Artista Academy’s Marvelous Alejo seeks Atty. Ferdinand Topacio’s help for "legal matter"

“Sabi po nila may teleserye kami na parang youth-oriented. Pero hinihintay pa ring matapos yung show sa October 27. Tapos po sa finals, meron kaming presentation ng Tropang Kickout,” kuwento ni Marvelous Alejo tungkol sa plano ng TV5 sa mga natanggal sa Artista Academy.


Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ex-Artista Academy scholar na si Marvelous Alejo sa Music Box, sa Timog, Quezon City, kagabi, October 18.

Kasama ni Marvelous ang kanyang ina at ang kontrobersiyal na si Atty. Ferdinand Topacio.

Dito nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na makausap si Marvelous at hingan ng linaw tungkol sa mga balitang kumakalat.

Sabi niya, “Ready naman po ako sa mga intriga.

“Nag-start naman po ako na ganito sa showbiz and I know showbiz comes with mga intriga.

“And si Attorney po, napakabait na tao niya. Tinutulungan lang po niya ako."

Si Atty. Topacio ang dating legal counsel ng pamilya Binene na humawak sa kasong child abuse na isinampa nila laban sa isang radio personality.

Aware daw si Marvelous sa isyu ng abogado ngayon sa mga Binene at ang client-lawyer relationship nila ni Atty. Topacio.

“I am ready to face and answer yung mga intriga. Alam ko naman pong ganoon talaga sa showbiz,” pahayag ng 16-year-old showbiz aspirant.



LEGAL ADVICE. Ano ba ang legal na usapin ang inilapit nila kay Atty. Topacio?

Pagtatapat ng dalaga, “I have problems with my dad. Kailangan ko ng legal advice.

“Kasi my mommy and my dad were separated. Not financial matters…

“Yung sa daddy ko po kasi, yung mga legal matters…

“Kasi mas pinili niya pa po kasi doon sa stepsister ko, we need to do some action… yung legal—we’re abandoned.”



MUSIC ALBUM. Pero maliban sa pagiging legal counsel ni Marvelous, tutulong din daw si Atty. Topacio sa production ng isang record album nito.

“Gagawa kami ng isang album,” banggit ni Marvelous.

“Hindi ko pa po alam kung siya ang producer, pero siya po talaga ang tutulong doon.

“Siya po talaga ang nag-propose.”



“TROPANG KICK OUT.” Sa mga kaganapan ng Artista Academy, nagsimula sa labing-anim na “scholars” hanggang anim na lang ang natira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit hindi nakasama sa Top 6 ng Artista Academy si Marvelous, nabanggit niyang bibigyan din ng projects ng TV5 silang “Tropang Kick Out.”

Kuwento niya, “Sabi po nila may teleserye kami na parang youth-oriented.

“Pero hinihintay pa ring matapos yung show sa October 27.

“Tapos po sa finals, meron kaming presentation ng Topang Kick Out.

“Of course, I feel blessed, kasi, kahit na-kick out ako, pero ang dami pa ring blessings na dumarating,” aniya.



INDIE FILM. May ginawa ring indie film si Marvelous, ang Mangkukulob ng Lipadiwa Productions, sa direksyon ni Ron Sapinoso.

Kuwento niya, “Yung indie ko po ginawa ko siya last April.

“Ako po yung pinaka-lead, wala akong mga sikat na actors na support.

“Kinunan ang pelikula sa Cavite at Tagaytay. It’s a horror movie.

“Hindi na po ako magkukuwento ng iba pa, basta panoorin na lang nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN