FHM Philippines October issue cover girl Yam Concepcion on going nude: “If it makes sense that I have to be nude, then I will go nude.”

Wala raw uurungang hubaran ang sexy newcomer na si Yam Concepcion. Aniya: “If it makes sense that I have to be nude, then I will go nude. Pero kung kunwaring wala lang, pangkita lang ng balat, for the skin lang, siyempre I wouldn’t do it. Dapat may katuturan.”


Nakapanayam ng Ang Latest ng TV5 ang October issue cover girl ng FHM Philippines na si Yam Concepcion, isang baguhang sexy actress mula sa bakuran ng Viva Films.

Inamin ni Yam na proud na proud siya at napili siyang cover girl ng prestihiyosong men’s magazine.

Aniya, “Minsan lang naman to have an opportunity to pose for FHM, and to think nagsisimula pa lang ako.

“So there, I’m taking all the opportunity to give my 100 percent.”

Kahit sobrang sexy ng kanyang pictorial, hindi pa rin daw pala ibinuhos ni Yam dito ang kanyang pagka-daring.

Dahil pagdating naman daw sa hubaran ay hindi siya uurong basta naman daw may katuturan ito.

Saad niya, “If it makes sense that I have to be nude, then I will go nude.

“Pero kung kunwaring wala lang, pangkita lang ng balat, for the skin lang, siyempre I wouldn’t do it. Dapat may katuturan.”

Sa tingin ba niya, bilang contract star ng Viva Artists Agency ay mapapantayan niya o mas malalagpasan pa ang nagawa ng all-girl group noon ng movie company na Viva Hot Babes?

Tugon niya, “I just treasure the moment whatever it is. Sine-savor ko lang siya and see what will happen.

“Kasi we’ll never know what will happen, right?

“We’ll just cross the bridge when we get there.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN