Georgina Wilson considers entering showbiz: “If the right movie comes along, if there’s a project or teleserye na bagay sa akin, I’ll be very willing to take it.”

Inspirasyon daw na maituturing para sa 2013 Ginebra San Miguel calendar girl na si Georgina Wilson sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Aniya, “I’ve just watched John Lloyd and Bea [Alonzo]’s movie, and I found that… parang they’re huge inspirations on learning how to act and how to be an actress here in the Philippines.”


Ang model and VJ na si Georgina Wilson ang calendar girl for 2013 ng Ginebra San Miguel.

Ayon sa 26-year-old Filipino-British, tatlong buwan ng todong diet at workout ang ginawa niya para sa limang kalendaryo na may water sports theme.

“Talagang dedma muna ang sweets and I work out regularly to prepare for these calendars,” sabi ni Georgina sa harap ng nagsidatingang press, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa launching ng calendars sa Imperial Palace Suites Mezzanine kaninang tanghali, October 19.

“It wasn’t easy. It was because the project was so big, so I was in a lot of pressure.”

Pareho raw silang excited ng boyfriend niyang si Borgy Manotoc dahil malaki, kilala, at prestihiyosong kumpanya ang Ginebra San Miguel, Inc.

Sa sobrang excited niya, naging masyado raw siyang involved kahit na sa pre-production pa lang ng shoot.

“Ako yung first artista na pumunta sa pre-prod. Hindi pala ‘to normal,” ani Georgina, na kahit hirap mag-Tagalog dahil lumaki sa United Kingdom at Australia ay nagpupumilit pa ring magsalita sa pinakagamit na dayalekto ng mga Pilipino.

Very hands-on daw siya sa shoot at siya mismo ang pumili ng mga isusuot niyang two-piece swimsuits.

ENTERING SHOWBIZ. Itinuturing na rin ni Georgina na launching niya sa showbiz ang pag-pose niya sa Ginebra calendars, dahil na rin sa mga nakaraang taga-showbiz na nag-pose para sa nabanggit na brand ng alak.

Ilan sa kanila ay sina Angelica Panganiban (2007), Iwa Moto (2008), Marian Rivera (2009), Krista Ranillo (2010), Anne Curtis (2011), at Solenn Heussaff (2012).

Sabi ni Georgina, “But when it comes to acting and being on the TV regularly, feeling ko, it will come in the right time for me.

“But right now, I’m very happy with what I’m doing.”

Hanga nga raw siya sa mga kaibigan niyang nasa showbiz, tulad nina Anne at Solenn, na nakakayang kabi-kabila ang mga proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil siya nga raw ang tipo ng taong laging gustong hands-on sa mga bagay na ginagawa, gusto niyang maging 100 percent kapag pumasok na siya nang tuluyan sa showbiz.

“So, I don’t have any plans right now, but I never say no to anything,” sabi pa ni Georgina.

Sa pakikipag-usap naman ng PEP kay Georgina pagkatapos ng presscon proper, nabanggit niya na pakiramdam niya’y showbiz na rin talaga siya kahit na wala pa talaga siyang nagagawa na full-project from showbiz.

Liban kasi sa paglabas niya bilang judge noon sa Showtime, wala na siyang ginawa pang iba na masasabing showbiz project talaga.

“I think the showbiz world is very receptive of me and parang feeling ko, I’m really in showbiz already. Hindi lang ako nag-a-act.

“Pero if the right movie comes along, if there’s a project or teleserye na bagay sa akin, I’ll be very willing to take it.”

HEIGHT IS A CONSIDERATION. Tinanong ng PEP kung sino ba ang gusto niyang makapareha kung sakaling magkaroon na nga talaga siya ng teleserye.

“I think Piolo [Pascual] is really cute… Well, Xian [Lim], I’m endorsing kasi with Xian.

“I’m thinking kasi kung sino ang ka-height ko,” sabi ng 5-foot 10-inches model.

“So, Xian, Piolo… Of course, in GMA, there’s Dingdong [Dantes], Richard [Gutierrez].

“Well, of course Richard is you know, my friend from before,” banggit pa niya sa dating boyfriend.

“And Dingdong, we know [each other] because we endorse Bench together.

“So, I think it’s important na if I do get into showbiz, I’ll be very comfortable with the person I’m acting with, ‘cause I have to learn from them a lot.”

INSPIRATION. Nabanggit din ni Georgina si John Lloyd Cruz.

“Baka naman hindi bagay sa akin, baka bagay sa love triangle. But I think John Lloyd is an amazing actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve just watched John Lloyd and Bea [Alonzo]’s movie, and I found that… parang they’re huge inspirations on learning how to act and how to be an actress here in the Philippines.”

Nakakakuha rin ba siya ng pangungulit mula sa mga kaibigan niyang sina Anne at Solenn para tuluyan nang pasukin ang showbiz?

“They don’t naman egg me to be in showbiz, they respect na, ito talaga ang focus ko—yung mga endorsements ko, mga projects.

“Anytime that we want to be part of it [showbiz], say I am doing something like for example with Showtime, I get a lot of invites from Anne.

“So, it’s more of like, kung gusto mo, then they’ll help you.

"But otherwise, I think it’s a very personal decision.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN