Rhian Ramos on reinventing herself in sexy and daring role in Indio: “Mas open ako ngayon sa mga bagay na masasabi kong dati hindi ako kumportable.”

“Sabagay, ilang years na ako sa industry. Kailangan ko namang gumawa ng bago, na parang mag-evolve ako. Hindi naman puwede na kung ano lang yung mga ginawa ko before e yun at yun din na lang ang gagawin ko,” sabi ni Rhian Ramos tungkol sa kanyang pagganap sa sexy at daring na role sa Indio.


“Thank you, happy talaga ako,” masayang bungad ni Rhian Ramos sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang pansinin na parang ang saya ng aura niya nung Martes, October 16, sa launch ng Samsung Galaxy Note II sa may Marriott Hotel, Pasay City.

Marami raw dahilan kung bakit siya masaya, kabilang na ang masayang lovelife at kabi-kabilang projects.

Ito na raw marahil ang regalo sa kanya. Twenty-two years old na si Rhian nung October 3.


SEXY IN INDIO. Napansin ng PEP na may mga tattoo pa si Rhian sa braso nang dumalo sa event.

Kagagaling lang daw niya sa taping ng bago nilang teleserye sa GMA, ang Indio.

Bahagi raw ang tattoo na yun sa sexy at daring na role na ginagampanan niya sa bagong Kapuso show.

Paano nga ba siya nakumbinsing gumanap sa isang sexy at daring na role?

“Kinausap ako nung direktor namin [Dondon Santos]. Kasi nung una hindi ako kumportable sa costume, may mga compromises kami na ginawa.

“Yung mga parts na gusto kong takpan, tinakpan naman nila.

“’Tapos yung ibang parts, ang compromise ko ay mag-diet na lang,” sagot ni Rhian.

“At saka sabi ko kasi na hindi ko kasi ‘to ginagawa, hindi ako sanay. ‘Tapos sabi nila, ‘Sige na, please, ito na lang yung magiging first time mo.’”

“So, sabagay, ilang years na ako sa industry. Kailangan ko namang gumawa ng bago, na parang mag-evolve ako.

“Hindi naman puwede na kung ano lang yung mga ginawa ko before e yun at yun din na lang ang gagawin ko.”

Masasabi ba niyang reinvention ng sarili ang ginawa niya?

“A little bit. Mas open ako ngayon sa mga bagay na masasabi kong dati hindi ako kumportable.”

Ipinagpaalam niya kaya ito sa kanyang boyfriend na si KC Montero?

Natatawang saad ng dalaga, “Ay, hindi naman, kinuwento ko lang, kinuwento ko lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko naman pinagpaalam talaga. Kasi alam n’yo, pagdating naman sa trabaho, ako naman talaga ang may say.”

Challenge daw sa kanya ang pagpapa-sexy, pero mas natsa-challenge naman daw siya sa mga dialogue nila sa serye.

“Iba yung mga salita na ginagamit namin,” sabi ni Rhian.

‘”Kasi yung ibang words natin ngayon, galing sa Spanish, di ba? So, dapat wala pa yun.

“Challenge siya para sa akin, kasi nahihirapan ako ng kaunti mag-Tagalog.

“So, kami ni Solenn [Heussaff] nakaka-relate kami nang kaunti.”

Natatawa pa niyang dagdag, “Kasama ko si Solenn, marami pang girls…si Maxene [Magalona], kasama si Sam Pinto, lahat kami parang hirap sa Tagalog.

“Kaya siguro kami pinagsama para matuto kami.”


DIFFERENT BIRTHDAY CELEBRATION. Bukod sa simpleng selebrasyon kasama ang mga mahal sa buhay nung October 3, nagdiwang din ng kanyang kaarawan si Rhian nung Miyerkules, October 17, kasama ang mga batang may karamdaman sa Philippine Childrens Medical Center (PCMC).

Kuwento pa niya, “Ito ang masasabi kong charity birthday. Kasi, usually ini-spend ko yung birthday ko into different parts—isa sa mga family and friends, isa yung showbiz, at isang charity.”

Nung actual birthday daw niya ginanap ang selebrasyon para sa family and friends. Simple lang daw itong dinner sa bahay nila kasama ang malalapit niyang kaibigan at kapamilya.

“Actually, very simple lang yung celebrations ko with family and friends this year, kasi medyo parang hindi ko feel magpa-party.

“Gusto ko lang yung simpleng dinner. So, nagluto yung mommy ko, and I had a couple of friends over. Pero my sister didn’t make it, so, hindi pa kami nakapag-celebrate.

“So far, it’s just been my mom and a couple of friends. Pero, I think that’s enough na for me kasi marami pa naman akong gagawin, e.”

Natupad na nga ang selebrasyon niya kasama ang mga bata ng PCMC at sa bukas, October 21, ise-celebrate naman niya ang kanyang “showbiz birthday party” sa Party Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


A SIMPLE JOY. Dahil birthday niya, may mga espesyal ba siyang regalong inaasahang matanggap?

“Ano nga ba?” nag-isip muna si Rhian.

“Ok, a couple of things. May dalawa akong na-receive this year.

“Hindi naman hiningi, kasi medyo yun yung sana gusto ko for myself, siguro napansin ng mga taong malalapit sa akin na gusto ko.

“One is from my mom, some health stuff. It’s actually…

“Gusto kong maging healthy this year. So, ano, I’ve been eating better. Mas healthy ako kumain.

“I got parang mga supplements. I wanted kasi a pack of supplements, kasi medyo pricey kasi, kaya ayokong bilhin for myself. So binili ng mommy ko para sa akin.

“I got another one, a mountain bike. Kasi hindi ako marunong mag-bike and gusto ko sanang matuto.

“And then, ano, at saka medyo pricey din yung mountain bike kaya ayokong bumili.”

Kanino naman galing ang mountain bike?

Medyo kinikilig si Rhian bago sumagot, “From KC.”

Nakapag-celebrate na kaya silang dalawa ni KC para sa birthday niya?

“Kaming dalawa, hindi, e. Pero pumunta siya dun sa dinner na pinaghanda ng mom ko.”

Sundot na tanong ng PEP sa dalaga, kuripot ba siya at parang sobra na siyang natutuwa sa mga simpleng bagay na natanggap niya na kaya naman niyang bilhin para sa sarili?

Humalakhak muna si Rhian bago nagsabing, “Kuripot ako sa sarili ko!

“Ahm…mas madali akong mag-spend ‘pag sa ibang tao. Pero ‘pag sa sarili ko ay hindi ako masyadong ano, e…

“So, ‘ayun, ‘pag birthday ko, dun ko nararamdaman na…wow andami kong gamit kasi hindi talaga ako nagsya-shop para sa sarili ko.”


SOSY PROBLEMS. Isa pa sa mga ipinagpapasalamat ni Rhian sa ngayon ay ang pagbibida niya sa Sosy Problems, ang official entry ng GMA Films sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Ako yung pinakamayamang sosy girl,” simulang kuwento ni Rhian tungkol sa role niya sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya yung role ko kasi lahat ng mga grand things in life mae-experience ko—may yaya ako, taga-hawak siya ng bag, may aso ako sa loob ng bag.

“And kasama ko dun sina Heart Evangelista, Bianca King, and Solenn Heussaff.

“So, lahat kami, friends. So, magiging fun yung paggawa ng movie.”

Hindi raw ito ang first time niyang makagawa ng pelikulang kasama sa MMFF, pero ito ang unang pagkakataon na siya ang bida sa isang MMFF entry.

“Nakasali na ako before sa Panday, sa mga movies ni Senator Bong Revilla.”

Kasama si Rhian sa Ang Panday nung 2009 at Ang Panday 2 nung 2011, na parehong pinagbidahan ni Sen. Revilla.

“Pero first time ko na lead. First time kong magiging lead sa [isang] MMFF [movie].”

Inaasahan ba niyang ma-nominate bilang best actress sa MMFF?

Natawa muna siya bago nakasagot, “Hindi, hindi yun mangyayari!

“Well, alam ko naman kung sino yung iba pang mga sumasali sa MMFF. So hindi ko yun ini-expect na ma-nominate ako.

“Alam ko naman kung sino yung mga leads sa ibang movies and I’m sure, ano, wala…kasi magagaling sila.”

Excited naman daw siya sa pagsakay ng float sa parade of entries sa December 24.

“’Ayun, excited ako dun sa parade. Kasi ano, e… Wala, parang may malaking motorcade, may malalaking float…very grand.

“At saka yun yung parang, ‘pag MMFF, parang magkakasama kayo ng mga fans. Excited ako dun sa part na makakasakay ako dun sa float.”


HELPING OTHERS. Hindi man masyadong nabalita, pero namataan naman ng PEP nitong nakaraang pananalasa ng habagat si Rhian at KC na namimigay ng relief goods sa isang evacuation center sa Rizal.

Ani Rhian, kahit artista na maraming gawain ay dapat may oras para sa pagtulong.

“Feeling ko kung lahat ng tao ay may kayang gawin, hindi naman kailangang pera.

“I mean puwedeng oras, kahit anong puwede mong ibigay, ibigay mo na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi we’re all here in the world naman to help each other.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN