Walang Hanggan cast stages show to thank loyal viewers

Hindi magtatapos sa Walang Hanggan ang tambalan nina Julia Montes at Coco Martin dahil nakatakda silang gumawa ng isang pelikula.


Napuno ng tao ang Smart-Araneta Coliseum kagabi, October 21 para saksihan ang handog na palabas ng Walang Hanggan cast sa mga sumuporta sa kanila sa halos isang taon ng teleserye.

Halos lahat ng cast mula umpisa ng serye ay nakibahagi sa Walang Hanggang Pasalamat, maliban kay Rita Avila (gumanap bilang Jane Bonifacio Montenegro na asawa ng character ni Richard Gomez na Marco Cruz Montenegro).

Nagsimula ang programa sa pag-awit nina Christian Bautista, Erik Santos, Jed Madela, Juris, Aiza Seguerra, Liezel Garcia At Bugoy Drilon ng “Salamat.”

Sinundan ito ng unang paglabas nina Dawn Zulueta at Richard Gomez. Sa umpisa pa lang ay hindi na magkamayaw ang mga tao, lalo na ang fans ng loveteam na CharDawn, na magsama-sama para suportahan ang kanilang idols.

Sunod na umawit si Bryan Termulo ng “Dadalhin” at sumunod ay ang duet nina Liezel at Bugoy ng "Huwag Ka nang Mawawala".


JOHANNA, NATHAN AND TOMAS. Unang sumalang sa interview with the Multi-Media Star na si Toni Gonzaga ang younger cast ng series na sina Melissa Ricks, Joem Bascon at Paulo Avelino.

Sa panayam with Toni ay hindi naitago ni Melissa Ricks (Joahanna) ang emosyon dahil sa pagtatapos ng kanilang serye.

Tinawag naman ni Toni si Paulo Avelino (Nathan) na breakthrough actor dahil nakipagsabayan at kinilala raw ang husay nito bilang actor sa serye.

Napatayo naman si Joem Bascon (Tomas) dahil nanginginig sa nerbiyos at di makapaniwala sa dami ng taong dumating sa Big Dome.

Naging maramdamin ang sumunod na pag-awit ni Jed Madela ng "Ikaw Lang."


ATE HENYA AND DOñA MARGARETTE. Paglabas pa lang ni Vice Ganda ay huling-huli na niya ang kiliti ng audience. Siya ang nag-interbyu sa senior stars na sina Ms. Susan Roces (Ate Henya) at Helen Gamboa (Doña Margarette).

Game na nakipag-duet si Ms. Susan kay Vice ng “Kahit Konting Pagtingin,” na theme song daw ng veteran actress at namayapang asawa nitong si Fernando Poe Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula sa aming kinauupuan ay kapansin-pansin ang mga suot na alahas ni Susan Roces, na komento ng aming katabi ay bagay sa isang movie queen na kagaya niya.

Biro pa ni Vice kay Ms. Susan Roces, matagal din daw nagsama ang komedyante at si FPJ, na ikinapagtaka ng veteran actress. “Ako po yung kabayo niya sa Panday,” biro ni Vice na ikinahalakhak ng aktres at maging si Helen Gamboa.

Nang si Helen Gamboa na ang binalingan ni Vice, hindi na nakatanggi pa ang tinaguriang Song and Dance Queen ng kanyang henerasyon.

Sinayaw ulit ni Helen Gamboa ang pinasikat niyang "Bang-Shang-A-Lang" kasabay si Vice. Hindi pa dito nagtapos, dahil nang ipinakita sa screen ang YouTube performance ni Helen Gamboa ng Gangnam ay pinatugtog ulit ito at game na game namang sumayaw si Helen na nagdulot ng masigabong response mula sa audience.

EMILY AND MARCO. Ang Queen of Talk na si Kris Aquino ang sumalang para interbyuhin ang tinaguriang Eternal Loveteam nina Dawn Zulueta at Richard Gomez.

Marami ang nagulat sa suot ni Kris Aquino na may mababang neckline. Nalaman namin na ang nasabing gown ay isusuot niya dapat sa isang state visit, kasama ang kapatid na si President Noynoy Aquino, pero sinabihan si Kris ng mga kaibigan na masyado itong sexy.

Sa parteng ito ng programa, hindi pinalampas ni Kris na hindi mapagbigyan ang nais makita ng fans ng CharDawn. Wala nang nagawa sina Richard at Dawn kundi mag-kiss para sa kanilang followers, na talaga namang minahal ang karakter nilang sina Marco at Emily. Sumunod ay inawit ng Eternal Loveteam ang “Reunited”.

Matapos ang segment ng CharDawn ay inawit naman ang mga soundtrack ng serye. Kinanta ni Christian Bautista ang "Gaano Kadalas ang Minsan", "Sana Maulit Muli" naman ang maramdaming inawit ni Aiza Seguerra, na sinundan ng rendition ni Erik Santos ng "Iisa Pa Lamang" at nagtapos kay Juris sa awiting “Kahit Isang Saglit”.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KATERINA AND DANIEL. Sa part na ito ay lumabas sa entablado sina Julia Montes at Coco Martin at inawit ang “Pangako”. Ang King of Talk naman na si Boy Abunda ang nag-interview sa kanila. Sa tanong ni Boy kung ano ang unang impression ni Coco sa katambal na si Julia, aniya,”Yummy!”

Ayon pa rin sa actor, hindi niya malilimutan ang mga unang taping days nilang halos lahat ng eksena ay masasaya.

Ang mga eksenang tikisan ng character ni Julia (Katerina) at ni Coco (Daniel) ang mga eksenang natatak daw sa isipan ng dalagang aktres.

Sa panayam din nina Julia at Coco kay Boy, ibinalita nilang nakatakda silang gumawa ng isang pelikula bilang pagpapatuloy ng kanilang matagumpay na tambalan.

Bilang pagtatapos ng programa, inawit ni Gary Valenciano ang theme song ng Walang Hanggan na may parehong pamagat habang isa-isang lumabas sa stage ang mga naging bahagi ng serye mula umpisa hanggang sa nalalapit na pagtatapos nito ngayong October 26.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN