Ara Mina still sees no reconciliation happening between her and sister Cristine Reyes

Nangingilid ang luha ni Ara Mina kapag napag-uusapan ang situwasyon nila ngayon ng kapatid na si Cristine Reyes. Sabi pa ni Ara, “To be honest, hindi ko na siya kilala ngayon. Kung anong Aa [palayaw ni Cristine] ang pagkatao niya ngayon.”


Pabiro na may bahid ng katotohanan ang sagot ni Ara Mina sa tanong kung bakit tinanggap nito ang role bilang mommy ni Rocco Nacino sa bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Yesterday’s Bride tampok si Lovi Poe.

“Gusto ko na kasi totohanin ang mother role, e. Preparation na rin,” natatawa niyang sagot nang nakausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng naturang drama series.


PATRICK MENESES. Ayaw na niya masyadong pag-usapan pa ang relasyon nila ng Bulacan, Bulacan mayor na si Patrick Meneses, pero hindi naman niya itinatanggi ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Hindi pa naman nagpo-propose sa kanya ang alkalde ng Bulacan, pero napapag-usapan na raw nila ang mag-settle down.

“Napapag-usapan naman ang mga bagay-bagay. Siyempre, I’m not getting any younger. Ang mga kasabayan ko ang lalaki na ng mga anak nila,” pakli nito.

“Totohanin ko na ang mother role,” pabiro pa niyang pahayag.

Nakahanda na ba siyang maging first lady ng Bulacan?

“I’m not after that. Gusto ko, happy lang. Kasi yun lang… happy,” sagot nito.


AIKO MELENDEZ. Dahil sa relasyon niya kay Mayor Meneses, naikakabit muli sa kanya ang pangalang Aiko Melendez na dati namang nakarelasyon ng Bulacan mayor.

Hindi naging maganda ang kinahantungan ng relasyon nina Aiko at Meneses at nauwi pa ito sa demandahan.

Idinemanda ng kasong libelo ni Meneses si Aiko nung nakaraang taon na agad ding na-dismiss. (CLICK HERE to read related story.)

Nabanggit ni Aiko sa The Buzz na gusto na niya ng tahimik na buhay at kung puwede nang magkaayos.

“Matagal nang settled yung sa amin, e. Yung kay Jom, closed book na yun,” reaksyon ni Ara na ang tinutukoy ay ang pagkakaroon nila ng gap noon ni Aiko.

Naging kasintahan niya kasi ang dating asawa ni Aiko na si Jomari Yllana.

“Kung meron mang problema, sina Patrick na yun at si Aiko. Dapat hindi na ‘ko kasali diyan, labas na ako dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi problema na nila yun. Hindi naman ako ang nagdemanda sa kanya,” dagdag pa niya.

“I wish her happiness. Wala…masarap maging happy,” mensahe na lang nito kay Aiko.


HER SISTER CRISTINE. Naging seryoso naman ang mukha ni Ara nang natanong tungkol sa hidwaan nila ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes.

Nangingilid ang luha ni Ara kapag nagsisimula na siyang magsalita tungkol kay Cristine. Mabigat pa rin daw para sa kanya na pag-usapan ito.

“Sinasabi kasi nila na publicity hungry daw ako. Gusto ko ba ‘to?

“Nagsasalita lang ako kapag ganitong nai-interview. May show ako, e,” katuwiran ni Ara.

Hindi pa rin naibababa ang resolution ng piskalya sa kasong isinampa niya laban kay Cristine at maghihintay naman daw siya at tatanggapin kung ano ang magiging desisyon.

Ang masama lang, lalo pa raw lumala ang situwasyon nila ni Cristine nang makaengkwentro nito ang isa nilang kapatid na lalaki.

“Pinigilan na lang namin, pero gusto na sana nun magpa-interview, e.

“Doon lang niya na-realize na tama nga pala ako. Naintindihan niya kung bakit ako nagdemanda,” patuloy ni Ara.


SHE DOESN’T KNOW HER ANYMORE. “To be honest, hindi ko na siya kilala ngayon. Kung anong Aa [palayaw ni Cristine] ang pagkatao niya ngayon.

“Even nung nag-sorry siya sa The Buzz nun, wala siyang text o follow-up.

“Sa The Buzz lang siya nag-sorry. Walang effort.

“Nung nagbinyag ang anak ng brother ko, nandun lang siya, hindi siya nagpakita,” saad pa ni Ara.

“Dati kasi kapag may problema kami, nahahagilap niya ako kapag may problema siya.

“Kaya sinasabi ko na malalaman ko kung sincere talaga ang kapatid ko.”

Kaya bilib daw siya kay Rayver Cruz na natagalan daw nito si Cristine.

“Bilib ako kay Rayver. Bilib ako sa pagmamahal niya kay Cristine.

“Saludo ako sa kanya. Siya sumasalo lahat,” pakli ng dating sexy actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NO RECONCILIATION YET. Alam daw niyang magkakaayos din sila ni Cristine, pero hindi lang daw niya alam kung kailan.

Hindi naman daw siya ang unang gagawa ng hakbang para magkaayos sila.

“Hindi naman ako ang magri-reach out.

“Pero kung magkakaayos kami na ganun pa rin ang ugali niya, mabuting huwag na lang,” seryoso niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN