad na sexy.

“I mean, puwede rin naman, pero hindi yun ang pinaka-point.

“Mas magiging adventurous lang ako in terms of mga roles na tinatanggap ko.

“At saka siguro, dahil sa na-experience ko sa My Kontrabida Girl yung ibang klaseng role, parang mas gusto ko ngayon ang mga offbeat na characters.”

Asam pa ng 22-year-old actress, “Umabot [ako] sa pinaka-full potential ko.

“I wanna work harder at saka gusto kong gumawa ng mga roles na mas mahirap.

“Maybe more indies, gusto kong gumawa ng mas marami pang indie series.”



WORRY-FREE NOW. Noong nakaraang taon hanggang sa mga unang buwan ngayon taon, humarap si Rhian sa isang malaking kontrobersiya.

Pero maayos na raw ngayon ang lahat at wala na raw siyang pinoproblema.

“Everything now is the way I want it to be,” nakangiting sabi ng Kapuso actress.

Dahil sa mga kontrobersiyang ito, sabi ni Rhian, “I feel more humbled and more brave, and stronger.”

Samantala, maituturing na naging katuwang ni Rhian sa paglagpas sa pagsubok na ito ang boyfriend niyang si KC Montero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Rhian, nakatulong din ang relasyon nilang dalawa dahil “parang sakto lang yung balance ng companionship and space.

“It’s the maturity, the patience, and forgiving.

“Wala, I just feel like it’s so light and no expectations.

“Parang kapag ganun, walang expectations, mas madali lang yung buhay.

“Parang you don’t expect anyone to be perfect—just human.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN