Bea Binene’s mother on Atty. Ferdinand Topacio: “Hindi kami magpa-public apology. Kasi wala kaming dapat i-public apology sa kanya.”

Hindi pa rin natitinag ang kampo ng Kapuso teen actress na si Bea Binene kaugnay ng public apology na hinihingi mula sa kanila ni Atty. Ferdinand Topacio. Saad ni Mrs. Carina Binene, “Ano nga po ang ipa-public apology namin, e, hindi nga namin alam kung ano… Bakit kami magpa-public apology sa kanya, e, siya nga itong nagpapalabas-labas sa mga diyaryo? Nagugulat na nga lang ako na may mga nega [negative publicity] na ang anak ko.”


Nananatiling matigas ang pamilya ng Kapuso young star na si Bea Binene na hindi sila maglalabas ng public apology para kay Atty. Ferdinand “Ferdie” Topacio.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ina ni Bea na si Carina Binene sa dressing room ng H.O.T. TV noong Linggo, October 21, sa GMA Network.

Sinamahan ni Mommy Carina ang anak sa live guest appearance nito at ni Jake Vargas upang i-promote ang bago nilang serye, ang Cielo de Angelina.

Alinlangan pa si Mommy Carina na magpa-interview noong una, pero napapayag din namin siya sa huli.

Ayon sa kanya, pinagtatakhan nilang mag-ina kung bakit sila ang dapat magbigay o maglabas ng public apology para kay Atty. Topacio.

“Ano nga po ang ipa-public apology namin, e, hindi nga namin alam kung ano…

“Bakit kami magpa-public apology sa kanya, e, siya nga itong nagpapalabas-labas sa mga diyaryo?

“Nagugulat na nga lang ako na may mga nega [negative publicity] na ang anak ko.”

Giit pa ni Mommy Carina, “Hindi, hindi kami magpa-public apology. Kasi wala kaming dapat i-public apology sa kanya.”

Matatandaang pumutok ang isyu sa pagitan nina Bea at Atty. Topacio nang lumabas sa isang daily broadsheet na nag-file daw ng demanda ang 14-year-old actress at ang ina nito laban sa radio jock na si Dan Christian Villanueva o Papa Dan.

Ikinagulat ito ni Bea at ng ina niya dahil hindi umano nila binigyan ng consent si Atty. Topacio na maghain ng reklamo laban kay Papa Dan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ito raw ang dahilan kaya humingi ng legal assistance ang mag-ina sa GMA Network sa naging hakbang ni Atty Topacio nang i-file nito ang reklamo sa CIDG.

Ang ginawa lang daw nila ay ipina-blotter nilang mag-ina ang radio jock.

(CLICK HERE to read related story.)



THE MEETING. Malinaw pa sa isip ni Mrs. Binene kung paano nila nakilala si Atty. Topacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos daw ng interview noon ng GMA News reporter na si Tina Panganiban-Perez kay Bea ay lumapit at nagpa-picture daw si Atty. Topacio sa young actress.

Nalaman daw ng abugado na tumutulong sa ilang foundations si Bea kaya nag-alok ito na tutulungan ang young actress na makapagpatayo ng sarili niyang foundation.

Ayon sa ina ni Bea, nag-offer pa raw itong magbibigay ng pera para sa pagpapatayo ng sariling foundation ng young star. Pero tinanggihan daw ito ng mag-ina.

“Hindi naman porke perang ganyan, tanggap lang kami nang tanggap. May sariling pera si Bea,” sabi ni Mommy Carina.

Sabi pa ng ina ni Bea, walang nabuong foundation gaya ng naipangako ni Atty. Topacio.

Pero okey na raw sa mag-ina na hindi ito nag-materialize. Itutuloy na lang daw nila ang pagtulong sa ibang foundations.



RADIO JOCK. Inalam din ng PEP kay Mommy Carina kung ano na ang nangyari matapos nilang ipa-blotter nila ang radio jock na si Papa Dan?

“Wala na po yun, tapos na yun. Tinapos na yun ng GMA,” sagot nito.

Napatawad na ba nila ang radio jock sa anumang nagawa nito?

“Hindi naman po puwedeng patawarin. Kasi yung pinaggagawa niya, stressed rin kami.

“Pero okey na yun. At least, tapos na.”

Hindi na nila itutuloy ang demanda?

“Pag inulit yung mga pinaggagawa niya, doon na mapupunta yun.

“Okey naman na, nag-apologize naman na,” sagot ni Mommy Carina.



UNEXPECTED. Hindi raw akalain ni Mommy Carina na makakaranas sila ng ganitong klaseng gusot sa showbiz.

“Nakakaloka yung problema namin, ano? Nagkasunud-sunod!” bulalas niya.

Ayon pa kay Mommy Carina, hindi sila sanay sa ganitong intriga at issue.

“Hindi talaga kami sanay sa mga publicity, e.

“Kasi lumaki si Bea na mabait, e, tapos… anong nangyari?

“Nagulat na lang kami kasi may lumalabas sa diyaryo na binilhan ni Atty. Topacio si Bea ng worth five-million na condo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagulat na lang kami, ‘Ha?’ Pinagpuyatan ng anak ko, pinagpaguran, di ba?

“Nagalit ang anak ko sa mga gano’n. ‘Mama, napapagod ako, tapos sasabihin lang na isang ganyan? Binubungkal pa lang yung lupa, binabayaran na natin… gano’n.’

“Nakakaloka!”

Kaya na ba ni Bea na bumili ng condo worth P5 million?

Dito sa pagkakataong ito ay isiniwalat ni Mommy Carina ang tunay na estado nila sa buhay.

Saad niya, “Si Bea kasi, two years old pa lang, binilhan ng Papa niya ng condo, cash binili.

“One point seven million lang naman kasi two years old pa lang si Bea noon.

“Ibinili siya sa may Morayta [Manila], kasi along University Belt.

“Kasi raw, pag nag-college yung anak namin, may matitirhan na at hindi na siya magre-rent.

“At saka nasa tiyan ko pa lang ’yan, in-insure na ‘yan ng Papa niya ng high school at college.

“Yung insurance niya, high-standard na kahit saang school, puwede siya.

“Pag nag-age siya, mature date niya, may makukuha pa siya sa insurance.”

Paano kung hindi naman na magka-college si Bea dahil sa showbiz career nito?

Sabi ni Mrs. Binene, “Hindi naman po puwedeng gano’n. Hindi puwedeng gano’n, kailangan niyang mag-college.

“Saka may time na mag-aaral din ‘yan ng college.

“Saka hanggang ngayon pa rin naman, nag-i-school pa rin naman yung anak ko.”



DAD’S REACTION. Ano ang reaksiyon ng tatay ni Bea sa lumabas na balitang binilhan daw ng P5-million condo unit ang kanilang anak ng ibang tao?

“Nagagalit siya, pero hindi naman niya siniseryoso.

“Hindi naman niya alam… wala, talagang deadma lang siya dahil alam niyang hindi naman totoo.”

Ayon kay Mommy Carina, isang purong Chinese ang ama ni Bea.

Tutol nga raw ito sa pag-aartista ni Bea pero napapayag din dahil hilig raw talaga nitong pasukin ang showbiz.

“Ayaw nga ng papa niya, kahit na nga nag-start na yung StarStruck [Kids]… tinakas ko lang ‘yan kasi nga gusto ng bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung Final 14, saka lang niya nalaman kasi coding kami. Hiniram namin yung car ng papa niya.”



HOW IS BEA? Kumusta naman si Bea sa kaliwa’t kanang isyu sa kanya? Hindi ba ito naapektuhan?

“Kahit paano, naapektuhan siya,” sabi ni Mommy Carina.

“Maano lang talaga ang anak ko… kahit paano naiintindihan niya na hindi naman totoo.”

Natawa si Mommy Carina nung sabihin naming hindi namamalayan ni Bea ang isyu kapag kasama niya si Jake.

Nasilip kasi namin sina Bea at Jake na masayang nagkukuwentuhan sa dressing room ng H.O.T. TV.

“Ganyan lang naman sila, siyempre mag-partner, e. Ganyan lang sila at nakikita ko naman yung dalawa.

“Pag hindi ko na sila nakikita, wala, away na ‘yan,” nakangiting sabi ni Mommy Carina.

May namamagitan ba kina Bea at Jake? Nakikita rin namin kasi ang dalawa na palaging magkasama at magkahawak-kamay.

“Hindi, ganyan lang talaga ‘yang mga ‘yan. Ganun lang sila, kasi nga magkaibigan.

“Hindi lang naman sila ang ganyan, lahat silang mga tweens, ganyan.”

Biniro uli namin, baka may relasyon na sina Bea at Jake, hindi lang nito alam?

Natawa si Mommy Carina sa narinig.

Giit niya, “Ganyan silang mga tweens… ganyan silang mga tweens!

“Kapag ’yang mga tweens, nagkita-kita, naghaharutan, nagbibiruan.

“Minsan nga, ang gugulo pa ng mga ‘yan.”

Ayaw ba ni Mommy Carina na magkaroon ng boyfriend si Bea?

“Okey nang ganyan, hangga’t nakikita ko,”sabi niya.

Hindi ba siya bantay-sarado kay Bea?

“Okey lang ako, basta nakikita ko ang anak ko, okey sa akin. Hindi naman ako mahigpit.

“Sinasabi ko naman kay Jake na, ‘O, Jake, alam mo na, ha? Kasi matagal na kayong magkilala ni Bea. Huwag lang kayong mawala sa paningin ko.’

“Sabi naman ni Jake, ‘Opo, Tita. Alam ko naman po yung limitation.’

“Sabi ko, ‘Okey, sige.’”

Sa mga naka-loveteam na ni Bea, sino ang mas gusto ni Mommy Carina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya [Jake] yung palaging nandiyan, e, di siya ang gusto ko. Kasi para lang silang magkapatid na dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN