Julie Anne San Jose on reported disbandment of loveteam with Elmo Magalona: "So be it na lang kasi may kanya-kanya naman kaming career, e."

Nagdesisyon ang young singer-actress na si Julie Anne San Jose na pagtuunan muna ng pansin ang kanyang pag-aaral kaya pinili niyang umalis na lang sa cast ng bagong primetime series ng GMA-7 na Temptation of Wife.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne San Jose sa contract signing at presscon na inihanda ng Get Laud at GMA Artist Center para sa kanya kahapon, Oktubre 17, sa Ace Hotel and Suites sa United St., Pasig City.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng clothing endorsement si Julie Anne matapos niyang pumirma ng 18-month contract sa Get Laud.



CHOOSING STUDIES OVER A TELESERYE. Pagkatapos ng presscon ay inusisa na ng PEP kay Julie Anne ang tungkol sa balitang tinanggal daw siya ng GMA-7 sa cast ng Pinoy adaptation ng Korean drama series na Temptation of Wife, na pinagbibidahan nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Glaiza de Castro, at Rafael Rosell.

Totoo ba ito?

Paglilinaw ni Julie Anne, “Actually, ako yung… kami ang humindi.

“Nag-quit ako kasi ang dami ko pong na-miss na units sa school, e.

“So, kailangan ko pong habulin talaga.”

Hindi ba siya nanghinayang sa opportunity?

“Of course, kumbaga, siyempre nanghinayang din ako.

“Pero I really have no choice, e, kasi I really have to continue my studies. Kasi parang pinapili rin ako, e…

“So ako naman, I decided to continue my studies at saka siguro kukuha ako ng load, dadagdagan ko yung load ko para at least nababawasan siya.”

Hindi ba siya nag-aalala na sa tindi ng kumpetisyon ngayon sa showbiz ay mapag-iwanan siya?

Sabi ng young singer-actress, “Of course, there will always be competition naman, e. Saka in this business, kumbaga, this is really tough, e.

“Siyempre may kanya-kanya nga tayong priorities at saka may kanya-kanya rin tayong gustong mangyari sa career natin.

“At saka pinag-uusapan pa rin po nila. Nagmi-meeting pa rin po yung mga bosses kung ano yung maibibigay sa akin depende sa schedule ko.

“May tiwala naman po ako sa GMA na hindi naman nila ako pababayaan.”

Gusto na nga raw tapusin ni Julie Anne ang pag-aaral niya para mas makapag-focus na siya sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay second year na si Julie Anne sa kursong Communication Arts sa Angelicum College.

Next semester daw ay third year irregular muna siya.



NO MORE JULIELMO LOVETEAM? May balita rin na bubuwagin na diumano ng GMA ang loveteam nila ni Elmo Magalona.

Okay lang ba sa kanya na paghiwalayin na sila ni Elmo?

“Okay lang. Kung anuman yung ibigay ng network at saka siyempre kung ano rin yung will ni Lord, di ba?” sagot ni Julie Anne.

Mas gusto niya bang mag-solo muna o magkaroon ng bagong ka-loveteam?

“I don’t know. I still can’t figure out kasi siyempre meron pa rin namang JuliEmo, di ba, hindi na mawawala iyan.

“And of course, ako naman, I started naman as a solo artist naman din, di ba?

“Parang why not continue na lang kung ano yung nasimulan ko.

“Kumbaga, parang plus [factor] na lang yung loveteam, parang bonus na rin.”

Kahit ba paghiwalayin na sila ni Elmo ay magiging magklaibigan pa rin sila?

“Yes, of course. Hindi naman mawawala iyan, e, kasi since matagal na rin kaming magkakilala ni Elmo, two years na.”

Okay lang ba sa kanya na ipareha si Elmo sa iba?

“Okay lang naman po. Open naman kami na i-partner kami sa iba.

“Kasi siyempre we’re working as professional celebrities sa GMA and we’re really giving our best to entertain the people,” sagot ni Julie Anne.

LAUREN YOUNG. Aware na ba siya sa usap-usapan na diumano’y lilipat na raw sa GMA-7 ang Kapamilya young actress na si Lauren Young na nali-link kay Elmo at sila na umano ang pagtatambalin?

“I’m not really sure about that rumor.

“Pero if ever that’s true, I think hindi naman po kami maapektuhan, e, or hindi naman ako maaapektuhan.

"Kasi nga, we’re both artists in GMA and we’re really working professionally naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, kung ano yung private life niya [Elmo], I will have to respect it.

“Kasi parang may kanya-kanya talaga kaming buhay, may kanya-kanya tayong buhay, di ba?

“I think it will be parang not so nice kung makikialam kami sa buhay nang may buhay, di ba?

“And if ever nga talaga na mabuwag yung loveteam namin, and so be it na lang kasi may kanya-kanya naman kaming career, e."

Dagdag ni Julie Anne, “Ako naman, sabi ko nga, I started as a solo artist.

“And si Elmo naman, he made his mark na rin as the heir to the King of Rap [Elmo’s dad Francis Magalona].

“And yun, nakikita naman lahat ng potentials niya.”

Kung mabibigyan siya ng pagkakataon na mamili, sino ang gusto niyang sunod na maka-loveteam?

“I don’t know. Hindi ko pa po alam, e.

“Siguro depende po sa ibibigay ng management.

“Open naman ako kung sinuman ang i-partner sa akin. Okay lang naman po, e.”


MISS SAIGON AUDITIONS. Samantala, pinag-iisipan pa raw ni Julie Anne kung itutuloy niya ang pag-o-audition sa Miss Saigon.

Muli kasing bubuksan sa Nobyembre ang auditions sa Pilipinas para sa sikat na London-based play na unang pinagbidahan noon ni Lea Salonga, na nagpatanyag sa Pinay international actress.

Sabi ni Julie Anne, “Siguro since international play siya, it would last for siguro mga two to three years. That’s why I am still thinking about it.

“Siyempre kung ano talaga yung will ni Lord. Ipinagdarasal ko talaga siya kasi may mga pros and cons talaga.

“If ever po talaga mangyari yun, well I’ll just cross the bridge… kumbaga there’s no harm in trying naman, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN