Nadine Samonte "happy" that she has suitors now after recent breakup

Ito ang paliwanag ng Kapatid actress na si Nadine Samonte nang tanungin kung bakit masaya siya sa pagiging single: “Mas mae-explore mo na lahat, mag nag-e-enjoy ka. You have your own decisions na hindi mo na kailangan magtanong sa iba. Matututo ka na sa sarili mo. And happy ako kasi parang mas malaki na, out of the box ka na.”


May ilang buwan na ring hiwalay si Nadine Samonte sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Emerson Chua. Pero ngayon ay happy na naman daw ang young actress.

Sa report ng Ang Latest, inamin ni Nadine na may mga manliligaw na siya ngayon.

Sabi niya, “May mga nanliligaw na... oo, happy naman ako...”

Bakit kaya sinasabi niya na happy siya being single?

Paliwanag niya, “Mas mae-explore mo na lahat, mag nag-e-enjoy ka.

“You have your own decisions na hindi mo na kailangan magtanong sa iba. Matututo ka na sa sarili mo.

"And happy ako kasi parang mas malaki na, out of the box ka na.”

Sino naman kaya ang nagpapasaya sa kanya ngayon?

Natatawang tugon ni Nadine, “Meron nga! Masaya lang ako ngayon, yun lang.”

Sa ngayon ay abala si Nadine sa guest role niya para sa Enhanted Garden ng TV5 kung saan kaabang-abang daw ang kanyang karakter.

Busy rin siya sa nalalapit na pagbubukas ng isa pang fantaserye ng Singko, ang Kidlat, kung saan kasama niya sina Derek Ramsay at Ritz Azul.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN