LJ Moreno joins another reality show; teams up with friend CJ Jaravata in Amazing Race Philippines

Isa ang aktres na si LJ Moreno sa contestants sa Amazing Race Philippines ng TV5. Ka-tandem niya ang kaibigan niyang si CJ Jaravata sa TV5 reality show na ito na ihu-host ni Derek Ramsay.


Beterana nang maituturing ang actress-businesswoman na si LJ Moreno kumpara sa ibang contestants ng The Amazing Race Philippines (TARP) ng TV5 kung ang pag-uusapan ay ang pagsali sa mga reality show.

Bago kasi ang TARP ay nauna nang sumali si LJ noon sa Fear Factor ng ABS-CBN.

Pero mas na-enjoy niya raw ang TARP pagdating sa paglalakbay sa buong Pilipinas.

Sabi ni LJ, “With Fear Factor kasi, more on stunts kami. We really didn’t get to travel around.

“Like nag-Argentina kami, pero naka-blinfold kami pagdating sa location, e.

“Pagdating namin doon, stunt na. Pagkatapos ng stunt, sakay ng van tapos balik sa bahay.

“Dito sa Amazing Race, na-experience namin talaga yung pag-travel.

“Hindi yung naka-bus kami… parang how to get from point A to point B on our own.

“So, we get to ride yung bicycle, yung jeep, yung bus na hindi aircon.

“Sobrang na-enjoy ko and yung mga places na if it wasn’t for Amazing Race, I probably would never be able to visit.

“I’m so glad I was able to visit them. Kaya lang, hindi pa puwedeng sabihin yung mga pinuntahan namin.

“Pero na-enjoy ko talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa press launch ng The Amazing Race Philippines kahapon, Oktubre 18, sa Something Fishy Seafood Restaurant sa Eastwood Libis, Quezon City.



REDEEMING ONE’S SELF. Ayon kay LJ, wala siyang kaalam-alam noong una tungkol sa auditions ng The Amazing Race Philippines.

But one incident led to another lalo na nang muli niyang ma-meet ang kanyang kaibigang celebrity rin na CJ Jaravata, na eventually ay naging teammate niya dito sa Amazing Race.

Kuwento ni LJ, “I actually didn’t know na may auditions for Amazing Race because I started a cake business.

“So, yung mundo ko talaga, sa kitchen lang. Wala akong ginawa kundi mag-bake lang nang mag-bake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, my little sister will move to the States. Nag-outing kaming dalawa lang for sister bonding before she left.

“Tapos on the way back, na-delay yung flight.

“Then I saw some friends na before-before pa, mga ’90s pa… teenage friends.

“Although we don’t see each other all the time pag nagkikita kami, ganun pa rin, super-close pa rin.

“So, na-delay yung flight and after a while, may biglang pumasok doon sa lounge namin at nagsisisigaw.”

Si CJ ang tinutukoy ni LJ.

“Tapos, yun pala, she was looking for a partner kasi nag-audition na siya twice, ayaw nila yung mga naging partner niya.

“Tapos naghahanap siya ng isa pang partner.

“She was telling me na from the start, iniisip niya to ask me, kaya lang iniisip niya kasi na naging ‘anti-social’ ako, di ba, and because I have my business.

“So, parang naisip niya there’s no way that she’s gonna join.

“And then when she asked me, hindi naman siguro aksidente na na-delay yung flight namin. Hindi rin aksidente na nagkita kami doon.

“Actually, before that, doon sa pool ng hotel, nire-reenact ko yung stunt na nag-eliminate sa akin doon sa previous reality show [Fear Factor] na sinalihan ko.

“So, sabi ko, baka this is a sign for me to redeem myself.

“So, sabi, ‘Wait, I’m gonna text Jimmy [Alapag], my husband, and if he said yes, go na.

“Pagka-text ko kay Jimmy, sabi niya, ‘Yeah, baby, go ahead. I’m sure you’re gonna have fun.’

“So, yun na.”

Sabi niya, gusto niyang i-redeem ang sarili niya dito sa Amazing Race. Na-fulfill niya ba yung goal niya?

“Well, yung mga stunts dito, naano ko naman, na-achieve naman namin.

“Na-redeem, in a way, na nagawa ko rin naman yung stunts,” sagot ni LJ.

Ano ang pinakamahirap na challenge na ginawa niya sa show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinakamahirap para sa akin yung pagkain ng maanghang kasi hindi ako kumakain ng maanghang to the point na isinuka ko na.

“Kasi pag isinuka mo, uulitin mo, e.

“So, nung isinuka ko na, nilunok ko na lang ulit.”

Ano ang mga natutunan niya sa Amazing Race?

“One thing is I learn to appreciate even more yung mga little things.

“Yun nga, like yung as small as a can of sardines, maa-appreciate mo talaga kung wala kang ibang makain.”



CJ AS PARTNER. Sa kanilang dalawa raw ni CJ, ang partner niya ang talagang masigasig sa sumali sa Amazing Race dahil avid fan nga ito ng naturang international franchise.

Malaking bagay rin daw na matagal na niyang kaibigan si CJ, na isa ring artista, at commercial and ramp model.

Kumusta naman bilang teaammate si CJ?

“Sobrang okay kasi talagang friends kami from when we’re younger.

“We didn’t had any problems naman and we get along talaga.

“Siyempre may mga times talaga na nagtataasan ng boses, pero hindi kami nagsasabay, e, kaya okay kami.

“I think we’re the only team na hindi talaga majorly nag-argue.”



SUPPORTIVE HUSBAND. Nagpapasalamat din si LJ sa asawa niyang basketball player na si Jimmy Alapag dahil sa pagpayag nito at pagsuporta sa kanyang sumali sa Amazing Race.

“Super supportive… as in siya yung bumili ng backpack. Siya yung nag-empake ng bag ko and everything.

“We’re like that with each other.

“When he’s playing sa PBA, kulang na lang pumasok ako doon sa court mismo.

“We’re both really competitive and we both support each other.

“Kaya sabi ko kay CJ, pag sinabi ni Jimmy na ‘No,’ hindi ako pupunta.

“Buti na lang pumayag siya and sabi niya nga, ‘I’m sure you’re really gonna have fun.’”

Kung halimbawang hindi si CJ ang teammate niya, posible kayang si Jimmy ang makasama niya bilang husband and wife tandem?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, hindi, kasi baka mag-away kami. Kasi nga, pareho kaming sobrang competitive.

“I think perfect [sa race] yung friends.

“I think pag in a relationship, if ever na may conflict… kasi minsan pag ang kasama mo boyfriend mo o asawa mo, pag may pagka-brattinela [brat] ka, kailangan sundin mo yung asawa mo.

“Pero pag sa friends, kailangan marunong kang mag-give and take.”

Kumusta naman si Jimmy bilang asawa?

“Sobrang okay, I really feel secured. Hindi siya nagkukulang… sobrang caring pa rin niya.”

NO BABY YET. Mabuti na nga lang daw din at wala pa silang anak ni Jimmy dahil ibang usapan na raw pag may baby na sila.

“Wala pa, we’re still trying,” sabi ni LJ.

Hindi ba sila napu-frustrate na wala pa silang baby?

“Hindi naman, two years pa lang naman kaming kasal.

“I think yung mga magulang namin, sila yung atat, e.

“Kami kasi, we’re both focused on our careers also. He’s busy with basketball, I’m busy with yun nga my business.

“And then we just bought a new house, we’re still renovating.

“So, siguro pag na-settle na yung house and everything, baka we can focus on having a baby next.

“Hindi pa naman kami nag-e-effort na pumunta ng doctor like that.”

Pero gusto na ba niyang magka-baby?

“Oo, ever since we got married, we wanted a baby na rin, e. Pero hindi pa yung to the point na pupunta na kami sa doctor.”

Ano ang gusto niyang first baby—boy or girl?

“Gusto ko, boy. Gusto ko ng another basketball player.

“Bukod sa tatay niya, gusto ko yung may pinapanood ko rin ang anak ko.”



GOING BACK TO SHOWBIZ? Ngayong sumali siya rito sa Amazing Race Philippines at nagbabalik-telebisyon siya, nangangahulugan din ba ito ng muli niyang pagbabalik at pagiging aktibo sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not necessarily pagbalik. I don’t think makakabalik pa ako ng full-time talaga.

“But if there’s an offer nga… and I miss acting naman.

“I can still do acting but, at the same time, ayoko namang ma-overlook yung business ko.”

May showbiz offers pa ba siyang natatanggap kahit noong hindi pa siya sumasali sa Amazing Race?

“Meron din. Ang ano ka lang is I have to be smart now with my decision as far as accepting shows.

“Will I make more money with this offer, or is it something that I really wanna do, or will it be better that I stay in the kitchen na lang and attend to my business?

“Mas nagiging priority ko talaga yung bakery, yung business e.”

Pagkatapos daw ng kontrata ni LJ sa Amazing Race Philippines, wala naman daw problema kung magkakaroon ng offer ang TV5 sa kanya. Basta yung may time pa rin siya sa kanyang business.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN