PEP TALK. Dingdong Dantes on relationship with Marian Rivera: "Sobrang mas malakas kami ngayon."

Ang mensahe ni Dingdong Dantes sa taong gumagawa ng “malicious stories” laban sa kanya: “Sana itigil na, because it’s not fair to everybody, especially to the people who believe that it’s true. Kasi siyempre in a way it affects lives, and gaya ng sabi ko, it’s very impossible for that thing to happened.”


Noong unang bahagi ng PEP Talk kasama si Dingdong Dantes, napag-usapan ang tungkol sa pelikula niyang Tiktik: The Aswang Chronicles, pati na rin ang pagiging isang producer.

(CLICK HERE to watch Part 1)

Sa ikalawang bahagi, bibigyang linaw niya ang mga isyung nag-uugnay sa kanya sa ilang Kapuso actresses.

Pero bago dumako diyan ang usapan, sinagot muna ng aktor ang naiwang tanong ng associate editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Erwin Santiago, tungkol sa shelved teleserye niyang Haram.

ERWIN: “Kasi supposedly may gagawin siyang primetime series with GMA-7, ‘yong Haram. Pero nagkaroon ng problema at hindi natuloy. So, Dingdong, ano ba nangyari sa Haram?”

DINGDONG: “Ah, ayun, naharang dahil hindi talaga…ah, medyo komplikado, e, kasi maraming dahilan.

“Pero ang pinakamatimbang na dahilan is that, uhm, siyempre in line with what’s happening globally, and in respect to our brothers and sisters in the Muslim community, GMA decided to shelve it for now.

“Pero kahit nakapag-shoot na kami ng couple of days, e, kinailangan muna namin siyang i-shelve. Siguro maganda na rin ‘yon para mas mapag-aralan pa namin ‘yong script and siguro, in time GMA decides to show it— if not this year, maybe next year, whenever— mas marami nang pagbabago, mas marami nang bagong kaalaman sa istoryang ilalabas talaga.”

ERWIN: “Pero nang ibalita sa inyo, ano naging reaction mo?”

DINGDONG: “Ah, siyempre nalungkot ako. Kasi siyempre ano ‘yon, e, sobrang ganda ng konsepto.

“Maaari siyang maging eye-opener, very educational ‘yon para sa hindi nakakaalam kung ano ba ang kultura ng mga Muslims— kung paano ang isang Muslim, modern Muslim family, ano ginagawa nila sa pang-araw-araw na buhay, etc.

“Kasi mostly lang naman ng nakikita natin, especially sa mga teleserye, ‘yong buhay ng mga Katoliko, nga mga Kristiyano, di ba? So it could have been something different.”

ERWIN: “Pero alam ko meron kino-conceptualize na bagong project, with same cast, so meron na bang napag-usapan kung ano ‘yon at kailan sisimulan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DINGDONG: “Ah, hindi ko sure kung same cast. Oo may nasabi sa akin na may nilulutong bago, sana same cast, sana same cast.

“So hindi natin alam... Hangga’t hindi sinasabi sa akin, hindi ako… I mean, I don’t wanna put finality in it. Kasi halimbawa ito na nga, sinimulan na namin, sabay hindi natuloy.”

Samatala, inalam naman ng managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan kung mayroon bang “usapan or consensus” sa pagitan ni Dingdong at ng nobya niyang si Marian Rivera, bago makipagtrabaho ang aktres sa ibang mga leading man nito.

“Wala,” ang mabilis na sagot ng aktor.

Pagpapatuloy niya, “Basta sa akin, ang rule ko sa sarili ko, e, hindi ako makikialam sa kung ano man ang career decisions niya, kung anong career path niya.

“Sabi ko, as long as she believes that the project would be good for her at saka masaya siya sa gagawin niya, magkakaro’n siya ng fulfilment sa gagawin niya, ako, I will support her one hundred percent.”

KAREN: “’Yong rivalry kasi ‘no, isa rin na importante sa career ng isang artista, and…”

DINGDONG: “Sa akin wala naman…”

KAREN: “Oo, ikaw at a time, madalas ka ma-isyu sa isang actor. Actually si Richard Gutierrez, who happens to be the celebrity na magiging kasama rin ni Marian sa isang show. So how are you with that kind of concept or idea?”

DINGDONG: “You know, we’re in the entertainment business, so as long as they believe that what they plan to do is very, you know, something that is worth watching and many people will want to see, so why not, di ba? Why not?”

ERWIN: “Ito deretsahang tanong, kasi si Marian alam natin na Primetime Queen ng GMA-7, so being the boyfriend and being one of the hottest actors in GMA-7, ikaw ba masasabi mo na or matatanggap mo na ikaw ang Primetime King ng GMA-7?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DINGDONG: “Hindi, hindi, wala. Ako, hindi ako naniniwala sa mga gano’ng bansag.

“Kasi ang magsasabi no’n talaga ‘yong mga nanonood, e. If they feel that she is the queen and whoever is the king, e, opinyon nila ‘yon, pero hindi manggagaling sa amin ‘yon.”

ERWIN: “Pero dapat di ba kung may queen, dapat may king.”

DINGDONG: “King, pero siguro sa ibang paraan. In my own palace and castle.”

KAREN: “Dong, kasi ang tagal mo na sa TV, di ba? [You started when you] were still in your early 20s or even younger], meron pa bang role na gusto mong gawin, na hindi pa nabibigay sa ‘yo?”

DINGDONG: “Sa TV? Oo naman, meron. Ito, ‘yong Haram sana, kasi sundalo ang role ko do’n. So, gusto ko sana ‘yong mga gano’n. I’m a fan of series 24, so something like that, parang gano’n.

ERWIN: “Okay, pero medyo maiba naman tayo ‘no. Although related pa rin sa internet, kasi napanood ko sa YouTube ‘yong bagong AVP ng DOT, Department of Tourism, at kasama ka do’n.

DINGDONG: “Nagulat nga ako, e.”

ERWIN: “Isa ka pala sa mga tourists attractions ng Pilipinas ngayon along with Manny Pacquiao. Ano masasabi mo do’n?”

DINGDONG: “Nakita ko ‘yong pinanggalingan that we like to play around with names. So, well, maybe they found it interesting na ‘yong pangalan ko, gano’n.”

ERWIN: “Oo, na we have an actor named Dingdong.”

DINGDONG: “Yeah, parang gano’n. Actually I got surprised also, kasi hindi ko alam na kasama pala ako do’n.”

ERWIN: “Pero ano ‘yong feeling na isa ka sa mga pinagkakapuri ng Pilipinas?”

DINGDONG: “Ganun ba?”

ERWIN: “Oo, dahil nando’n ka along with the beaches, the fiestas.”

DINGDONG: “Ganun? So hanapin na lang nila ako sa mga fiestas. Siguro sa Masskara Festival, nando’n ako sa Bacolod. Kasi I go there once a month.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkakataong ito, inusisa ni Karen ang mga babaeng na-link sa aktor.

DINGDONG: “Hind, nagsabi naman na ako ng statement ko before. Sabi ko nga diyan, baloney ang term ko, e. Nakuha out of nowhere, na I don’t understand, I don’t know how it happened.

“Ah, para sa akin kasi, there’s no reason for that to happened. Kasi ‘yong status ng relationship ko with Marian is sobrang saya namin, and I would describe it nga na we’re almost at our peak of happiness.

“Kasi simula nang nag-umpisa kami, ang dami nang napagdaanan hanggang sa ngayon. So, sobrang mas malakas kami ngayon.

“So sabi ko, there’s no room for that to happened, na kahit slightest of possibility. It is impossible, it is not true.

“Kumbaga doon sa interaction ko with the person na sinasabi mo, na nakatrabaho ko only several times, we don’t even consider ourselves as very good friends because we’re just acquainted. We see each other in Party Pilipinas. And it’s also unfair for her because she’s also in a relationship, and it’s totally not true.

“So, to whoever is fabricating this malicious stories, sana itigil na, because it’s not fair to everybody, especially to the people who believe that it’s true.

"Kasi siyempre in a way it affects lives, and gaya nang sabi ko, it’s very impossible for that thing to happened. A, kaya nga may CyberCrime proposal.”

KAREN: “Ayon, kasi may isa pang tayong… actually may isa pa na nili-link sa ‘yo or naririnig na na-associate sa ‘yo, si Sam Pinto. Ano ba ‘yong kuwento do’n?”

DINGDONG: “Hindi ko rin alam. Wala, hindi talaga. Sobra, sobra, sobrang hindi ko po alam.”

KAREN: “So magse-segue na tayo sa mas madali…”

Mas madali nga ba ang susunod na tanong kay Dingdong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Abangan, dahil sasagutin niya ang feed sa @PEPAlerts mayroong nakakita sa kanya sa loob ng sasakyan na may kasamang babae... at hindi si Marian Rivera!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN