TV host Anthony Taberna impressed with vice-governor candidate Jolo Revilla: "Marunong siyang sumagot, mukhang alam niya yung sinasabi niya."

May bago na namang show ang Kapamilya new spersonality na si Anthony Taberna. Ito ang Mano Manokung saan kakapanayamin niya ang mga kandidato para sa 2013 elections. Sabi ni Anthony tungkol sa kanyang bagong show, “Ako na yata ang pinaka-busy na taga-news ngayon sa ABS-CBN. Siguro it always shows na katitiwa-tiwala naman tayo. Baka naman may maganda tayong ginagawa, kaya may kumpiyansa ang opisina sa akin.”


Sa Linggo, Oktubre 21, na magsisimula ang Mano Mano Ni Anthony Taberna, ang bagong show ng Kapamilya news personality na si Anthony Taberna sa Studio 23.

Dahil dito ay humarap si Anthony sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press sa isang pocket interview sa ELJ Building ng ABS-CBN sa Quezon City, noong October 17.

Candid si Anthony sa pagsagot sa mga tanong ng press.

Aniya, natutuwa siya dahil may bago na naman siyang show na idadagdag sa marami-rami na rin niyang palabas sa telebisyon.

Siya kasi ay host din sa Umagang Kay Ganda, Ako Ang Simula, at XXX ng ABS-CBN; Iba-Balita ng Studio 23; at Dos Por Dos sa DZMM.

“Ako na yata ang pinaka-busy na taga-news ngayon sa ABS-CBN,” sabi ni Anthony.

“Siguro it always shows na katitiwa-tiwala naman tayo. Baka naman may maganda tayong ginagawa, kaya may kumpiyansa ang opisina sa akin.”

JOLO REVILLA. Ang Mano Mano ay isang primer para sa darating na halalan. Dito ay kakapanayamin ni Anthony ang ilan sa mga kandidatong susubok na makuha ang boto ng mamamayan sa 201 elections.

Unang magiging guest ni Anthony sa kanyang programa si Manila Vice Mayor Isko Moreno, na kakandidato for re-election.

Ngunit mas mukhang mas exciting ang susunod na episode; dito kasi ay magiging guests niya sina Jolo Revilla at Jay Lacson.

Magiging magkalaban sina Jolo at Jay sa pagtakbo sa posisyon ng vice governor ng Cavite.

Bukod pa diyan ay nali-link si Jolo kay Jodi Sta. Maria, na dating asawa ni Pampi Lacson, na kapatid naman ni Jay.

Isa raw talaga si Jolo sa mga balak kapanayamin ni Anthony.

Halata kasing baguhan sa pulitika si Jolo, na batang artista lamang.

Ang koneksyon niya lang sa pulitika ay ang kanyang mga magulang: sina Senator Bong Revilla at Cavite second district Congresswoman Lani Mercado.

Pahayag ni Anthony, “Gusto ko talaga siyang ma-interview at na-interview ko nga, itong Jolo Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ang tingin ko sa batang ito, ito yung bimpo, e. Batang itinulak ng mga magulang sa pulitika, di ba? Parang ganun lang sa akin.”

Nagulat din daw siya na may alam pala si Jolo.

“Pero, actually sa akin, revelation siya, e. Marunong siyang sumagot, mukhang alam niya yung sinasabi niya,” sabi ni Anthony.

Kung ganun si Jolo, may laban din daw si Jay Lacson.

“Actually, revelation din sa akin, yung kasama niya sa segment na ito, si Jay Lacson, yung kapatid ni Pampi.

"Akala ko naman hindi marunong magsalita ito. Dahil nung kinakausap ko dati ’yan, parang binibili mo yung salita niya.

"Pero nagulat ako, dahil medyo subdued yung expression niya, pati yung sinasabi niya, pero magaling pala siya.

"So yung dalawang bata na ’to, nagagalingan ako,” saad ni Anthony.



NO ENDORSEMENT. Nilinaw ni Anthony na hindi niya ine-endorse ang dalawang kandidato.

Aniya, mapapanood pa nga sa episode na tila tsina-challenge niya si Jolo.

Paliwanag niya, “Well, sinabi ko sa inyo yun dahil sa nagulat ako sa kanya.

"Pero sa duration ng show, I never mentioned na, ’Ang galing mo pala!’

"Tinatanong ko nga, ’Ano namang mapapala namin sa ’yo? Ano naman ang experience mo?’

“Halimbawa, sinasabi niyang may background siyang barangay chairman.

"Barangay chairman tapos vice-governor ngayon? Ano pang mapagmamalaki mo sa amin?

"I’m sure yung mga nanonood nun, tinitira nito si Jolo.”

Iniisip ni Anthony na baka naghanda lang si Jolo para sa interview, kaya naging maayos ito.

“Actually, na-surprise ako kay Jolo.

"Siguro pinaghandaan niya yung interview. Baka nag-mock interview sila na lahat ng klase ng tanong, itinanong.”


JOLO AND JODI. Sinagot din ni Anthony ang tanong ng press tungkol sa relasyong Jolo at Jodi Sta. Maria.

Umamin ba si Jolo sa kanya na girlfriend niya na si Jodi Sta. Maria?

“Palagay ko, parang ganun, e,” sagot ni Anthony.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang ine-expect ko dun, e, baka mapikon, e.

"Dahil unang-una, kinahon ko siya dun kay Jodi na parang sila na, e. Puwede naman niyang sabihin na hindi naman kami.

"So, parang kinulong ko siya dun.

“Saka kuwan, yung sa Mano Mano mismo, tinanong ko kung mangangampanya si Jodi para sa kanya.

"Sabi niya, desisyon ni Jodi yun.”

Ngunit kahit tila hindi nakumpirma ang totoong estado ng relasyon nina Jolo at Jodi ay may iba namang naibuking si Anthony.

May isa raw kasi silang nakapanayam para sa "Face-buking" segment na may sinabi tungkol sa bagitong kandidato.

“Merong isang tanong dun sa ’Face-buking,’ sinabi, ’Si Jolo, matagal ko nang kasama. Sabay-sabay yung girlfriend, marami,’ sabi niya.

"Tapos, pare-pareho yung tawag niyan, ’Love.’ Tapos ang pabangong binibili niya, pare-pareho, para walang mali.

"So, walang bet-sa, walang sabit dun,” kuwento ni Anthony.

Nang tinanong niya raw si Jolo ay maikli lamang ang sagot.

“Tanong ko, ’Totoo ba yun?’

"Sagot niya, ’Nung bata pa tayo.’ Parang matanda na, ano? Parang tatay na lang siya,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN