Aljur Abrenica on his parents: "Hindi naman totally hiwalay... Magkakakaayos din ‘yan, ano lang ‘yan, tampuhan."

Ipinagmamalaki ni Aljur Abrenica (main photo) na kailanman ay hindi siya ginamit ng nakababatang kapatid niyang si Vin Abrenica (inset) sa pagsali nito sa artista search ng TV5. Saad ng Kapuso young actor, “Ipinagmamalaki ko, habang ongoing yung competition ng Artista Academy, ni minsan hindi niya ako inaabala, hindi niya ako pinakiusapan. Or kumbaga, sa madaling-salita, is yung sinasabi nga nilang nagamit. Si Vin, sobrang mahiyain… kumbaga, hin


Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur Abrenica sa launching ng Samsung Galaxy Note II, sa may Marriott Hotel, noong October 16, kung saan magkasunod lang silang dumating sa event ng kanyang ka-loveteam na si Kris Bernal.

Sa panayam namin sa Coffee Prince star ng GMA-7, maraming tanong ang hindi nito tinanggihang sagutin.

Pero pinangunahan niya muna kami sa kanyang nararamdaman tungkol sa pagpupursigi ng nakababata niyang kapatid na si Vin Abrenica, na kabilang sa Top 6 ng Artista Academy ng TV5.

Masayang lahad ni Aljur, “Well, first, sa totoo lang, speechless ako, wala ako masabi.

“Napakarami kong gustong sabihin sa kapatid ko, sa inyo, sa mga manonood, pero siguro simple na lang—sobrang proud.

“Isa akong proud na kuya.”

Dagdag pa ni Aljur, sobra silang close na magkapatid.

Aniya, “Siyempre, ever since naman talaga kami ni Vin, e, close na kami.

“Sa lahat ng mga dagok sa buhay, sa mga pagsubok na dumarating, halos kaming dalawa yung magkasama.

“At si Vin, ano kasi, mapagpahalaga sa pamilya, maalaga sa pamilya. Nagbibigay ng kaligayahan sa pamilya namin.

“Yun yung gustung-gusto ko sa kanya, dun kami nagkakasundo.”



HIS LETTER TO VIN. Noong Lunes, October 15, inilathala dito sa PEP ang artikulo na naglalaman ng kanyang ginawang tula para sa kapatid.

Bahagi ng nilalaman ng tula ni Aljur:

Aking kapatid, malaki na ang ating pagkakaiba

Ako’y tahimik at laging seryoso

Ikaw naman ay komedyante at ubod ng bibo…

Sa tuwing may problema ang pamilya

Ikaw ang taga-balance nito


Ikaw lang naman ang mahal kong kapatid,

Na kapag ako’y may problema ika’y tagapakinig…

Minsan may problemang hindi ko na kinakaya

At minsan ay hindi ko na mawari

Na ikaw ay nagsisilbing kuya…

Naging daan din ang tula na ito para mapahagulhol sa iyak si Vin.

Ano ang reaksiyon ni Aljur na labis na naapektuhan ang kapatid sa nilalaman ng kanyang tulang isinulat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano kasi, sabi ko nga [dun sa tula], ‘Minsan sa mga problema kong hindi ko na kinakaya, minsan hindi ko mawari na ikaw ay nagsisilbing kuya.’

“Totoo po yun, si Vim, si Avin, sa akin kasi, tao lang, e, may mga pinagdadaanan.

“Lahat naman tayo dumaraan sa mga pagsubok, siya kasi yung takbuhan ko, e.

“A, si Vimvim, hindi ko rin masaisip minsan na parang matanda siya sa akin.

“Marunong na tao, magaling, marunong mag-advice.

“Sobrang malalim na tao ‘yan si Vim kahit komedyante ‘yan.”



VIN, THE NEXT ALJUR? Nakikita niya bang sinusundan ni Vin ang mga yapak niya sa showbiz dahil sa pagpupursige nito?

Pagmamalaki ni Aljur, “Hindi lang sinundan, para sa akin, mas hinigitan pa po niya.

“Kasi andaming chance, e, andami niyang opportunity para makapasok agad sa industriya, na makapagtrabaho kaagad.

“Pero mas pinili niya, tiniyempo talaga niya na malayo ako, na hindi ko alam.

“Tiniyempo niya na nagdesisyon siya na... nagpaalam siya sa akin na malayo ako."

Gaya ni Vin ay sumali rin noon si Aljur sa isang reality-based artista search, ang StarStruck IV ng GMA-7, kung saan nanalo siya bilang Ultimate Hunk.

Patuloy ng Kapuso young actor, “Siyempre ako, bilang isang kuya, sinuportahan ko.

“Tsaka sa nakikita ko sa kanya ngayon ay mas magaling siya sa akin, mas magaling.

“Higit na magaling po siya sa akin kaysa noong nasa kumpetisyon [StarStruck] ako.

“Tsaka yung kumpetisyon niya, talagang grabe ang mga challenges.

“Ipinagmamalaki ko, habang ongoing yung competition ng Artista Academy, ni minsan hindi niya ako inaabala, hindi niya ako pinakiusapan.

“Or kumbaga, sa madaling-salita, is yung sinasabi nga nilang nagamit.

“Si Vin, sobrang mahiyain… kumbaga, hindi naman sa mahiyain, gusto niya sarili niya lang, sarili niya lang halos, hindi niya ako inaabala.”

Ano ang masasabi niya na parang hindi nagamit ang pangalan niya sa pagsulong ni Vin sa kumpetisyon sa Kapatid network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Aljur, “Bilang isang kuya, parang sa ginagawa niya ngayon, sobrang proud na proud ako sa kapatid ko.

“Kitang-kita ko yung mga pinaghihirapan niya, yung mga pinagpupuyatan niya, at yung improvements niya habang tumatagal yung competition.

“At maraming nagulat sa amin, sa pamilya namin, sa mga kaibigan namin, hindi namin inakala na kaya niyang gawin yun.

“Napakagaling niyang sumayaw, kumanta.

“Talagang nasa dugo na talaga niya, nasa sa kanya na yun.

“Samantalang noon, hindi namin nakikita sa kanya yun.

“Basta nandito lang kami sa pamilya ko para suportahan siya para sa kagustuhan niya.

“And kung anuman yung minamahal niyang trabaho, dun kami.”

Sino nga ba ang mas guwapo sa kanilang dalawa?

Natatawang sagot ni Aljur, “E, para naman sa akin, e, total package siya. Bilang isang kuya, ipinagmamalaki ko siya."

Mensahe pa ni Aljur sa kapatid, “Mahal kong utol, Vim, malapit na yung finals, and… wow, lahat kami nae-excite!

“Napakadami kong gustong sabihin, pero hindi ko masabi.

“Siguro ano na lang, lahat kayo magagaling, lahat kayo magagaling and…

“Wala kaming problema sa ‘yo, manalo-matalo, nandito lang kami lahat—ang kuya mo, ang pamilya mo, sila Daddy, sila Mama.

“At nandito lang ako, ako personally, para suportahan ka sa kagustuhan mo kung ano yung minamahal mong trabaho.

“At pangalawa, nandito lang ang kuya kung dumating yung pagkakataon na mabibigo ka, yung mga pagkakataong mag-aalangan ka, nandito lang ang kuya para magsisilbing kuya mo.

“At kung may mga tanong ka, andito lang ako, huwag kang mahihiya, baka kasi nahihiya siya sa akin minsan, e.

“Nandito lang ako, pini-present ko yung sarili ko sa ‘yo.

“Nandito lang ang kuya, mahal na mahal ka ng kuya.”



THE TRUTH ABOUT HIS PARENTS. Sa lumabas din na article dito sa PEP noong Lunes, October 16, naikuwento ni Vin na hiwalay na ang kanilang mga magulang ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Ano nga ba ang katotohanan dito?

Medyo napag-isip muna si Aljur bago sumagot.

Saad niya, “Hindi naman totally hiwalay…

“Ano lang yun, alam mo, pati pamilya ko, nabuksan na…

“Hindi naman totally hiwalay.

“Kumbaga, yung salitang hiwalay, wala na, e.

“Magkakakaayos din ‘yan, ano lang ‘yan, tampuhan.

“Dumarating talaga yung mga ganung pangyayari sa pamilya, e, di ba?

“May mga tampuhan, so may hindi pagkakaintindihan.

“Ako, nakikita ko naman, e, na magkakabati din ‘yan, magkakaisa din yung pamilya namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN