Atty. Ferdinand Topacio serious about filing civil case against Bea Binene and her mom if they do not issue a public apology

Ito ang sagot ni Atty. Ferdinand Topacio sa akusasyon na ginagamit lamang niya si Bea Binene para maging kontrobersiyal: “I do not need Bea Binene. Long before she was Bea Binene, I was hitting the front pages na, e. My reputation was not built overnight, hindi ko kailangan si Bea Binene para mag-ingay. On my own… modesty aside, I am news worthy on my own.”


Hindi magpa-public apology ang mag-inang Carina at Bea Binene kay Atty. Ferdinand Topacio.

Ito ang pahayag ni Mrs. Binene sa panayam sa kanya ng Manila Times na lumabas noong October 5, 2012.

Sabi pa ni Mrs. Binene, “Wala kaming kasalanan. GMA-7 na ang bahala sa case na ito.”

PUBLIC APOLOGY. Kaugnay ng pahayag nito ay kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Atty. Topacio nang namataan namin siya sa Music Box, sa Timog Avenue, Quezon City, kagabi, October 18.

Aniya, “Well, that is their prerogative.

“Pero naninindigan ako doon sa sinabi ko doon sa October 3 presscon ko, na if they do not apologize publicly, then I would have to go to court to vindicate my name.

“Kasi, hindi ko nga alam kung bakit, e. Palagay ko ill-advised sila, e.

“Kumbaga, isang simple apology lang naman.

“Actually, I do not even term it a public apology. I do not even want them to admit any mistakes.

“Sabihin lang nila, mag-usap kami… ang gusto ko lang naman, mag-usap kami, magkamayan kami.

“Sabihin namin na kung anuman ang nangyari, let’s forget about it, we remain friends.

“And then, mag-issue kami ng joint statement for public consumption na we sat down for dinner, we have ironed out our differences… and ngayong tapos na, we’re both willing to forgive and to forget.

“Yun lang e.”

Matatandaang nagpatawag ng press conference si Atty. Topacio noong October 3, sa Hotel Rembrandt, upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya.

Isa na rito ang pahayag ng mga Binene na hindi raw nila abugado si Atty. Topacio.

Naghanda pa ang abugado ng PowerPoint Presentation na may titulong “Hey, This Is The Truth, Bea!” upang ipaliwanag ang kanyang panig.

(CLICK HERE to read related story.)


NO TO OFF-CAM SETTLEMENT. Tinanong ng PEP si Atty. Topacio paano kung ang gusto ng mga Binene ay isang off-camera na pag-aayos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi puwede, e, kasi on-cam nila ako... they publicly maligned my reputation.

“So dapat pag na-repair ‘yon, dapat publicly din.

“Gano’n lang naman talaga ‘yon, e,” sagot niya.

Bakit ba nasaktan nang husto si Atty. Topacio sa pagtanggi ng mga Binene na siya ay naging abugado ng mga ito?

“Kasi, isa lang namang bagay ‘yan, e.

“The fact na after all that I have done as their lawyer, they would publicly deny na ako ang abugado nila.

“Sinabi pa nila na I had filed a complaint without their knowledge or consent, na hindi naman totoo.

“Unang-una, hindi ako nag-file ng complaint, sila [ang] nag-file.

“And lahat ng ginawa ko in relation to that complaint for that child abuse, alam nila, may sanction nila, at kasama ko sila noong nag-file.

“I had never gone to CIDG without them.”

Ang tinutukoy ni Atty. Topacio ay ang pagsasampa ng reklamo laban sa radio host na si Dan Villanueva—o mas kilala bilang Papa Dan—sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Setyembre 3 dahil diumano sa pangba-blackmail at pangha-harass nito kay Bea.

Patuloy ni Atty. Topacio, “I did not complain nga against… tinwist nga nila yung facts kaya napikon ako.

“Sabi nila, nag-file daw ako ng complaints against Mr. Villanueva, si Papa Dan, na hindi nila alam.

“Wala akong pina-file na complaint against Papa Dan na hindi nila alam.

“Sila ang nag-file ng complaint kasama nila ako. Sila yung nag-sign.

“Kaya nung nag-presscon ako, I showed the media, yung entertainment media, a copy of the blotter na sila ang nakapirma.

“Wala akong pirma doon. I assisted them in filing.”

Muli ay binigyang-diin ni Atty. Topacio na siya ay abugado ng mga Binene at alam daw ito ng pamunuan ng GMA Ntwork.

Sabi niya, “I am their lawyer. That cannot be denied.

“I showed several documents wherein I signed letters addressed to GMA [TV network], what I signed as their lawyer as early as April.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sumagot sa akin ang GMA. GMA acknowledged me as the lawyers of the Binenes.

“Secondly, nung kinuha nila akong lawyer, priness release pa nila.

“Ipinakita ko yung mga items na lumabas sa mga tabloids, sinasabi nila na ako yung legal advisor nila.

“They were so proud when I consented to be their lawyer, priness release pa nila.”


THE CASE IS ON. Tuloy ba ang pagsasampa niya ng kaso ngayong hindi raw magpa-public apology ang mga Binene?

“Actually, we are preparing it.

“Hindi lang umabot for this week, siguro… definitely by next week to be filed kung hindi pa sila mag-a-apologize.

“It’s a civil case for damages for destroying my reputation,” sabi niya.

Mula raw nang pumutok ang isyu at matapos ang kanyang presscon noong October 3 ay walang naging “paramdam” ang kampo ng mga Binene sa kanya na gustong makipag-ayos ng mga ito.

“Wala. Ang dali lang naman, e.

”Actually, ako na nga… I’m the one trying to reach out through Mr. Arnold Clavio [GMA News anchor].

“Sinasabi ko nga na, ‘I-mediate mo na, let’s get together, let’s sit down together, kung gusto mo nandoon ka pa.

“’Kasi, sabi mo naman, parang anak-anakan mo na si Bea.’

“Sabihin lang namin na kung anuman ang nangyari, ayos na tayo.

“Yun lang naman—to repair the damaged done.

“But definitely, I will not take it sitting down that they destroyed my situation just like that.

“Buti na yung sabihin nila ngayon because I am very confident na pag pumunta kami sa korte, sasabihin ng korte na mali yung sinabi nila, that is not based on truth, na there is no client-lawyer relationship.

“I am very confident of that.”


“I AM NEWS WORTHY ON MY OWN.” May mga nagsasabing ginagamit lang daw ni Atty. Topacio si Bea, 14, para mapag-usapan at maging kontrobersiyal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I do not need Bea Binene,” mabilis na sagot ni Atty. Topacio.

“Long before she was Bea Binene, I was hitting the front pages na, e.

“My reputation was not built overnight, hindi ko kailangan si Bea Binene para mag-ingay.

“On my own… modesty aside, I am news worthy on my own.”

Kabilang sa mga naging kliyente ni Atty. Topacio ay ang mga dating Pangulo ng Pilipinas na sina Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.


NEW CLIENT. Nang makausap ng PEP si Atty. Topacio ay kasama niya ang ex-Artista Academy contestant na si Marvelous Alejo.

Hindi kaya pagsimulan na naman ito ng panibagong intriga sa kanya at sa young talent ng TV5?

Sabi ni Atty. Topacio, “We’re friends.

“She has some personal problems regarding her family, her dad, na I am not at liberty to give out in detail.

“I’m helping her out.”

Dagdag pa niya, “Nothing new naman. I’ve been representing a lot of actresses.

“Yasmien Kurdi was my client. Si Angelica Jones, si Tracy Torres…

“Talagang I’ve been representing these people, and you can ask them.

“Si Yasmien was even interviewed sa Anggulo [news program sa Aksyon TV] when they featured me.

“And she has nothing but praises with the way I handled her case against Baron Geisler.

“Professional ang relationship [with Marvelous],” pagtatapos ni Atty. Topacio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN