PBB winner Slater Young bent on pursuing career in showbiz: "Ito na talaga ang mundo ko, masaya kasi."

Slater Young on his experiences doing a teleserye: “Na-try ko na yung mga cameo-cameo dati, ito yung seryoso talaga. It’s not easy, sobrang hirap nung una. Now it’s getting easier naman, pero siyempre kabado pa ng kaunti.”


Pagkatapos niyang maitanghal bilang grand winner sa Pinoy Big Brother Unlimited ay walang gaanong nababalitaan kay Slater Young.

Kaya marami ang nagtatanong kung ano na ang pinagkakaabalahan nito ngayon.

Isang engineer si Slater nang pumasok siya sa Bahay Ni Kuya, pero sinabi niya sa mga nakaraang interviews na handa siyang talikuran pansamantala ang propesyon at subukan ang suwerte niya sa mundo ng show business.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Slater ay ibinalita nito na kasama siya sa upcoming primetime series nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa ABS-CBN, ang A Beautiful Affair.

Ito ang raw maikukunsidera ni Slater na kauna-unahan niyang regular show sa Kapamilya network.

“Pinsan ako ni Bea… As my character develops, magkakaroon din ako ng loveteam,” sabi niya tungkol sa kanyang role.

WALANG TULUGAN. Kuwento pa ni Slater, “Ngayon ko nae-experience yung walang tulog.

“First time kong na-experience ang taping na I was up 4 a.m., pinapapasok na kami ng 6 a.m.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Ito pala ang sinasabi nila.’

“Na-try ko na yung mga cameo-cameo dati, ito yung seryoso talaga.

“It’s not easy, sobrang hirap nung una.

“Now it’s getting easier naman, pero siyempre kabado pa ng kaunti.”

Ano ang mga paghahandang ginawa niya para sa kanyang role, lalo na’t marami na ang nag-aabang sa kanya na umarte?

“Well, for me naman talaga, palagi ko silang tinatanong… kasama ko lagi si John Estrada dun.

“Kahapon magkausap kami, tinulungan niya ako.

“Sabi niya, ‘Ganito lang mag-memorize, bro. Tapos after a while, made-develop mo yung confidence mo, so dun mo na malalabas yung talent mo.’

“Sobrang tagal din before ako nagka-regular show, parang that’s why din na kinakabahan ako.

“Ang laki ng pressure namin, malaki din ang pressure ko sa sarili ko bilang ito yung first time na isasalang ako sa teleserye, tapos primetime kaagad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap yung role, interesting yung role ko."

BEA ALONZO. Si Bea raw ang madalas na nakakaeksena ni Slater at hindi maiwasang magkamali siya paminsan-minsan sa harap ng aktres.

Kuwento ng baguhang aktor, “Every time na nagkakamali ako, sobrang nahihiya talaga ako sa kanya.

“Sobrang bait niya, sabi niya sa akin, ‘It’s okay, nagkakamali naman ang lahat.’

“Sabi ko nga, ‘Wow, ang bait niya!’”

Biniro ng PEP si Slater na na baka kaya siya nagkakamali ay dahil crush niya ang aktres at nako-conscious siya rito?

Sagot naman niya, “Siyempre lahat naman yata nagkaka-crush kay Bea, di ba? Bea Alonzo ‘yan.

“Sobrang bait niya, makulit din, palagi niya akong tinutukso.”

CAREER OVER SHOWBIZ. Sa ngayon ay zero ang lovelife ni Slater kung kaya’t focus muna raw siya sa kanyang trabaho.

“Sa showbiz, marami akong crush, pero I’m not dating anyone, I’m not going out with anyone.

“Pero kung mayroon, siyempre gusto ko rin naman.

“Kung wala, okay lang din, trabaho muna.”

Ayon pa kay Slater, mas desidido na talaga siya ngayong gumawa ng sariling tatak sa showbiz.

“Oo, decided na ako for now—ito na talaga ang mundo ko, masaya kasi.

“Masaya talaga ako, masaya ako na kasama ako sa ABS.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN