Barbie Forteza on loveteam with Derrick Monasterio: “Yung closeness namin, hindi pilit, para maging natural sa TV.”

Aminado si Barbie Forteza na “nahirapan” siya noong una niyang makapareha si Derrick Monasterio sa primetime drama series na Luna Blanca. Pero kalaunan ay “nasanay” na rin ang young actress.


Sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio ang bagong loveteam na bini-buildup ng GMA-7.

Noong magsimula sa showbiz si Barbie, ang teen actor na si Joshua Dionisio ang ipinareha sa kanya.

Ngunit nang magtapos ang Reel Love Presents: Tween Hearts nitong taon ay natapos rin ang JoshBie loveteam.

Pagkatapos nga nito ay ipinares si Barbie kay Derrick.

Una silang pinagsama sa ikalawang yugto ng primetime drama series na Luna Blanca, at ngayo’y masusundan na ng upcoming afternoon fantaserye na Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa.

“Uhm, so far naman po kasi si Derrick, wala naman po akong problema sa kanya,” sagot ni Barbie nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press ang bago niyang kapareha.

“Kasi kapag kunwari inaasar ko siya o kinukulit, hindi siya napipikon sa akin.

“Kasi ‘yon po ang way ko para maging close, kasi po makulit po talaga ako, e. Siya makulit din po siya kahit doon sa Tween Hearts.

"Actually, siya nga po ang makulit sa lahat ng tweens. Kaya magkasundo po kami ni Derrick.”

Nakapanayam ng PEP si Barbie kanina, Oktubre 19, sa pocket interview para sa Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.

DERBIE. Masaya si Barbie sa magandang pagtanggap ng mga tao sa bago nilang loveteam ni Derrick.

Katunayan, habang ineere ang episode nila ng Luna Blanca ay nabuo ang “DerBienatics,” ang grupo ng mga tagahanga ng loveteam nina Barbie at Derrick.

“’Yon ang nakakatuwa!” bulalas ng batang aktres.

Kuwento pa niya, “Kasi last time, no’ng nag-mall show kami, hindi ko lang maalala kung saan, mayro’n na kaming tarpaulin ng DerBienatics.

“So, nakakatuwa kasi something new, something different.”

Bagamat hindi gaanong nabigyan ng “focus” ang loveteam nina Barbie at Derrick sa Luna Blanca, marami raw sa staff ng show ang nakapansin na "makulit" daw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ng teen actress, “At saka naipo-portray naman po namin yung roles namin na parang kami rin, na parang nagkukulitan na Derrick and Barbie lang.

“So, nakakatuwa na yung closeness namin, hindi pilit, para maging natural sa TV."

Ngunit inamin sa amin ni Barbie na noong unang maitambal siya kay Derrick ay “nahirapan” siya.

Paliwanag niya, “Kasi nga sa eksena, iba na lagi yung mukhang nakikita ko, iba na lagi yung katitigan ko na loveteam.”

Pero kalaunan naman daw ay “nasasanay” na rin ang batang aktres, sa tulong na rin ng kanilang workshops at kulitan sa set.



FULFILLED. Bagamat kinse anyos pa lamang si Barbie, maraming proyekto na rin ang ipinagkakatiwala sa kanya ng GMA-7.

Kaya naman ganoon na lang ang saya at pasasalamat niya sa panibagong proyektong na ibinigay sa kanya ng Kapuso network.

Ani Barbie, “No’ng unang beses ko na marinig ang Mariposa, marami akong naririnig na siya ang magiging Mariposa.

“So, never pumasok sa isip ko na ako ang magiging Mariposa.

“Kaya tuwang-tuwa talaga ako nang malaman ko, kasi sa dami ng puwedeng pinagpilian na artista, ending, ako yung naging Mariposa.

“So I’m very happy, and talagang I’ll just do my best para ma-portray nang maganda yung Mariposa, dahil ako ang napili nila to play the role of Mariposa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN