Glaiza de Castro on doing love scenes with Dennis Trillo in Temptation of Wife: “Nginig!”

Ang papel na Heidi sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Temptation of Wife ay unang inalok kay Alessandra de Rossi na kalauna’y kanyang tinanggihan at napunta kay Glaiza de Castro. Hindi raw ito isyu kay Glaiza. Aniya, “Never naman akong nagkaroon ng isyu sa mga ganun. Second choice, third, fourth choice, kahit na ano—basta trabaho.”


Para kay Glaiza de Castro, ang Temptation of Wife ang pinaka-sexy na role na gagawin niya sa kanyang buong career.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa taping nila sa may Christ The King Church noong nakaraang linggo.

Ayon sa Kapuso actress, “Ito, ito na talaga ang pinaka-daring. Siguro yung pinakaseksi na nagawa ko.

“Na dati, yung afternoon [serye] ko pa… pero ito, ito talaga.

“Pero yun nga, hindi naman namin gagawin na sobra.”

Mabuti at pumapayag siya sa mga love scenes at bed scenes kahit sa pagkakaalam namin ay wala pa siyang karanasan dito.

“Sobrang iba naman. Yun ang challenge dun!” natatawang tugon ni Glaiza.

“Iba ang pinu-portray mo at iba ka talaga sa totoong buhay. Kaya ako, hindi nahihirapan sa character.”

LOVE SCENE WITH DENNIS. Ayon kay Glaiza, nakunan na ang love scene nila ni Dennis Trillo.

“Nginig!” sagot ni Glaiza nang tanungin ng PEP tungkol dito.

“Alam ni Direk Dom [Dominic Zapata] ‘yan.

“At saka kami ni Dennis, hindi naman namin napag-usapan, pakiramdaman na lang kami.

“Yun talaga ang mga nire-require. Sa mga nakunang eksena, first week pa lang, meron na.

“Second week, ay ang dami!

"Third week, hindi ko alam kung ano pa,” natatawa niyang sabi.

Ginagampanan ni Glaiza sa primetime series na ito ng Kapuso network ang papel ni Heidi, ang babaeng aagawin ang lalaking mahal niya kahit may asawa na ito.

Sabi ni Glaiza tungkol sa kanyang bagong role, “Oo… di ba, contradicting?

“Yung brother-in-law ko, pastor. Tapos every Sunday, nasa church kami.

“Nagte-testimony pa ako doon… kumakanta ako.

“Tapos makikita nila ko sa TV na...

"Well, yung ibang tao kasi, hindi naman natin makokontrol ang sinasabi nila, nasa isip nila.

“Gusto ko lang din i-emphasize na ang trabaho ay trabaho.

“Alam naman nila kung paano ako lumaki, kung paano ako ngayon— sobrang malayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO ISSUE. Ang Temptation of Wife ang ikalawang pagkakataon na makakatrabaho ni Glaiza si Marian Rivera, pagkatapos ng Amaya.

Ayon kay Glaiza, wala siyang anumang kaisyu-isyu sa dalawang beses nilang pagsasama ni Marian.

“Wala… at saka, honestly, hindi ko makita yung mga sinasabing isyu sa kanya.

“Wala talaga. At saka, nakita ko na normal lang talaga siyang tao.

“E, lahat naman tayo ganun, hindi naman tayo perfect.

“E, yung iba, kung makapaghusga naman, masyadong iba.

“Kaya nga, sabi nga, sa verse na nabasa ko, ‘Don’t judge others so you won’t be judged,’ di ba? Yun lang.”



SCHOOLING. Ang Biritera pa ang huling seryeng nagawa ni Glaiza, kaya kinumusta namin ang apat na buwang wala siyang regular show.

“Honestly, dumating ako sa point na medyo na-depress ako.

“Hindi lang dun sa work… personal.

“May mga personal ako, like bumili ako ng bahay.

“Tapos, gusto kong mag-aral noon. Nag-enroll ako, nag-entrance exam ako.

“Gusto kong mag-college, kaso tumigil ako.

“Kasi, akala ko naman dun sa school, puwede sa kanila yung mag-adjust—once-a-week—puwede akong mag-aral.

“Pero hindi pa rin naman nasayang ang effort ko dahil next year, puwede naman daw akong bumalik.

“Kasi, meron naman na akong record sa kanila.”

Music production daw ang plano niyang kunin sanang kurso sa College of St. Benilde.

Kuwento ni Glaiza, “Dati kasi, nag-enroll ako sa Open University ng U.P. for Associate in Arts.

“Pero, parang hindi ko naman trip at saka hindi ko mag-get… nahirapan din ako so bumaklas na lang ako.

“E, eto, nag-aaral ako at nae-enjoy ko pa.”



NO INCOME. Yung sinabi niyang na-depress siya sa apat na buwan na nabakante siya, masasabi ba niyang pinansiyal din ang isa sa rason?

“Oo. Parang nahirapan din ako," pag-amin niya.

“Siyempre, kailangan namin ng funds.

“Si Nanay naman, meron din silang pinagkakakitaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yun talaga yung time na natakot ako. Yung insecurity, di ba?”

Hindi ba siya kumatok sa GMA-7 noong panahon na yun?

“Ako naman, nagre-remind din ako… ‘Ano na po ba, Direk [Manny Valera, her manager]?’

Haram nga raw. Nakapangako rin naman sila.

“Tapos noong tumawag si Kuya Chino [Sarenas] na dito na nga raw, ’Thank you po, Lord!’

“Pero sinabi ko rin sa Kanya na bigyan ako ng strength para makaya ko ‘to.”



SECOND CHOICE. Gaya ng nabanggit ni Glaiza, dapat sana ay ay kasama siya sa Haram, na pagbibidahan nina Dingdong Dantes at Glaiza de Castro.

Pero nang mag-backout si Alessandra de Rossi sa role na Heidi dito sa Temptation of Wife ay nagdesisyon ang GMA-7 na pagpalitin sila ng trabaho.

Si Alessandra ang gagawa ng Haram at si Glaiza ang gaganap sa Temptation of Wife.

Pero na-shelve nga ang Haram at papalitan ng bagong programa ngunit parehong cast pa rin.

Hindi ba naging isyu sa kanya na hindi siya ang orihinal na choice sa Temptation of Wife?

Sagot ni Glaiza, “Never naman akong nagkaroon ng isyu sa mga ganun.

“Second choice, third, fourth choice, kahit na ano—basta trabaho.”



NOT TRUE. Single pa rin daw si Glaiza at hindi raw totoong nagkabalikan na sila ng ex-boyfriend niyang si Felix Roco.

“Kiyeme lang yun!” natatawang sabi niya.

Saka sinundan ng, “Wala na… ngayon, wala na.”

Nagkabalikan nga ba sila?

Aniya, “Nagkita… hindi ko naman kasi masasabing official na nagkabalikan.

“Parang nagkita tapos nagkaayos. Yung ganun.

“Pero parang nag-decide na lang talaga kaming dalawa.”

Ano ba ang nakikita niyang “conflict” nilang dalawa o problema na hindi magtagal o magtuluy-tuloy ang nasimulan na rin nilang relasyon?

“Hindi ko alam, e,” sagot ni Glaiza.

“Siguro mare-realize mo naman yun kapag madalas mong kasama ang isang tao, tapos nare-reveal sa ‘yo yung talagang... hindi, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman akong masasabi talagang anything against him. Wala akong masabi.

“Ayoko namang magsalita ng kahit na anong masama sa kanya, hindi lang talaga.”

Pero for the record, si Felix pa lang nga ba ang naging boyfriend niya?

“Siya nga lang ba?” natatawa niyang tanong.

“E, kasi, ayoko rin naman kasi sa akin manggaling.

“Para sa akin, wala pa akong boyfriend na yung committed, yung nagla-last ng year.

"Puro ano, e... hindi talaga, e.

“Ako kasi, kapag nakita kong hindi talaga, hindi ko na ipipilit…

"Iba-iba tayo ng principle.”



ANGELICA PANGANIBAN. Sa Twitter, mapapansin na nananatiling malapit na magkaibigan ni Glaiza ang dati niyang kasamahan sa ABS-CBN na si Angelica Panganiban.

Si Glaiza ang isa sa maaaring nakakaalam ng mga kaganapan sa buhay ni Angelica, lalo na pagdating sa lovelife.

Pero ayon kay Glaiza, “Nagkikita kami pero ayoko naman na i-refresh pa sa kanya at itanong.

“Actually, gumagawa kami ng kanta. Yun ang ginagawa namin.”

May nagawa na sila?

“Oo, meron, may naka-record na nga, e,” masaya niyang sabi.

Anong title?

“Ay naku, kakantahin niya sa birthday niya. Abangan ninyo ‘yan—seryoso.

“Hindi ko lang alam kung sa Banana Split. Pero sabi niya, kakantahin niya ‘yan sa birthday niya.”

Si Angelica raw ang sumulat ng lyrics.

“Siya ang sumulat tapos dinugtungan ko, then ako ang naglagay ng music.

“Tapos, ni-record namin siya. Kasi, gagamitin namin sa... well, hindi ko alam ang paggagamitan.

“Pero baka raw gamitin din nin Direk Dante [Garcia] sa Madaling Araw Mahabang Gabi.”

Isa pala siyang arranger?

“Arranger, composer, songwriter, naks naman, may ganun?” natatawang sabi niya.

Biro namin kay Glaiza, dapat na palang kabahan si Ogie Alcasid.

Natatawang sabi niya, “Hindi rin namin in-expect kasi.

"Si Angelica kasi, minsan, nagse-send lang sa akin ng lyrics.

“Kapag wala akong magawa, hum lang ako, tapos tina-try kong lagyan, pasok naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ayun, napadalas."

Naka-apat hanggang lima na raw ang nagagawa nilang kanta


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN