JC Tiuseco on Maxene Magalona’s admission about their short-lived relationship: “Okay lang. Desisyon niya naman yun.”

Pagkatapos ng breakup ni JC Tiuseco kay Maxene Magalona, sinabi nitong maghahanap na siya ng bagong maliligawan. Kuwento niya: “Actually, madalas akong lumabas ngayon. Kasama ko ang mga barkada. Kaso, ang problema, wala naman akong nakikilalang bago.”


Maituturing na masuwerte si JC Tiuseco bilang isang Kapuso dahil hindi siya halos nababakante sa trabaho.

Katatapos lang niya ng seryeng My Daddy Dearest, heto’t kasama na siya sa bagong primetime series na Temptation of Wife.

Sabi niya, “Siyempre, sobrang happy.

“Yun nga, after ng My Daddy Dearest, parang one month lang ang pahinga, tapos meron na agad kasunod.

“Sa one month na pahinga, nag-shoot pa ako ng Ride to Love at Shake, Rattle & Roll."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si JC sa taping nila Temptation of Wife sa Christ The King Church noong nakaraang linggo.

Bagamat may pagka-daring ang tema ng Temptation of Wife, hindi pa raw alam ni JC kung magpapaka-daring din ba siya rito.

Ang karakter niya daw kasi ay wala sa orihinal na kuwento ng Temptation of Wife sa Korea.

Kuwento ni JC, “Si Dennis [Trillo] ang kaibigan ko rito.

“Pero dahil makulit ako noong una, pero bandang huli, sa akin na sinasabi ni Dennis yung mga problema.”

MAXENE MAGALONA. Sa interview dati kay Maxene Magalona, inamin nitong naging sila nga ni JC at tumagal ng limang buwan ang relasyon nila.

Natawa naman si JC nang tanungin namin tungkol dito.

Aniya, “Wala, wala akong masabi. Okay lang. Desisyon niya naman yun."

Pero pagkatapos daw ng relasyon niya kay Maxene, wala pa rin daw siyang nagiging girlfriend.

“Actually, madalas akong lumabas ngayon. Kasama ko ang mga barkada.

“Kaso, ang problema, wala naman akong nakikilalang bago.

“Kapag lumalabas kami, kami-kami lang palagi.

“Wala naman kaming nakakasamang bago na puwedeng makilala.

“Pero, sinasabi ko nga sa mga kaibigan ko, ipakilala nila sa akin kung meron silang mairereto, pero wala raw.”

Wala ba siyang natitipuhan o nagugustuhan man lang?

“Wala pa talaga, e,” nakangiting sabi ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN