Part 1. Vice Ganda on another Phenomenal Box-Office Star title: "Sana, sana, sana…"

Masaya si Vice Ganda dahil sa loob lamang ng apat na araw ay umabot na raw sa mahigit P100 million ang kinita ng bago niyang pelikula na This Guy’s In Love With U Mare. Posible nga raw mahigitan nito ang kinita ng pelikula ni Vice noong isang taon, ang Praybeyt Benjamin.


Patuloy na pinipilahan sa mga sinehan ang Star Cinema-Viva Films movie na This Guy’s In Love U Mare sa ikalawang linggo nito.

Ayon sa reports, umabot na sa mahigit P100 million ang kinita ng pelikulang ito nina Vice Ganda, Toni Gonzaga, at Luis Manzano pagkatapos lamang ng apat araw.

Kaya naman hindi na raw kataka-taka kung mahigitan nito ang P330 million na kinita ng pelikula ni Vice noong isang taon, ang Praybeyt Benjamin.

Ang pelikulang ito ang kasalukuyang may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino film of all-time.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice noong Miyerkules, October 17, sa hallway ng ABS CBN.

Masaya nitong ibinalita na malaki ang posiblidad na mahigitan ng This Guy’s In Love With U Mare ang kinita ng Praybeyt Benjamin.

Sabi ng TV host-comedian, “Oo nga, nakaka-tense, puwede raw.

“Kasi ang tinitingnan nila, yung projection. Every day may projection sila kung magkano ang kikitain.

“Dumidikit siya sa Praybeyt Benjamin at may isang araw na tinalo niya yung gross ng Benjamin.

“Yung parang pang-third day, tinalo niya yung kinita ng Benjamin sa third day niya.

“Nakaka-tense kasi sa loob ng apat na araw, naka-one hundred million na yung This Guy’s In Love With U Mare.

“E, yung Praybeyt Benjamin, naka-one hundred million siya sa fifth day niya kaya parang tatalunin nga nito ang Benjamin.

“Saka bukod dun sa kinikita, ang daming magagandang reviews na sinasabi ng mga tao.

“Bukod daw sa nakakatawa, maganda yung istorya, totoo yung pangyayari—nagustuhan nila, maganda yung pagkakagawa ng pelikula.”



FUNNY BUT TOUCHING. Seryoso raw kasi ang tema ng This Guy’s In Love With U Mare pero binihisan lang ng komedya.

Marami raw kabilang sa third sex ang naka-relate sa istorya ng isang bading na niligawan ang babaeng pakakasalan ng karelasyon niyang lalaki.

May mga naiyak pa nga raw sa ilang touching moments ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Vice, “Ako din, kahit ilang beses ko na siyang napanood, mayroon certain scenes dun na naiiyak ako.

“Ito ay nung nag-sorry sa akin si Luis Manzano, sobrang umiiyak ako dun.

“Last day na ginawa namin, last shooting day, na tapos na yung eksena, pag-uwi ko sa van, iyak ako nang iyak.

“Sabi niya, ‘Bakit ka umiiyak?’ Kausap ko siya sa phone.

“Kasi yung mga eksaktong salita na gustong marinig ng isang bakla sa dati niyang naging dyowa…”

TWICE IN A ROW? Si Vice ay itinanghal bilang Phenomenal Box-Office Star ng Guillermo Mendoza Scholarship Foundation Inc. (GMMSFI) ngayong taon dahil sa tagumpay ng Praybeyt Benjamin.

Sa kasalukuyang tagumpay sa takilya ng This Guy’s In Love With U Mare, umaasa ba si Vice na maibigay pa rin sa kanya ang nasabing titulo sa susunod na taon?

“Sana, sana, sana… ipinagdarasal, pero kung ano ang ibigay sa akin ng Diyos, okay na.

“Sobrang malaking buhos na yun, na natapos namin nag matiwasay yung pelikula na wala kaming naging problema.

“At least, never kaming nagkaproblema at all.

“Ang saya-saya tapos kumita, ang daming nagandahan, ang daming nanood nang paulit-ulit.

“Nag-pay off lahat ng pinagtrabahuhan namin.”



MMFF MOVIE WITH KRIS & AI-AI. Samantala, ipinagpapasalamat ni Vice na bumalik na si Kris Aquino sa gagawin nilang pelikula para sa 2012 Metro Manila Film Festival, ang Sisteraka.

At ang maganda pa nito, ang nabalitang papalit kay Kris na si Ai-Ai delas Alas ay kasama pa rin sa pelikula.

Saad ni Vice, “Tuloy na tuloy.

“Bigger and better movie na yung plinano ng Star Cinema kaya exciting, nakakatakot, nakakakaba.

“Nate-tense nga ako…

“Nung nag-out of the country nga ako nitong mga nakaraang araw, tinext ako ni Sir Deo [Endrinal], ‘Ang bongga ng pelikula mo, wag nang ma-tense, wag nang ma-stress, wag dagdagan ang pressure, mag-relax ka lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Di na po ako nati-tense, tapos na po ako dun sa This Guy’s In Love With U Mare. Nagpe-prepare na po ako para sa Sisteraka.’

“Kailangan kong mag-prepare kasi Kris and Ai-Ai yun.”

Patuloy niyang kuwento, “Nung nag-backout siya [Kris], nalungkot ako kasi hindi ko alam na nag-backout siya, nababasa ko lang sa Twitter.

“E, ako naman, hindi naman ako masyadong nagpapaniwala din sa mga naririnig ko—until sabihin na lang niya, ‘Asawa, hindi ko na gagawin ‘yan.’

“Sabi ko, ‘Ha, bakit ganun? Iiwan mo ako sa ere.’

“’Kayo na lang ni Ai-Ai ang gagawa.’

“Sabi ko, ‘Talaga? Nakaka-tense. Sana man lang binigyan mo muna kami ng pagkakataon ni Ms. Ai-Ai na mag-bonding muna.’

“Una kaming nagkita [ni Ai-Ai] sa Showtime, yung walang usap-usap, nagkasama na lang kami sa Showtime, nagkabiglaan na lang kami. E, di okay.

“Pangalawang kita namin, movie namin, sana hinahanda kami.

“Sabi ko [kay Kris], ‘Si Ms. Ai-Ai ba alam na hindi ka kasama, na dalawa lang kami?’

"Sabi niya, oo daw.

“Tapos nag-meeting kami. E, hindi pala puwede na ganun-ganun lang kadali, bigla kang aalis, papalitan ka.

“Puwedeng magdagdag pero hindi yata puwedeng magbawas, hindi papayag ang Metro Manila Film Festival.

“Ayun, e, hindi siya puwedeng umalis so bumalik siya.

“Ang maganda nito, kasama na si Ms. Ai-Ai.

“E, ang laki-laking pelikula. Sabi ko, ‘Ang bongga naman nito!’”

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na nagkaroon ng alitan sina Vice at Ai-Ai pero naayos na ito ngayon.

Positibo si Vice na ang pagsasama nila sa pelikula ang simula ng pagiging magkaibigan nila ng Comedy Queen.

“Oo, puro positibo lang ang tinitingnan ko, ayokong mabuhay sa kanegahan, yung nega ng nakaraan.

“Kilala naman ninyo ako, masayahin ako, gusto ko masaya lang nang masaya.

“Sobrang tapos na yun.

“Nilu-look forward ko, paghahandaan, at pag-iingatan ko kung ano ang mayroon kami ni Ms. Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di pa man, nilu-look forward ko yung magkikita kami bago kami mag-shooting kasi mayroon kaming meeting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN