Sexy comedienne and TV host Alyssa Alano survives vehicular accident; swears never to drive again

Hindi raw lasing o naka-drugs si Alyssa Alano nung gabing maaksidente siya habang nagda-drive ng kanyang Ford Everest sa Marcos Highway. Bibili lang daw siya ng gamot para sa sakit ng kanyang tiyan.


Last October 13, Saturday, Alyssa Alano as always was at her best—sharing hosting duties with fellow StarTalk TX hosts Joey de Leon, Lolit Solis, Butch Francisco, and Ricky Lo.

Matapos ang nasabing live episode, katulad ng kanyang nakagawian bago lisanin ang GMA studio, isa-isang pinagpaalaman ni Alyssa ang kanyang co-hosts.

Her work schedule ended as usual, walang pangitain ng peligrong paparating.

Kinabukasan, Linggo, October 14, bumungad na sa mga news reports ang tungkol sa aksidente ni Alyssa.

“Madaling araw ng Linggo nang maaksidente sa Marcos Highway si Alyssa sakay ng kanyang four-month old gray Ford Everest na may plakang VFH 668.

Base sa ulat, nasa westbound lane ng Marcos Highway ang SUV ni Alyssa bago lumihis patungong center island at bumangga sa metal fence barrier ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Nagpaikut-ikot, bumagsak sa eastbound lane at sumalpok sa isa pang sasakyang naroon.

Nang puntahan ng rescuers ang TV host, nadatnan itong may nakabaong bakal sa kanyang tagiliran.

Agad itong isinugod sa Marikina Valley Medical Center.

Sa kabutihang palad, hindi pumasok ang bakal sa loob ng tiyan ni Alyssa dahil kung nag-penetrate, maaaring nasira ang kanyang bituka or puwedeng ikasawi.

Madumi raw at may kalawang ang bakal na tumusok kay Alyssa pero agad namang nalinis ang kanyang sugat.

Ilang bersyon na ang lumabas kaugnay sa kung paanong sinapit ni Alyssa ang malagim na aksidente na naglagay sa kanya sa peligro.


ALYSSA’S VERSION. Sa unang pagkakataon, kanina October 20, sa anibersaryo mismo ng StarTalk TX, inihayag ni Alyssa ang kanyang bersyon.

“Pagkagaling ko po ng StarTalk, may driver po ako na pinsan ko. After ko po ng StarTalk diretso na po ako sa bahay [sa Antipolo].

“So, wala naman pong traffic masyado, siguro nakarating ako before 6 sa bahay.

“Natulog po ako, nagkalikut-kalikot sa bahay, naki-bonding sa mga aso ko.

“’Tapos natulog na po ako ng mga 11 pm.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sumakit po ang tiyan ko, pabalik-balik ako sa CR. Mga 1 [am] hindi na po tumigil sumakit, balik ako nang balik sa CR.”


Kaya nagdesisyon siya na bumili ng gamot sa sakit ng tiyan.

“Opo. Minsan po talaga ako yung bumibili, minsan ako ang pumupunta sa grocery, bumibili ako, wala naman pong problema na lumabas ako.

“Nung time na po na yun wala akong mautusan kaya ako na mismo ang bumili kasi ako lang yung nagda-drive ‘tsaka may sasakyan naman po ako.”

Patuloy pang pahayag ni Alyssa, “Ang dami-dami po na isyu na lumabas, e. Ito na po siguro, huling beses ko na po itong magsasalita.

“Ang totoo po, ‘ayun nagda-drive ako, masakit ang tiyan ko, medyo mabilis po talaga ako, aminado ako doon.

“Kaya lang po, medyo madilim po dun sa Marcos Highway. Ano, kung kayo ay nadadaan doon, ‘tsaka walang masyadong ilaw, di ba?

“’Tapos ang dami po yung mga trucks ang lalakas po ng mga ilaw, yung mga headlight nila, talagang ang tataas.

“Sobrang silaw na silaw po ako, nakabig ko po ng kanan yung manibela hanggang napunta po ako dun sa island, ‘tapos iyon, pagkapunta ko po ng island, talagang ganun-ganun na po yung sasakyan ko.”


MALFUNCTION. Nag-malfunction din ba ang sasakyan niya?

“Opo. Lahat naman po ng nakausap ko, lahat ng dumalaw, minsan nangyayari daw talaga po yun, dahil nagla-lock, lalo na ‘pag hindi pantay yung gulong mo.”

Kuwento pa ni Alyssa, hindi rin nag-activate ang airbag sa kanyang sasakyan.

“Opo. Ang sinasabi naman nila, hindi ako naka-seatbelt.

“Imposibleng hindi ako naka-seatbelt, kahit minsan lang po ako mag-drive naka-seatbelt po ako.

“Nakita naman po ninyo ang mukha ko, hindi na-damage, di ba?

“Sa tulong po ng seatbelt yan.”


METAL TUBE. Ngunit ang nakagigimbal sa pangyayaring ito ay ang peligrong dulot sa buhay ni Alyssa nang matusok ito ng tubo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko po dalawang beses nilang kinat [cut] sa katawan ko yung tubo kasi sobrang haba.

“Ang pakiramdam ko po, parang walang kapantay na sakit. Parang mamamatay ka na.

“Parang maturok ka nga lang ng konting karayom, masakit na, ano pa yung tubo na talagang nasa tiyan mo?”

Marami raw kalawang na natanggal sa katawan niya.

“Opo, alikabok, kalawang, dahil sobrang tagal na po nung mga fence na yun, e.

“Yung butas ng tiyan ko hindi nila ma-close dahil po tinatanggal, dine-drain nila yung mga kalawang, mga maduming dugo.”

NOT DRIVING UNDER THE INFLUENCE. Sa kabila ng nakagigimbal na sinapit ni Alyssa, puno ng ispekulasyon ang aksidenteng kinasangkutan nito.

Lasing daw siya?

“Naku po! Hindi po alak yung kailangan ko nung time na yun!

“Hindi po totoo yun, hindi naman po ako lasengga.”

May bystander pa raw na nagsabing adik siya?

“Puwede po nila akong ipa-drug test ngayon.”

Lumabas din sa ilang pahayagan na oras na makalabas sa ospital ay haharap si Alyssa sa patung-patong na demanda mula sa limang taong lulan ng isang sasakyan na nasalpok ng kanyang SUV.


ACCOUNTABLE FOR DAMAGES AND INJURIES. May pananagutan din daw sa MMDA ang TV host.

Sa isang panayam, ito ang pahayag ng Marikina City Police spokesperson na si Supt. Emmanuel Tabuena.

“Alyssa Alano, who’s real name is Jeremye Daud, will have to be held accountable for the damage caused by her vehicle on the Metropolitan Manila Development Authority’s metal fence on Marcos Highway.”

Bagamat nalampasan na ang nakagigimbal na trahedya, ano nga ba ang naghihintay para kay Alyssa?

Via live feed naman mula sa ospital ay sinagot ito ni Alyssa sa StarTalk kanina rin.

Inoobserbahan pa siya ng mga doktor dahil maaaring may epekto pa sa ibang bahagi ng katawan niya ang nangyari sa kanya, particularly sa ulo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo,” ang umiiyak na sagot ni Alyssa. “Kasi marami pa po akong nararamdaman sa ulo.

“’Pag gabi po, sobrang sumasakit, kumikirot.”

Handa na ba raw siya talagang magpa-drug test?

“Anytime po, kahit ngayon po, okey lang.”

May kailangan daw siyang panagutan sa MMDA?

“Opo, pananagutan naman po. Actually, hindi naman po sinasadya yun, wala naman po sigurong gustong sagasaan ‘tsaka masaksakan ng sarili nilang bakal, kung anumang tawag doon.”

Ang limang nakasakay sa sedan na nabangga niya ay pinanagutan na rin daw ni Alyssa.

Ayon sa female TV host, “Dinalaw po nila ako, napanagutan ko lahat-lahat, nakalabas na po ng ospital kahapon po at ngayon. ‘Tapos yung mga follow-up check-up po, pananagutan naman po.”

Si Alyssa ang breadwinner ng kanyang pamilya at mga dalawa hanggang tatlong linggo pa raw sa ospital si Alyssa.

“Yun pong pagda-drive ng gabi, hindi naman po talaga ako ang laging nagda-drive, may driver po ako na pinsan.

“Hindi ko po sinasadya na lumabas ako nung time na yun dahil talagang kinakailangan lang po,” ang patuloy na umiiyak na pahayag ni Alyssa.

At kahit habang may nakatusok sa kanyang bakal, ang nasa isip ni Alyssa ay ang pag-aalala sa mga taong nabangga niya.

Ayaw na niyang magmaneho tuloy kahit kailan.

“Opo, kasi gabi-gabi po nananaginip ako, sobrang na-trauma po ako.”


TO THE RESCUERS. Nais daw pasalamatan ni Alyssa ang nag-rescue sa kanya.

“Alam ko po sobrang inalagaan ninyo po ako. Dahil nung nakatarak po yung bakal, nilagare po ng dalawang beses yung bakal sa katawan ko.

“Alam ko sobrang ingat na ingat po siya sa akin. So, sobrang maraming salamat po.

“At siyempre po, unang-una sa Diyos kasi andito pa po ako.

“Nasaksak na po ako ng bakal pero sobrang daming pasasalamat kasi wala akong bali sa katawan, sa mukha po, wala din dahil ito lang po yung magagamit ko sa trabaho. Ayun po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre po sa lahat ng tumulong at nagdasal, maraming salamat po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN