Jennylyn Mercado and boyfriend Luis Manzano will fly to Dubai for a 7-day vacation

Lilipad patungong Dubai si Jennylyn Mercado, kasama ang kasintahang si Luis Manzano, para sa isang show at diretsong bakasyon na rin. Kuwento ng Kapuso star, “Naka-schedule na kami na magda-dive kami sa Aquarium. Tapos mag-skydive, tapos Safari, Ferrari World… Basta, araw-araw meron kaming itinerary. Talagang lulubus-lubusin namin yung bakasyon.”


Pitong araw mawawala si Jennylyn Mercado para sa kanyang biyahe sa abroad bago matapos ang buwan ng Oktubre.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jennylyn sa studio ng GMA Network, ibinalita niyang pupunta siya sa Dubai para sa isang show. Sasabayan na rin niya ito ng bakasyon nila ng kasintahang si Luis Manzano.

Gustuhin man daw nilang magpunta ng London mula sa Dubai, hindi na nila ito magagawa dahil sa maikling araw na ibinigay sa kanila ng kani-kanilang istasyon.

Si Jennylyn ay hawak ng GMA-7, samantalang si Luis naman ay talent ng ABS-CBN.

Paliwanag pa ni Jennylyn, “Saka may itinerary na kami sa kung anu-ano ang mga gusto naming puntahan at gawin sa Dubai.”

Anu-ano ba yung mga lugar na gusto nilang puntahan?

“Naka-schedule na kami na magda-dive kami sa Aquarium. Tapos mag-skydive, tapos Safari, Ferrari World…

“Basta, araw-araw meron kaming itinerary. Talagang lulubus-lubusin namin yung bakasyon.”

Paano ang trabahong maiiwan niya sa GMA-7?

“Tapos na ang taping ko sa series ko [Hindi Ka Na Mag-iisa], pero tatakbo pa siya sa ere hanggang last week of October.

“Yung sa H.O.T. TV naman and Protégé, nagpaalam naman ako sa kanila.”

Ngayong araw, October 21, magtatapos ang Protégé.

SECOND VACATION WITH LUIS. Hindi ito ang first time nilang mag-a-abroad na magkasama.

“Ay, hindi. Nakapunta na kami sa Hong Kong last year… Hong Kong pa lang,” banggit ni Jennylyn.

Excited na ba siya sa bakasyon nila sa Dubai?

“Oo, kasi ang tagal naming hinintay ito, kasi nga ang dami naming ginagawa nitong mga nakaraang buwan, kaya excited talaga kami.”

Matagal na bang plano ang show at bakasyon na ito?

“Oo, actually, mga four months ago na,” tugon ni Jennylyn.

Pero nilinaw ni Jennylyn na hindi konektado sa GMA-7 ang show niya sa GMA-7 at wala siyang ibang makakasama kundi si Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron ba silang imi-meet na mga kaibigan sa Dubai?

“Nandun yung cousin ko, yung tita ko, tapos meron rin kaming mga kamag-anak dun.”

Saan sila titira? Sa hotel?

“Oo.”

NOT BECAUSE OF INTRIGUES. Last week lang nakabalik sa trabaho si Jennylyn mula sa ilang araw na pagkakasakit.

Sabi pa ng actress-TV host, dati ay hindi naman siya madalas dapuan ng sakit.

“Dati naman talagang hindi, e. Hindi ko alam. Siguro dahil sa panahon.”

Hindi kaya dahil ito sa mga isyu na kinasasangkutan niya, gaya ng pagkaka-link niya kay Paolo Contis at ang balitang naghiwalay na rin sila ni Luis?

“Ay, hindi,” mabilis niyang sagot tungkol kay Paolo. “Hindi naman ako naapektuhan sa gano’n.”

Ang ikinagulat ni Jennylyn ay ang balitang nag-break na raw sila ni Luis.

“Hindi ko nga alam yung balitang ‘yan, e. Hindi ko nga naririnig yung balitang yun, siguro dahil nagkasakit ako!” natatawang sabi niya.

Patuloy ng StarStruck alumna, “Hindi ko talaga alam nung lumabas ‘yan.

“Siguro over-over na yung trabaho ko at bumaba na yung immune system ko kaya hindi ko talaga namalayan yung isyu sa amin ni Luis.

“Kasi halos hindi na talaga ako natutulog. Wala na talaga akong pahinga.”

Sinabi ni Luis sa presscon noon ng pelikula niyang This Guy’s In Love With U Mare na wala talagang alam si Jennylyn tungkol sa balitang hiwalay na sila.

(CLICK HERE to read related story.)

“Wala talaga. Baka nga siya alam, e. Pero hindi talaga,” susog naman ni Jennylyn.



PUZZLE SOLVED. Nilinaw rin ni Jennylyn ang tungkol sa hindi niya pagkakasipot sa launching niya bilang endorser ng Belo Medical Clinic noong September 25, na isa sa mga sinasabing pruweba na hiwalay na sila ni Luis.

Wala raw kasing kaalam-alam si Luis na hindi pumunta si Jennylyn sa launching gayong ang alam ng Kapamilya TV host-actor ay dadalo ang kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, yun, may taping talaga ako,” sabi ni Jennylyn.

Ang sabi ni Luis sa presscon ng This Guy’s In Love With U Mare, nagkasakit daw si Jennylyn kaya hindi nakapunta sa launching ng Belo at nagpa-checkup pa raw ito sa St. Luke’s.

Paliwanag naman ng Kapuso actress-TV host, “May sakit ako noon pero nag-taping pa rin ako.

“Tapos kinabukasan, nagpunta na ako ng ospital pagkatapos.”

May balita ring lumabas na may nakakita kay Jennylyn sa Makati noong araw na sinabi ni Luis na nagpa-checkup ang kasintahan sa ospital.

“Hindi ako yun,” tanggi ni Jennylyn noong una.

Pero nang may maalala ay bigla siyang nagpaliwanag.

“Ay, hindi, kasi nagpa-checkup ako sa St. Luke’s Global.

“After nun, kumain ako sa Friday’s. Dito lang sa Fort Strip… di ba, may Friday’s doon?

“Dun ako kumain, kasama ko ang anak ko. Yun ang ginawa ko. Tapos umalis na ako.

“Sa St. Luke’s The Fort lang yun, tapos kumain lang ako sa Friday’s, kasi lunch time na yun, e, gutom na kami. Kasama ko ang pamilya ko!” natatawang kuwento ni Jennylyn.

APOLOGY. Nakapag-usap na ba sila ni Lian Paz tungkol sa isyu sa kanilang tatlo ni Paolo Contis?

“Hindi,” mabilis na sagot ni Jennylyn.

Pero tinawagan ba siya ni Paolo para mag-apologize?

“Oo, humingi siya ng pasensiya dahil sa… tinext ko siya, e.

"Hello! Ka-cheap-an yun, ‘no!

“Parang… bakit may boyfriend akong tao tapos… weird! Weird people!” tawa niya.

NO WEDDING PLANS YET. Tungkol naman sa kasal, patuloy na itinatanggi ni Jennylyn ang balitang magpapakasal na sila ni Luis.

“Hindi talaga. Ano ba ‘yan?” sambit niya.

Mga ilang years pa ba bago sila pakasal?

Umiling si Jennylyn nang husto bago sinabing, “Ayoko muna.”

Mga ilang years pa ba?

“Pag ready na… hindi ko rin masasabi kung kailan, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung next year ay biglang mag-propose si Luis ng kasal? Tatanggihan niya?

“Hindi naman… pero alam naman namin yun, e, kasi ang dami pa naming kailangang gawin.”

Napanganga si Jennylyn sa nalamang balita na nagsalita raw umano si Luis na gusto na nitong lumagay sa tahimik.

“Huh?!” gulat niyang reaksyon saka napangiti.

May one year na ba sila bilang magkasintahan?

“Para kasing eight months yung dating namin. Medyo matagal, mga nine or ten [months].

"Medyo matagal yung dating namin bago maging kami.”

Ilang months na ba sila?

“Basta,” mabilis na iwas ni Jennylyn saka ngumiti nang makahulugan.

BE CAREFUL WITH MY HEART. Bakit si Luis ang pinagkatiwalaan niya sa kanyang puso? Kapansin-pansin kasi na parang masaya siya sa piling nito.

“E, ano naman kasi, mabait naman talagang tao at very understanding, saka positive, very positive siya.

“Yun ang importante—masayahin. Di ba, nakakahawa pag very positive?”

Wala ba siyang mga hinanakit o mga hinampo sa buhay?

“Wala,” iiling-iling na sagot ni Jennylyn. “Yun nga ang nakakatuwa, e, wala talagang negative, puro positive.”

May mga pinag-uusapan na ba silang mga panga-pangarap para sa isa’t isa?

“Oo naman,” tugon niya.

Gaya ng?

“Sa amin na lang yun… siyempre ayoko ng magulong relationship tulad ng dati. Masyadong open, di ba?”

Pero bakit si Luis ay very vocal tungkol sa relasyon nila?

“Ganun lang, pero yung mga detalye, siyempre wala yun.”

Paano naman siya napapasaya ni Luis?

“Maraming ways, marami siyang paraan… huwag na, sa amin na lang yun,” biting sagot ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN