Lovi Poe on possible reconciliation with Ronald Singson: "I’m not closing my doors naman. If it happens, it will happen naman."

Pinabulaanan ni Lovi Poe na nagkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang si Ronald Singson. Sa katunayan, wala raw oras ngayon ang young actress para sa pag-ibig. Sabi ni Lovi, “No, we have no time for this. I have no time for this. Uhm… this love thing is not for me now. Parang I’m too busy nga with work.”


Nasa pangalawang linggo na ang pagpapalabas sa mga sinehan ng Tiktik: The Aswang Chronicles at patuloy ang maganda nitong resulta sa takilya.

Ang leading lady rito ni Dingdong Dantes na si Lovi Poe ay sobra ang sayang nararamdaman sa naging tagumpay ng kanilang pelikula.

“Nagpapasalamat ako, we’re all thankful na maraming nanood ng Tiktik. Everybody worked hard in this film,” sabi ni Lovi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon, October 21, sa Party Pilipinas.

Mahigit P70 million ang balitang inabot ng production cost ng Tiktik. Talagang ginastusan hindi lang production design at set kundi pati mga visual effects.

Dagdag pa ni Lovi, “And yun nga ang maganda… mas inisip muna ang quality kesa sa budget.

“It’s amazing that we finally got to do something like that.

“And I’m so proud sa mga producers namin because they took a risk.

“And it’s a step forward... and I believe the rest will follow.”



MMFF ENTRY. Labis ding ikinatuwa ni Lovi na pasok bilang official entry sa 2012 Metro Manila Film Festival ang pelikulang Thy Womb, na pinagsamahan naman nila ng Superstar na si Nora Aunor.

Sabi ng young actress, “It feels really good.

“We thought kasi hindi iyon papasok, e. And we’re so glad naman na nangyari iyon.

“Yesterday ko lang nalaman. Nasa photo shoot ako, sinabi na kasali na raw sa MMFF ang Thy Womb.

“I was really shocked, kasi I thought nga hindi na iyon mangyayari. And I’m so happy.

“I believe naman kasi that Direk Brilliante [Mendoza] worked really hard.

“And also Miss Nora Aunor, Tito Bembol Roco… everybody worked really hard in this movie.”

Sa palagay kaya niya, posibleng maging magkalaban sila ng Superstar sa Best Actress category ng MMFF Awards Night?

“No!” bulalas ni Lovi.

“Simple lang ang character ko sa pelikula, e, kaya I’m not looking forward or expecting for something like that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang magkasunod na taon na siyang may entry sa MMFF. Last year ay kasama naman siya sa Yesterday Today Tomorrow.

How does it feel?

“Masarap yug pakiramdam dahil nabibigyan ako ng mga proyekto and I’m very happy naman na I get to work with a lot of amazing people.

“Basically that’s what I love the most—learning from the people I work with.”

At ang pakikipagtrabaho sa Superstar sa Thy Womb ay isang napakagandang karanasan at malaking karangalan para kay Lovi.

“Oh, my god! Hindi ko naramdaman na siya ang Superstar.

“It’s very refreshing because for someone as huge as her, I didn’t feel any… yung ere or kayabangan. Nothing.

“Kaya nakaka-inspire. It’s nice working with people like that.”


BUSY LOVI. For the past few months, Lovi is really busy doing projects one after the other.

Gustuhin man daw niyang mag-break, hindi niya magawa sa dami ng kanyang kompromiso.

“Now naman, I’ll be busy with Yesterday’s Bride,” pagtukoy ni Lovi sa pinagbibidahang bagong afternoon soap opera ng GMA-7 kung saan leading man niya si Rocco Nacino.

“Iyon muna ang pagtutuunan ko ng concentration. At saka yung tinatapos kong isa pang movie with Jennylyn [Mercado] and Paulo [Avelino].

“So, wala. No break muna.

“Christmas break na lang. Hintayin ko na lang ‘yon.”



LOVELESS IN CHRISTMAS? Ano ba ang kanyang plano when Christmas break comes?

“I don’t have any plans yet. Hopefully with my mom kasi I miss her na,” pagtukoy ni Lovi sa kanyang ina na si Rowena Moran.

Malabo pa rin na magka-lovelife si Lovi? Aabot ba hanggang Pasko na wala pa rin siyang bagong special someone?

“Yes, masyadong busy ako sa work. Hindi ko na maisingit ang tungkol diyan!” sabay tawa niya.

Pahabol ni Lovi, “Okey lang naman. Happy ako. I don’t feel lonely.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bakit may balita na may mga nakakita sa kanila ng ex-boyfriend niyang si Ronald Singson sa isang bar sa Tagaytay recently? Nakapula raw siya na gown?

Paliwanag ni Lovi, “Yes, opening ‘yon ng bagong branch ng mga bar na pag-aari nila.

“So I’m there to support my friend.”

Paano ba niya ika-categorize ang samahan nila ngayon?

“Wala, friendship!” tawa ni Lovi.

Hindi talaga siya sinusuyo ulit ni Ronald? Hindi ito nakikipagbalikan sa kanya?

“No, we have no time for this. I have no time for this.

“Uhm… this love thing is not for me now. Parang I’m too busy nga with work.”

Regular pa rin daw ang communication nila ni Ronald dahil nga magkaibigan umano sila.

“Oo, nandun pa rin naman yung communication. But then, ‘yon nga, wala.”

Hindi pa ba siya nito igini-give up?

“A… he has his own thing going on din naman, e. It’s not just him and me.”

Alin kaya ang mas posible: Ang magkabalikan sila ni Ronald o ibang guy na ang maging bago niyang pag-ibig?

“Anything is possible. So, ano… I’m not closing my doors naman. If it happens, it will happen naman.

“Pero for now, wala, e. My heart is set to work muna talaga, e.

“Parang ano, e… nakakapagod din,” napabungisngis na sabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN