Maxene Magalona on real score with Renz Fernandez: "We’re happy with each other. He’s very, very special to me."

Hindi man diretshang aminin ni Maxene Magalona ang tunay na namamagitan sa kanila ni Renz Fernandez, mahihinuha sa kanyang mga salita na higit pa sa magkaibigan ang relasyon nila ngayon. Sabi ni Maxene, "Wala akong kinu-confirm, wala akong idini-deny. I just wanna keep some things to myself. Pero what you see is what you get. ‘Yon lang."


Maingay ang usap-usapan ngayon na si Renz Fernandez ang bagong boyfriend ni Maxene Magalona.

Panay naman ang ngiti ng Kapuso actress nang mausisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media kahapon, Sunday, October 21, sa Party Pilipinas.

Si Renz ang bunsong anak ni Lorna Tolentino at yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Dahil marami ang nakakapansin na very close sina Maxene at LT, sinasabi rin na tanggap na raw ng multi-awarded actress ang dalaga bilang future daughter-in-law.

Sabi ni Maxene tungkol dito, “Siyempre si Tita [Lorna], parang mom ko na rin.

“Kasi sobrang bait niya, talagang she’s such a nice person.

“And I look up to her. I really look up to her.”

Hanggang sa Twitter account ni Lorna ay nababanggit nito madalas ang pagkagusto kay Maxene.

Ano ang reaksiyon ni Maxene dito?

“A… sa mga tweets niya?” sabay ngiti ni Maxene.

“Siyempre nakaka-touch, di ba, na si Tita Lorna sees me like that.

“And napi-feel ko yung love niya, so nakaka-touch siyempre.”

BOTO KAY MAXENE. Very vocal si LT sa pagpapahayag ng admiration kay Maxene kaya nasasabi ng maraming botong-boto talaga ito sa young actress-TV host.

Saad ni Maxene, “Napanood ko nga yung interview niya sa Startalk.

“And I texted her, sabi ko, ‘Thank you for the kind words.’

“Siyempre, nakakataba ng puso na gano’n ang tingin niya sa akin.

"E, ang totoo niyan, kapag nakakasama ko siya, I’m nothing but just myself talaga.

“I’m really myself. And I can be myself around her. So, masaya."

Pag-alala pa ni Maxene, “Nakatrabaho ko na si Ms. Lorna when I was fifteen sa Hanggang Kailan dito sa GMA-7, dati pa.

“And the first time I saw her, I was really starstruck. Gandang-ganda ako sa kanya.

"Siyempre isa siya sa mga idolo ko talaga pagdating sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nung nakatrabaho ko siya dati, ‘yon… masaya siyang kasama, very professional.

“And then, now na mas nakakasama ko siya and mas nakikilala ko siya, hindi ko akalain na gano’n talaga siya kabait and napaka-humble na tao.”

BONDING MOMENTS. May mga bonding moments na nga raw sila ngayonng ina ni Renz.

Kapag nagkakakuwentuhan sila, ano ang topic na madalas nilang pinag-uusapan?

Sabi ni Maxene, “Siyempre marami kaming napag-uusapan ni Tita, kung anu-ano.

"Like, tungkol sa pag-arte, kung ano yung mga experiences niya sa acting before... gano’n.

“She’s a very wise person.

"Silang buong pamilya—si Renz pati si Kuya Rap Rap—lahat sila, kapag nakakausap ko, palagi talagang marami akong napupulot. Marami akong natututunan.”

Nagtatanong ba si Lorna kung ano na ba talaga ang real score sa kanila ni Renz? Wala pa kasing opisyal na pag-amin mula sa kanila na sila na nga.

Natawa si Maxene bago sinagot ang tanong.

Aniya, “Hindi, kasi si Tita, we click also and we get along because she’s like my mom [Pia Magalona].

“My mom also is very open. The way she raises us, she’s strict and she disciplines us in a way na hindi kami nasasakal.

“At gano’n din nga si Tita Lorna. So that’s why siguro kami nagkakasundo.

“And, uhm… when it comes to personal things, she don’t really ask.

"You know, gano’n naman talaga, e. I mean, kung ako rin naman, if ever na magkaroon ako ng anak, ayoko naman na tinatanong na, ’Ano na, ano na?’

“Yung relationship that I have with my mom and also the relationship that Tita Lorna has with her kids, yung respeto para sa isa’t isa, gano’n ang meron.

“Gano’n naman talaga dapat, e.

"What you see is what you get. That’s all there is to it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And… walang tagu-taguan. Wala kaming itinatago sa mga nanay namin na hindi dapat.

"Like, kung meron mang problema or kung meron man na kailangan namin ng tulong. So, gano’n naman talaga dapat.

“Gano’n ang nakikita ko rin na relationship ni Tita Lorna that she has with her kids.

"And I think that’s why they’re so solid and they’re so bonded.

"Iyon naman talaga ang maganda do’n that they are family-oriented.”

FUTURE BALAES? Nagkausap na rin daw si LT at ang mommy ni Maxene na si Pia.

Kuwento ni Maxene, “Nag-dinner na kami lahat.

"Nagkataon kasi na, ‘yon, magkakasama tapos okey naman ‘yong schedule.

"We all had dinner and it was fun.

“Siyempre lahat naman… my mom and Tita Lorna, matagal nang magkakakilala since way back.

"When my dad [Francis Magalona] was still alive, nagkakasama-sama sa mga showbiz gatherings.

“’Yon! And alam ko naman nga what kind of mothers they are.

"I don’t think that they would, you know, sit down and talk whatever kung anuman yung ganyan.”

THE REAL SCORE. Ano ba talaga ang totoong estado ng magandang pagtititinginan nila ngayon ni Renz?

“Ano… best friends!” sabay tawa ni Maxene.

“Hindi... kidding aside, sasabihin ko, Renz is very special to me.

"And… wala akong kinu-confirm, wala akong idini-deny.

“I just wanna keep some things to myself. Pero what you see is what you get. ‘Yon lang.”

Balitang boto rin daw ang mommy ni Maxene kay Renz.

“My mom used to tell me when I was younger pa na, ’When you look for someone you want to be with, you have to be with someone na pareho yung values, pareho yung background, pareho yung kinalakihan ninyo.’

“Matagal na kaming magkaibigan ni Renz.

"And… hindi ko naman hinihingi na maging boto lahat ng tao, makuha ang lahat ng approval ng mga tao sa kung anuman ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, gusto kong makita ng mga mahal namin sa buhay na masaya kami.

"And masaya ako—I think that’s the most important thing.

“You know, wala naman talagang right formula for love.

"As long as masaya kayo, iyon ang pinaka-importante.

“Basta sa amin ni Renz, what you see is what you get. ‘Yon lang.

"We’re happy with each other. He’s very, very special to me.

“Kabisado naman ng lahat ang naging takbo ng lovelife ko.

"Na nanggaling ako sa aminadong-aminado ako na lovelife. Nanggaling din ako sa itinatago.

"Nanggaling na ako sa kung anu-ano man.

“Ngayon, I just really want to hope for the best. That’s all I want.

“And gusto ko na maging masaya at magpasaya rin ng tao. ‘Yon lang naman.”

BELA & NEIL. Kaya pala si Bela Padilla ay kampante na walang magiging isyu o intriga sa pagitan nila ni Maxene. Nali-link kasi ngayon si Bela sa ex-boyfriend ni Maxene na si Neil Arce.

Sabi ni Maxene, “Si Bela, hindi rin naman talaga kami super-close but we know each other and we say hi.

"And ang sabi ko nga talaga, kung magkakaroon pa ng away-away, sayang ang oras. Sayang ang panahon.

"Kung puwede namang lahat tayo ay magmahalan na lang.

“Di ba, gano’n naman talaga?

"It may sound cliché but, you know, life is so much easier when we all just smile and be happy for each other.

“Because… you don’t hold anyone’s happiness but your own. So I can’t stop other people from being happy.

"If I stop them from being happy, e, di nawalan din ako ng oras para pasayahin ko rin ang sarili ko?

“Kami ni Bela, wala naman kaming dapat na pag-awayan. And ang gusto ko lang sabihin… hindi porke’t na-link ako sa isang tao, e, bawal na siyang ma-link sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba? I mean, napakakitid naman ng utak ko kung gano’n ang iisipin ko. Kasi I respect Neil and I respect Bela.

“And I thank Bela for her respect din for me.

"Because ‘yan ang pinakaimportante sa lahat—ang respeto ninyo sa isa’t isa.

"Rumespeto ka kung gusto mong respetuhin ka rin.

“And… basta lahat happy, that’s it!” sabi ni Maxene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN