Part 2. Vice Ganda on status of his lovelife: "Mayroon naman, pero nalulungkot. Hindi masyadong masaya. May pinagdaraanan."

Ito ang sagot ni Vice Ganda sa balitang bumili raw siya ng Hummer para sa isang lalaki: “Wala akong nakikitang masama dun. Ang importante, hindi mo yun pinangungutang, pinagtrabahuhan ko yun at bonus ito. Yun ang paraan para mapasaya ko ang sarili ko. Bumili ako ng Hummer pero hindi ko ipinamigay, ‘no. Pinaghirapan ko yun, ako muna ang makikinabang.”


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vice Ganda ang estado ng kanyang puso ngayon.

Madalas kasi siyang binibiro sa It’s Showtime tungkol sa kanyang lovelife.

Sabi niya, “Magkaroon ng masayang puso, charot!

“Hind ko alam kung sugatan ba siya o patay na siyang tuluyan.

“Kung ano lang ang mayroon, ine-enjoy ko lang, bahala na ang Diyos.

“Alam naman ng Diyos kung ano ang kailangan ko at saka yung iba nga, hindi ko naman hinihingi, ibinibigay Niya lang.”

Pero itinanggi ni Vice na dalawa ang inspirasyon niya ngayon.

“Hindi naman dala-dalawa… e, di sana ang saya-saya ko ngayon.

“Mayroon naman, pero nalulungkot. Hindi masyadong masaya. May pinagdaraanan.

“Siguro kasama ‘yan—bongga yung pelikula, ito yung kapalit… kasi lahat mayroon.

“Umiiyak ako nung isang araw.

“Sabi ko nung nag-hit yung Petrang Kabayo, na-comatose ang lola ko.

“Nung nag-hit yung Praybeyt Benjamin, namatay ang lola ko.

“Ngayong nag-hit yung This Guy’s… parang namatay yung puso ko.

“Ganun talaga, you can’t have it all.

“Kailangan na maranasan mo yun para ma-savor mo yung tamis talaga ng tagumpay.

“Hindi mo na maa-aprecaite yung tamis ng menudo kapag hindi ka makatikim ng adobo.

“Maayos naman, pero alam mo yung maayos na hindi masyadong maayos.

“Pero I’m holding on to my hope.”

Isang varsity basketball player ang napapabalitang karelasyon ni Vice.

HUMMER. Hiningi rin namin ang reaksyon si Vice sa balitang nagregalo raw siya ng sasakyang Hummer sa kanyang inspirasyon sa buhay.

“Unang-una, Hummer talaga? Puwede namang iba!

"Kaya nga pinaglalaruan na lang namin sa Showtime yun, paulit-ulit.

“Puwede, pero uunahin ko na muna ang pamilya ko.

“Kapag nakapagbigay na siguro ako ng eroplano sa pamilya ko, magbibigay ako ng Hummer sa lalaki.

“Pero kung hindi pa ako nakakapagbigay ng Hummer sa pamilya ko, baka tricycle muna sa kanya!"

Sabi pa ni Vice, “Wala kasi akong nakikitang masama kasi ang babae nagreregalo sa lalaki, ang lalaki nagreregalo sa babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano ang masama kung ang dyowa ay magregalo sa dyowa niya?

“Lagi lang kasi nating nakikita na yung bading nagreregalo sa lalaki.

“E, maraming pagkakataon din na yung lalaki nagreregalo sa bading?

“Hindi lang kasi nakikita ng mga tao, masyado lang kasi isa ang direksiyon ng mata ng tao.

“Wala akong nakikitang masama dun.

“Ang importante, hindi mo yun pinangungutang, pinagtrabahuhan ko yun at bonus ito.

“Yun ang paraan para mapasaya ko ang sarili ko.

“Bumili ako ng Hummer pero hindi ko ipinamigay, ‘no.

“Pinaghirapan ko yun, ako muna ang makikinabang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN