Yesterday’s Bride cast member Lou Sison content with slow pace of her showbiz career: “Kasi ayoko naman yung biglang tumataas ‘tapos biglang bagsak.”

Kung bibigyan ng pagkakataon, gusto raw talaga ni Lou Sison na maging komedyante. Kuwento niya, “Hindi ko alam... Pero kapag kasama ko yung mga friends ko, tawa sila nang tawa ‘pag kasama ko sila. Natutuwa ako na nakakapagpasaya ako ng mga tao. Kengkoy kasi ako, e,”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa cast members ng Yesterday’s Bride ng GMA-7 na si Lou Sison kagabi sa Studio 7 ng GMA TV Complex sa presscon ng naturang upcoming teleserye na ipapalabas sa October 29.

Paano nadiskubre si Lou na maging artista?

“Um-attend ako ng isang event, ‘tapos nandun si Bianca Lapus. ‘Tapos sabi niya, ‘Ah, puwede kang ano, gusto mong mag-artista?’

“Sabi ko, pag-iisipan, ganyan-ganyan.

“After a few months, ‘ayun na, ipinakilala na ako kay Tito Joebar, kay John Ling na manager ko rin.”

Joebar ang palayaw ng talent manager at showbiz reporter na si Joe Barrameda. Si John Ling ay isang talent manager din.

“’Tapos, doon na nag-start. ‘Tapos pinag-ano na ako dito sa GMA.

“First show ko is segment host ako ng Love Ni Mister, Love Ni Misis, ‘tapos kasabayan rin yun ng Beauty Queen na naging assistant ako ni Gloria Diaz.

“Iyon yung first role ko ever,” umpisang kuwento ni Lou.

Ang Love Ni Mister, Love Ni Misis ay ang morning show noon nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa GMA-7 mula 2010 hanggang 2011, habang ang Beauty Queen naman ay ang Kapuso drama series nung 2010 na pinagbidahan nina Iza Calzado, Katrina Halili, at Maggie Wilson.

Ang show niya bago ang Yesterday’s Bride ay ang Broken Vow na pinagbidahan naman nina Bianca King, Rochelle Pangilinan, Gabby Eigenmann, at Luis Alandy.

Bida sa Yesterday’s Bride sina Lovi Poe, Luis Alandy, at Rocco Nacino.

Kasama rin sina Ara Mina, Karel Marquez, Nina Ricci Alagao, Ken Chan, at marami pang iba.

Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Gil Tejada, Jr.

Magdadalawang taon na sa showbiz si Lou.


TAKING IT SLOW. Masaya naman daw siya at hindi nababagalan sa takbo ng kanyang career.

“’Pag ganyan, I want to take it slow. At least, slowly but surely, kasi parang siyempre ina-asses ko rin yung sarili ko pagdating sa acting, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko parang dahan-dahan ko siyang natututunan bago ako biglang...

“Kasi ayoko naman yung biglang tumataas ‘tapos biglang bagsak.

“Gusto ko, dahan-dahan lang.

“Sa akin, ok lang, hindi ko minamadali kasi alam ko namang in God’s time ibibigay sa akin yun. So, iyon.

“Sa ngayon, wala rin naman akong dini-dream kaagad na parang gusto ko, ako kaagad yung lead, hindi naman.”


COMEDIENNE WANNABE. Kung bibigyan ba siya ng solo or lead project, ano ang gusto ni Lou?

“Yung totoo? Gusto kong maging komedyante! Hindi ko alam kung bakit,” natatawang sagot niya.

Komedyante tulad ba ni Rufa Mae Quinto, ni Eugene Domingo, o ni Ai-Ai delas Alas?

“Hindi ko alam. Walang peg naman. Pero kapag kasama ko yung mga friends ko, tawa sila nang tawa ‘pag kasama ko sila.

“Natutuwa ako na nakakapagpasaya ako ng mga tao.

“Kengkoy kasi ako, e,” pag-amin pa ni Lou.

Gusto niya ng sarili niyang identity bilang komedyana o artista. Hindi pa raw siya nabibigyan ng GMA na proyektong comedy.

“Hindi pa. Pero ano, e...kasi mamaya, kasi sobrang kengkoy ko na, mawala na ako dun sa gusto kong ma–try lahat.

“Gusto kong mag-drama, gusto ko ring magpatawa.

“Iniisip ko nga, gusto ko ring maging action star.

“Kasi nga recently dun sa movie na Panday 2, ano ako doon, amasona.

“Dun lang ako tinuruan on-the-spot na ganito yung espadahan.

“Nakakatuwa rin, gusto ko ring matutunan lahat.”


NO TO GOING SEXY. Maganda at sexy si Lou, pero hindi pa siya nakapag-pose for a sexy pictorial para sa FHM.

“I can’t. Bawal, bawal. Kasi may recent ad project ako for Nestle. Bawal mag-pose ng sexy.”

Nasa rules daw ng iniendorso niyang produkto na bawal siyang lumabas nang sexy.

Pero halimbawang wala siyang ganoong restriction, papayag ba siya na mag-pose ng sexy?

Tumawa muna si Lou bago sumagot, “Hindi ko kaya! Hindi ko kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit walang nagbabawal, ako mismo, hindi ko kaya.”

Pero na-offer-an na raw siya at tumanggi siya.

Paano kung pelikula?

“Depende kung gaano kaseksi. Basta hindi masyadong malaswa.”

Kaya ba niyang magsuot ng two-piece.

“That’s fine. Puwede naman. Puwede rin, depende rin sa role, basta hindi malaswa,” tugon ni Lou.


LEADING MAN. Sino naman ang gusto niyang maging leading man, if ever i-launch nga siya ng GMA-7 bilang lead star?

“Alam mo ang naiisip ko ngayon, ang pumasok sa utak ko, si Richard Gutierrez.

“Uy, nangangarap! sabay-tawa ni Lou.

“Kasi yung kung paano siyang tumingin sa ka-partner niya, di ba, parang talagang...

“Gusto kong maranasan din yun na, ‘Sige batuhan tayo ng linya, magtinginan tayo sa mata.’

“Di ba? Ramdam ko yung ganun, e.”


NO TIME LIMIT. May limang taong kontrata si Lou sa GMA.

“Three more years to go,” sabi pa niya.

Wala raw siyang time limit sa kanyang pag-aartista or pagsikat nang husto.

“Gusto ko lang umarte nang umarte. Ito yung gusto ko, e.

“Pero dinadahan-dahan ko, kasi alam ko, para kang nagtatanim niyan, di ba? Na later on, may aanihin.”

Loveless si Lou ngayon, at ang dati niyang karelasyon ay si Paolo Bediones.

Nang tanungin ng PEP si Lou about Paolo, tumanggi itong magbigay ng pahayag dahil tapos na raw iyon at ayaw raw niyang maakusahan na nanggagamit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN