No public apology for Atty. Ferdinand Topacio says Bea Binene: “Wala po akong dahilan para mag-apologize.”

Kayang-kaya raw sagutin nina Bea Binene at ng kanyang ina ang mga sinasabing ebidensiya ni Atty. Ferdinand Topacio na nagpapatunay na abugado nga nila ito. Hamon ni Bea: “Kaya namin ni Mama na sabihin lahat at isa-isahin kung saan may isyu at kung saan yun. Kaya po naming isa-isahin. Kaya po naming i-prove na hindi totoo. Kaya po naming sagutin ang lahat ng evidences niya.”


Masasabing malaking tiwala ang ipinagkakaloob ng GMA-7 sa loveteam nina Bea Binene at Jake Vargas sa kauna-unahang morningserye ng Kapuso network na Cielo de Angelina.

Kaya aminado tuloy si Bea na nararamdaman niya ang pressure sa bagong proyektong ito na nasa ilalim pa ng produksiyon ng GMA Films.

“Pressured na pressured. Dito ako pinakana-pressure kesa sa ibang shows. Siguro 150 percent ang pressure,” sabi ni Bea nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press sa presscon ng Cielo de Angelina sa 17th floor ng GMA Network Building nung October 17, Miyerkules.

Bukod sa pressure ng pagkakaroon ng bagong show na ipalalabas tuwing bago mag-Eat Bulaga, aminado rin si Bea na malungkot at disappointed siya kinasasangkutang kontrobersiya sa kasalukuyan.

“Kasi, maraming isyung binibigay sa akin na hindi naman totoo. Maraming sinasabi sa akin na hindi naman totoo,” lahad ng 14-year-old na dalagita.

Ang mga isyung kinasasangkutan nga ni Bea ay ang tungkol sa diumano’y stalker niyang si Papa Dan (CLICK HERE to read related story.) at ang paghingi sa kanila ng public apology ng abugadong si Attorney Ferdinand Topacio. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya tinanong naman namin si Bea kung ano ang makokomento niya sa sinasabi ni Atty. Topacio na mga hawak niyang ebidensiya, na ipinakita pa nito sa ipinatawag na press conference nung nakaraang linggo.

“Nasaan? Ipakita niya sa akin. Kayang-kaya kong sabihin lahat,” paghahamon na nasabi ni Bea.

“Kaya namin… Kaya namin ni Mama na sabihin lahat at isa-isahin kung saan may isyu at kung saan yun. Kaya po naming isa-isahin.

“Kaya po naming i-prove na hindi totoo. Kaya po naming sagutin ang lahat ng evidences niya.

“Pero parang legal matters na. So, si Mama na po ang bahala at saka yung lawyer.”

Ibibigay ba nila yung public apology na hinihingi ni Atty. Topacio mula sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit po kami magpa-public apology?” tanong naman ni Bea.

Ang claim kasi ni Atty. Topacio, sinira raw nina Bea at ina niya ang pangalan ng abugado.

“Sinisira ba namin?” natatawang tanong naman ngayon ni Bea.

“Basta, ‘yan po kasi, legal matters. So, si Mama na at saka yung lawyer po ang mag-aano…at saka yung GMA.

“Basta, inaayos po nila.”

Malabo rin daw na magbigay sila ng hinihinging public apology.

“No, wala po akong dahilan para mag-apologize,” mariing pahayag pa ni Bea.

LEGAL ADVISER NOT LEGAL COUNSEL. Puwede niyang sabihin na nagtiwala lang talaga siya?

“Nagtiwala? Opo…legal, e, ‘di ba? He’s a lawyer. He’s an attorney. Parang lahat ng legal matters, parang naging adviser.”

Naging legal counsel nga ba nila si Attorney Topacio, tulad ng sinasabi nito?

“Legal adviser,” ang may diin naman na sabi ni Bea.

“Parang tinatanong lang po kung ano yung mga dapat gawin at hindi dapat gagawin. Yung ganoon lang po.”

Tinuring din niya bang personal na kaibigan si Atty. Topacio?

“No… Professional friend,” sagot ni Bea.

Pero ang claim talaga ni Atty. Topacio ay naging lawyer nga nila ito, base sa mga ginawa nitong letter of requests sa GMA management noon at iba pang legal na dokumento.

“Kasi, parang legal adviser,” diin muli ni Bea.

“Parang nagpatulong po kami sa kanya dahil yun po ang sasabihin namin sa GMA na magkakaroon po ako ng album under Galaxy and may Japanese producer po ako.

“Parang gusto po sana namin, legal term. As legal adviser, parang letter lang naman po.

“Hindi ka naman magpa-file ng case. Parang magbibigay ka lang ng letter. Legal letter sa GMA, Artist Center, actually.”

Dahil sa mga nangyayari sa kanya ngayon, may pagkakataon bang napaiyak na siya.

“Iniyakan po? Kahit naman po papaano, minsan, opo.

“Kasi yun nga, nakaka-disappoint po kasi at nakakalungkot na may mga taong pinagkatiwalaan mo, pero, hindi. Iba pala ang agenda nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakalungkot kasi, marami silang sinasabing hindi totoo.

“Dahil ang dami nilang ginagawang ways, ang dami nilang pinapatunayan, pero hindi totoo.

“Yung tipong ganoon?”

May nakikita ba siyang “ibang agenda” sa mga ginagawi ni Atty. Topacio?

“Hindi ko alam, e,” natatawang sagot ni Bea.

Kung sakali, nakikita ba niyang posible pang maibalik yung sinasabi nga niyang professional friendship nila?

“Ewan ko po kay Mama. Pero para sa akin, ‘wag na lang po.”


ALL BECAUSE OF PAPA DAN? Tinanong na rin namin si Bea kung masasabi niya ba na tulad din ng opinyon ng ilan, na yung lahat ng isyu sa kanya ngayon, puwedeng sabihin na nag-ugat din dahil sa pagpapatira nila noon kay Papa Dan?

“Parang si Mama dapat ang sumagot niyan. Mama, halika nga rito,” tawag ni Bea sa kanyang ina na si Carina Binene para siyang sumagot sa tanong.

Ayon kay Mommy Carina, kaibigan niya raw talaga si Papa Dan at marami pang ibang DJ.

“Hindi, kasi, friend ko naman po talaga ang mga DJ. So, almost all of them, friends ko naman po talaga sila.”

Personally, may naramdaman din ba siyang pagsisi na tipong nagmagandang-loob sila rito at pinatira nila?

“Opo, kahit paano,” saad ni Mrs. Binene.

May natutunan din naman daw si Bea sa mga nangyari.

Aniya, “Huwag masyadong magtitiwala sa mga tao dahil yung iba, hindi nila alam ang agenda sa buhay nila.”

WORRIED FOR HER IMAGE. Kilala na rin si Bea bata pa lamang at masasabing sa loob ng panahon na nasa showbiz siya, hindi siya nagkaroon ng anumang bad image.

Wholesome ang pagkakakilala sa kanya at siyang naipapakita naman niya.

Natakot din ba siya na baka mabahiran ng hindi maganda ang wholesome image niya dahil sa kinasasangkutang isyu?

“Kaya ako na-disappoint kasi, pinapalabas nila ang ganyang isyu na hindi naman totoo.

“Opo, nanghihinayang ako. Kahit paano, natakot po ako. Sinasabihan po nila ako ng hindi totoo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa ba siyang patunayan sa lahat na anumang opinyon o hindi magandang pag-iisip na nabubuo sa kanya ng iba ay kaya niyang patunayang hindi totoo?

“Yes, I am."

Sa mga nangyari, naramdaman ba niyang para siyang biglang nag-mature?

“Hindi ko po alam.

“Kasi, ako naman, ano naman…hindi ko alam kung nag-mature ako.

“Kasi ako, ganun naman ako noon at ngayon,” aniya pa.

HAPPY WITH RELATIONSHIP NOW WITH DAD. Masaya namang naikuwento ni Bea na kumpara noon, mas ok na sila ngayon ng kanyang ama. Nagkita at nagkakausap na raw sila.

“Ok po kami ni Papa. Nagpupunta na raw siya sa bahay. Sinamahan na niya ‘ko sa wushu training ko. Ok naman kami.

“We’re very, very ok,” nakangiti pang kuwento ni Bea.

“Before pa lang ng isyu, tumawag ako sa kanya. Nabalitaan niya. So, noong nababalitaan niya ang isyu, meron din po siyang mga friends niya na nagtatanong about me kung ano ang nangyari and then ako, sinabi ko po ang totoo.

“Sinabi ko po kung ano ang nangyari. Hindi naman po niya masyadong pinapansin kasi, alam naman niya ang totoo.”

Hindi naman nagagalit ang daddy niya kina Papa Dan at kay Atty. Topacio?

“Na-disappoint din siya, kasi yun nga, puro hindi totoo.

“Sumama rin naman ang loob niya kahit paano kasi nga, mas nangingibabaw po yung hindi niya pagpansin, yung pang-dedma na lang namin.

“Yun nga, yung nagpapasama na lang ako sa kanya sa mga training ko.”

HAPPY TIMES WITH JAKE. Sa isang banda, ang ka-loveteam niya na si Jake, sa lahat ng naging kontrobersiya niya, paano naman siya nito sinuportahan?

“Tinanong niya po ako kung ano ang nangyari, sinabi namin.

“Si Jake, ano po, hindi naman kami talaga yung…kapag magkasama kami, hindi na lang namin pinag-uusapan. Para wala na lang masabi. Para masaya na lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, talagang ‘pag ano, hindi na lang namin pinapansin ni Jake. Basta nag-e-enjoy kami.

“Basta masaya kami kapag magkasama kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN