Adolf Alix Jr.’s Kalayaan wins NETPAC Award for Best Asian Film at Warsaw International Film Festival

Adolf Alix Jr.’s Kalayaan (Wildlife)—starring Zanjoe Marudo, Ananda Everingham, and Luis Alandy—was honored with the NETPAC Award for Best Asian Film at the Warsaw International Film Festival.


Isa na namang karangalan ang iniuwi ng Pinoy filmmaker na si Adolf Alix Jr. dahil ang kanyang pelikulang Kalayaan (Wildlife) ay nagkamit ng NETPAC Award for Best Asian Film sa 28th Warsaw International Film Festival sa Warsaw, Poland.

Ginanap ang filmfest mula October 12 hanggang 21.

Iginawad ang parangal na ito kahapon, October 20, sa Multikino Cinema sa Warsaw.

Ayon sa balitang ipinaabot sa pamamagitan ng email ni Direk Adolf sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga, October 21, ibinigay ng NETPAC (Network for the Promotion of Asian Cinema) Jury ang nasabing award sa Kalayaan mula sa halos 250 pelikulang naglaban-laban.

Pinili raw ng Jury ang Kalayaan dahil sa: “Director’s impressive vision of a dark journey into the bottom of human soul accompanied with outstanding cinematography along with brilliant depictive by its leading actor Ananda Everingham."

Ang mga miyembero ng hurado ay sina Alberto Elena, professor/critic mula sa Spain; Jongsuk Thomas Nam, artistic director ng Puchon Fantastic Film Festival of Korea; at Janusz Wróblewski, critic mula sa Poland.

Wala namang pagsidlan ang sayang nararamdaman ni Direk Alix sa parangal na ito.

Aniya, "I am very happy for this recognition for the film.

“When I decided to develop the film six years ago, I know it was a risk that will be worth taking.

“The soldiers’ lives on the island deserves to be shared on screen so people will understand their dilemma.

“So these rewards are like a pat on the back.

“It was also a good birthday present as I was in Poland during my birthday to present the film in a screening."

Ang Kalayaan ay tumatalakay sa mga buhay ng mga Pilipinong sundalo na naka-destino sa Spratly Islands (Kalayaan).

Bida sa pelikula sina Zanjoe Marudo, Luis Alandy, Rocky Salumbides, at ang Thai superstar Ananda Everingham (Shutter).

Una itong ipinalabas sa Directors’ Showcase section ng Cinemalaya Independent Film Festival 2012 noong July.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagwagi ito sa Cinemalaya ng tatlong awards: Best Production Design, Cinematography, at Sound.

Ang Warsaw Film Festival ay isa sa thirteen prestigious festivals na accredited ng FIAPF (International Federation of Film Producers Associations); kasama na ang Cannes, Venice, at Berlin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN