Artista Academy finalist Vin Abrenica clarifies statement about his parents’ "separation"

“Nagpapapansin lang ako. Parang gusto kong i-let out yung nararamdaman ko kasi naitatago lang sa sarili ko, e, so nasa akin lang siya. Tapos gusto ko ring malaman ng parents ko kung ano yung standing ko, ang standing naming magkakapatid kung nasaan kami, kung ano ang kalagayan namin. Hopefully, mapansin nila," paliwanag ni Vin Abrenica tungkol sa nauna niyang pahayag nas hiwalay na ang kanyang mga magulang.


Marami ang humanga sa Artista Academy finalist na si Vin Abrenica dahil sa kanyang pagpapakatotoo sa TV5 show na Ang Latest nang matanong tungkol sa sitwasyon ng kanilang pamilya dahil nga magkahiwalay ngayon ang kanilang daddy at mommy.

Tungkol nga dito ang unang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin si Vin sa presscon ng Artista Academy Final 6 kahapon, Oktubre 21, sa Napa Restaurant sa Scout Borromeo, Quezon City.

Ano ba ang nagtulak sa kanya para maging honest sa sitwasyon ng pamilya nila?

Paliwanag ni Vin, “Nagawa ko po iyon, in a way, na sana, hoping na sana magkaroon ng way, magkaroon ng chance na mapansin ng parents ko.

“Nagpapapansin lang ako.

“Parang gusto kong i-let out yung nararamdaman ko kasi naitatago lang sa sarili ko, e, so nasa akin lang siya.

“Tapos gusto ko ring malaman ng parents ko kung ano yung standing ko, ang standing naming magkakapatid kung nasaan kami, kung ano ang kalagayan namin.

“Hopefully, mapansin nila.”

Pero gustong linawin ni Vin na hindi naman totally magkahiwalay ang mga magulang niya.

Magkahiwalay man ng lugar ang mga ito—dahil ang daddy niya ay nasa Batangas at ang mommy naman niya ay kasama nila sa Manila—umaasa pa rin si Vin na muling mabubuo ang pamilya nila.

Saad niya, “Hindi naman po sila talaga naghiwalay, wala naman pong official papers na they separated.

“They decided lang na parang to have time for themselves.

"Parang si Daddy, nagpunta siya sa Batangas kasama yung bunso kong kapatid, nag-concentrate siya sa work."

Ang tinutukoy ni Vin ay ang pag-aari nilang resort and restaurant.

“Then si Mommy, nag-concentrate naman siya sa amin na kasama sa bahay, inaasikaso kami.

“So, yung hiwalay pong yun, hindi naman po totally hiwalay kasi lumalabas naman po kami lahat, magkakasama kami.

“And lalo na po, malaking tulong po yung Artista Academy dahil nagkakasama po kaming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Daddy galing Batangas, nagsu-support po siya.

“Then si Mommy, lahat po nagbubuo kami, wala pong awkwardness ngayon. Doon po ako nagiging masaya.

“Binigyan po namin sila ng oras para sa sarili.

“Hindi naman po kami yung nag-aaway, nag-iiyakan, naggugulo sa bahay, hindi naman po ganun.”

So, wala talagang away sa pagitan ng daddy at mommy niya?

“Siguro po misunderstanding lang po,” sagot ni Vin.

“Siguro ang masasabi ko po, I don’t know po.

“Kasi ayoko naman pong pangunahan ang parents ko kung ano yung pinag-awayan nila.

“Kasi kami, kumbaga, sino ba naman ako, anak lang ako.

“Pero ngayon po, we’re fine.

“Hindi man po sila magkasama sa bahay pero we’re all okay.”


SUPPORTIVE KUYA. Labis naman ang pagpapasalamat ni Vin sa kanyang kuya, ang Kapuso actor na si Aljur Abrenica, dahil sa malaking suporta nito sa kanya.

Katulad niya umaasa rin si Aljur na muli silang magsasama bilang buong pamilya.

“Yun naman po talaga nag gusto naming lahat, e, lalung-lalo na siyempre para sa kuya ko, siya yung panganay.

“Yun talaga ang gusto ko and pinapangarap ko na, one day, lahat magkakasama po kami ulit kasama yung bunso kong kapatid, kasama yung tatay ko.”

Lagi nga raw siyang pinapayuhan ng Kuya Aljur niya na huwag nang pansinin ang mga intriga dahil parte talaga ito ng showbiz.

Katulad na raw ng isyung ginagamit niya ang pangalan ng kuya niya para sumikat?

“Hindi ko na po maiaalis na dahil magkapatid po kami, pareho po ang apelyido namin Abrenica.

“Wala na po akong magagawa doon.

“At saka naihanda ko na rin ang sarili ko na lagi kaming pagkukumparahin.

“Pero kung ang interes ko po talaga ay gamitin ang kapatid ko, hindi po ako papasok sa kumpetisyon katulad nito.

“Siguro maaari po akong gumamit ng shortcut o magpakilala na lang ako bilang kapatid niya tapos papasok na ako sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi po yun ang ginawa ko, mas pinili ko pong sumali sa kumpetisyon, mas pinili kong mag-work hard.

“Pinili kong mag-aral kasi ito po talaga ang gusto ko—ang maging artista.”

Ano ang reaksiyon niya sa komento ng iba na mas magaling daw siyang umarte sa Kuya Aljur niya?

“Nagpapasalamat po ako kung yun po ang nakikita nila, kung yun po ang opinyon nila.

“Ginagawa ko naman po lahat para maging magaling na artista.

“Kahit naman po ang kuya ko, ginagawa niya rin ang lahat para mas gumaling pa sa acting.

“Nandito lang po kami para sumuporta sa isa’t isa.”


READY TO BE THE BEST ACTOR. Handang-handa na nga si Vin na angkinin ang titulong Best Actor sa Artista Academy Grand Awards Night na magaganap sa Smart-Araneta Coliseum sa Oktubre 27.

Makakalaban niya sa Best Actor sina Akihiro Blanco at Mark Neumann.

Maglalaban naman sa Best Actress sina Sophie Albert, Chanel Morales at Shaira Mae.

“Magiging thankful po ako kung ako po ang ma-award-an ng Best Actor.

“Para po sa akin, magiging sobrang handa po ako at magiging sobrang saya po ako dahil ito po ang pinapangarap ko at ibinibigay ko po talaga ang effort na gusto kong ibigay.

“Ibinubuhos ko po lahat ng pagod at effort, at saka ito naman po talaga ang gusto ko.”

Ano ang pakiramdam na umabot siya hanggang grand finals?

“Very proud po ako sa sarili ko na nakarating ako ng ganito kalayo, na dati hindi ko inaasahan na papasukin ko yung ganitong buhay.

“Pero sinunod ko lang talaga yung puso ko, kung ano yung gusto ko talaga pinaghirapan ko at sobrang saya ko na nakaabot ako ng ganito kalayo.”

Ano ang meron siya para masabi niya na siya ang mananalo?

“Deserving naman po lahat, pero para sa akin this is my dream.

“I’m willing to sacrifice most of my privacy, most of my time, most of my effort, lahat po talaga dito ko na ibubuhos kasi dito po ako masaya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang gagawin niya sa makukuha niyang P10 million kung siya ang mananalo?

“Kung makukuha ko po yung sampung milyon, kung mananalo ako, uunahin ko po yung para sa career ko.

“Kasi marami na raw pong guarantee, so mas pipiliin ko na po na mamili ng mga gamit na pang-taping na, kasi magte-taping na po ako noon.

“And the rest, gusto kong i-offer sa family ko lalo na sa parents ko.

“Gusto ko, I’ll return the favor naman.

“Gusto ko ako naman ang mag-aalaga sa iyo, Dad, ako naman ang mag-aalaga sa iyo mom, ganun po.

“Ako naman ang magsususntento para sa family.”

Bilang paghahanda sa grand finals nagpagawa ang TV5 ng billboard tampok ang Final 6 na matatagpuan sa kanto ng Timog Avenue sa harap ng GMA Network.

Naglabas din ng Artista Academy Magazine na ang cover ay ang Final 6.

Ano ang nararamdaman ni Vin, na hindi pa man sila artista ay celebrity na ang treatment sa kanila?

“Ang ganda ng comment sa akin dito [sa magazine] kasi guwapo raw ako. Natatawa nga ako kasi sabi ko, dito lang talaga.

“Tapos yung billboard, ang sarap sa pakiramdam.

“Noong makita ko yun, tumalun-talon na lang talaga ako.

“Gusto kong pumunta doon, gusto kong mapa-picture sa billboard kasi accomplishment para sa amin yun.

“Nagkaroon naman ako ng billboard before, pero hindi dahil sa akin, dahil sa kuya ko.

“Eto talaga para sa akin, para sa amin, malaking exposure ito, maraming makakakita sa akin, so ang sobrang happy.”


SOPHIE ALBERT. Sa lahat ng co-finalists niya marami ang nakakapansin na tila nagiging mas close na sila sa isa’t isa ng kanyang ka-loveteam na si Sophie Albert.

Meron na bang ligawang nangyayari sa pagitan nila o sila na ba?

“Ay, hindi. Kami talaga ni Sophie, we’re best friends, hindi naman yung turning into lovers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re best friends na close talaga.

“Yung mga boundaries na dapat sa isang kaibigan, medyo nawawala na sa amin yun, kasi nagwo-work kami together.

“Tapos lagi kaming magkasama lalo na these past few days na talagang naging kami ang loveteam.

“Pero hindi kami, we’re just friends.”

Ano naman ang ibig sabihin ng nakikitang lambingan nila katulad ng paghalik niya sa kamay ni Sophie noong sumabak sila sa “Pritong Pares” game ng Game ‘N Go kung saan nakukuryente sila?

“A, yes, hinalikan ko. Kini-kiss ko yung kamay niya kasi medyo masakit na yung kamay niya that time.

“E, nakuryente kami, tapos medyo mahaba yata yung kuko ko that time, ewan ko nasugatan ko yata siya.

“So, bumawi naman ako, kiniss ko yung hand niya.”

Pero sa tingin niya ba girlfriend-material si Sophie?

“Yes, girlfriend material talaga si Sophie.

“Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya, beautiful, talented, ang ganda-ganda niya in and out, so girlfriend-material talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN