Lovi Poe on choosing work over lovelife: “I can say that I made the right choice because sunud-sunod ang dumating na blessings. “

“I chose to be busy with my career rather than focus on my personal life. I’m still young and maraming time pa for that. Itong trabaho, minsan lang dumating ang magandang opportunity and I have to grab it,” pahayag ni Lovi Poe na abala ngayon sa kanyang maraming proyekto.


Si Lovi Poe nga ang karapat-dapat na tawaging “Babaeng Walang Pahinga” dahil sa walang tigil nitong paglagare sa kanyang mga trabaho, mapatelebisyon man o sa pelikula.

In the last four months nga raw ay hindi pa nakakaranas ng maayos at mapayapang bakasyon si Lovi, dahil nga sa magkakasunod ang mga trabahong ginagawa niya.

Dahil sa kanyang very hectic schedule ay hindi na raw siya nakakauwi at sa kanyang sasakyan na lang siya natutulog.

“Sobrang nami-miss ko na ang bed ko,” natatawang sabi ni Lovi nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng pinagbibihan niyang afternoon drama series na Yesterday’s Bride kahapon, October 19 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

“Kasi uuwi lang ako kapag maliligo or may mga kukuning ibang gamit for my taping or shooting. Panakaw na lang ang paghiga ko sa kama ko.

“Kahit kumain nga, hindi ko na rin masyadong magawa because when I get home, pagod na pagod na ako. I just wash up, remove my makeup and I go straight to sleep.

“If not for my mom [Rowena Moran], na nagdadala ng food for me, baka hindi na ako nakakakain nang maayos.

“She always reminds me to eat kasi parati akong puyat. So, she comes to my place at dala-dala niya ang mga niluto niyang food.

“In regards to my work load naman, I am not complaining. Mga blessing ito, kaya I am thankful for everything. Kahit pagod ako, it’s ok.”


VENICE VACATION…ALMOST. Noong lumipad si Lovi sa papuntang Italy para um-attend ng Venice International Film Festival dahil naimbitahan doon ang pelikulang Thy Womb, inakala niya na makakapagpahinga siya kahit ilang araw lang.

“Hindi rin ako nakapasyal masyado doon. Hindi rin ako nakapag-shopping. Kasi ilang days lang kami.

“Parang four days lang kami roon, e. Kaya kulang sa time. Kailangan ko nang makabalik because magsimula na kami for Yesterday’s Bride.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kunsaan lang kami, doon lang ako nakapasyal.

“May mga Pinoy naman doon at sinamahan nila ako to go around.

“Nakabili lang ako roon ng pasalubong for my mom and my sister. Yung iba, sa airport ko na lang nabili noong papauwi na kami.

“Pero gusto kong bumalik sa Venice when I have the time. Marami akong gustong puntahan doon kasi.

“God-willing, makakapagbakasyon ako roon soon,” pag-asam pa ni Lovi.


SLEEPING INSIDE THE CAR. Nagkasabay nga raw ang taping niya ng Yesterday’s Bride sa shooting ng pelikula niya na The Bride and The Lover with Jennylyn Mercado and Paulo Avelino.

Magkaiba raw ang lugar ng taping at shooting kaya nakadagdag daw sa kanyang pagod ang malayong biyahe.

“Yung shooting kasi ng movie, sa Subic, ‘tapos ang taping naman ng Yesterday’s Bride ay sa Batangas. You can just imagine yung biyahe ko from North to South, di ba?

“Kaya sa kotse na lang talaga ako nakakatulog. Kapag nag-pack-up na sa shooting, didiretso na ako sa taping.”

Puno nga raw ang kalendaryo ni Lovi hanggang sa katapusan ng 2012.

Kaya wala raw talagang mahanap na butas para sa hinihiling niyang vacation.

Sa Pasko nga raw sana ang balak ni Lovi na magkaroon ng break sa trabaho, pero meron siyang pelikula para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na Shake, Rattle & Roll 14 (SSR 14).

“Hindi ako puwedeng mawala sa parade on the 24th of December. Kaya yung plano ko na Christmas vacation ay hindi na matutuloy.

“Mabuti na lang, tapos ko nang i-shoot ang episode ko na “Unwanted” with Vhong Navarro sa SSR 14. Kaya nakabawas siya sa kangaragan ko ngayon.

“But like what I always say naman, ok lang ang lahat sa akin.

“Committed ako sa work ko and kahit na stressful, happy ako for all the work na dumarating.

“Kaya pa naman natin. May parati tayong naka-reserve na energy para sa ganitong mga pagkakataon,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LOVI’S REWARD. Dahil nga sa sobrang sipag ni Lovi, masaya nitong sinabi na sinisimulan nang gawin ang kanyang pinapagawang bahay sa Taguig City.

Ayaw pa masyadong magbigay ng detalye si Lovi dahil kaka-start lang daw ng construction ng kanyang three-storey house.

“It’s a major investment and it’s one of my dreams na magkaroon ng sariling house.

“Kakasimula pa lang naman and I feel happy dahil alam mo na yung mga pinagpuyatan mo, yung halos maiyak ka at magkasakit ka na sa sobrang pagod, alam mo na napunta sa maganda ang lahat.

“I can really say that I deserve this—it’s a reward for myself, kasi nga I did good sa mga trabaho ko,” ngiti pa niya.


MAKING THE RIGHT CHOICE. Kaya nga raw hindi muna priority ni Lovi ang kanyang lovelife dahil walang naging hadlang sa kanyang tuluy na tuloy na trabaho.

“It’s just a matter of what you want talaga. Kung trabaho ba or lovelife?

“Whatever you choose, kailangan paninindigan mo.

“That’s why I chose to be busy with my career rather than focus on my personal life.

“I’m still young and maraming time pa for that. Itong trabaho, minsan lang dumating ang magandang opportunity and I have to grab it.

“I can say that I made the right choice because sunud-sunod ang dumating na blessings.

“And I thank God for all of this,” pagtatapos ni Lovi Poe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN