Kris Bernal on Aljur Abrenica’s lovelife: "Nakikita ko masaya siya… masaya si Aljur."

Hindi nagkatuluyan ang inaasam ng marami na magkaroon ng tunay na relasyon sina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Sa ngayon, balitang girlfriend ni Aljur si Kylie Padilla. Sumagi kaya kay Kris na sana’y siya si Kylie? Tugon niya: “Minsan, yun ang iniisip ko. Kasi si Aljur, masarap talagang magmahal. Kumbaga, naramdaman ko ‘yan, e… dati. Oo, nung nagparamdam ‘yan sa akin, nung nanligaw ‘yan sa akin."


Walong linggo lang tatakbo sa ere ang kauumpisang primetime series ng GMA-7 na Coffee Prince.

Pero umaasa ang mga bidang nitong sina Kris Bernal at Aljur Abrenica na ma-extend ito ng ilan pang linggo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa lobby ng GMA-7 noong Linggo, October 21, sa Party Pilipinas.

Sabi niya, “Masayang-masaya kami kasi maganda yung mga feedbacks na natatanggap namin.

“Nandoon pa rin raw yung nakakakilig na tandem namin ni Aljur.

“So, sana lang ma-extend pa yung series namin, kasi originally talaga eight weeks lang siya talaga.”

Nabanggit din ni Kris sa PEP na mas naging close sila ngayon ng kanyang ka-loveteam.

Sabi niya, “Okay kami ngayon, mas naging close kami talaga.

"Kumbaga, wala nang hiyaan.

“Saka pinag-uusapan na namin ang bawat eksena para mapaghandaan namin at magawa namin nang tama.”

KYLIE PADILLA. Kahit close sila at marami ang umaasang magkakatuluyan na, mukhang imposible na itong mangyari dahil may nababalitang girlfriend si Aljur.

Palagay ni Kris, “Puwede naman kaming ma-link romantically.”

Hindi ba’t may Kylie Padilla na si Aljur?

“Hindi ko alam,” mabilis niyang sagot.

Hindi ba siya nagtatanong sa lovelife ni Aljur ngayon?

Sagot ni Kris, “Nagtatanong ako siyempre sa kanya, kasi wala na nga kaming itinatago sa isa’t isa, di ba?

“Nagtatanong ako sa kanya tungkol sa lovelife niya, sa family niya.

“Ewan ko, kasi minsan private din siya, e. Minsan gusto niyang maging private.”

Kahit sa kanya ba ay naglilihim si Aljur tungkol sa lovelife nito?

“Sinasabi naman niya sa akin, pero ayoko na rin kasing mag-comment.

“Kasi ayokong manggaling sa akin, e.

"Baka mali pa yung masabi ko, hindi naman tama. Malagyan pa ng malisya.

"So, kung ano yung sinabi niya, dun din ako.”



KIROT. Kapag pinag-uusapan nila ang lovelife at sinasabi ni Aljur na masaya siya ngayon, may kirot o panghihinayang ba na hindi sila nagkatuluyan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala namang kirot,” tugon ni Kris.

“Inamin ko naman na minahal ko si Aljur, pero yung pagmamahal na yun, hindi namin naituloy bilang boyfriend-girlfriend.

“And happy naman kami na magkaibigan kami ngayon

“Saka yung personal life niya, sinasabi niya na masaya siya, wala siyang problema—masaya ako para sa kanya.”

Hindi ba inisip ni Kris na sana siya na lang si Kylie?

“Minsan, yun ang iniisip ko," pag-amin ng Kapuso young actress.

"Kasi si Aljur, masarap talagang magmahal.

“Kumbaga, naramdaman ko ‘yan, e… dati.

"Oo, nung nagparamdam ‘yan sa akin, nung nanligaw ‘yan sa akin.

“Alam ko kung paano siya… alam mo yun? Talagang mahuhulog ang loob mo.

“Hindi naman ako nanghihinayang kasi mature na rin kami, e.

"Yung mga selos-selos na ’yan, oo, sinasabi ko na nagseselos ako.

“Pero tine-take namin yun na mature na kaming mga tao, naiintindihan na namin ang isa’t isa.”



NO COMMITMENTS. Masaya ba siya ngayon sa sitwasyon ng kanyang personal life?

Nag-isip sandali si Kris at sinabing, “Masaya... masaya dahil sa work.

"Pero nakaka-miss rin kasi yung… nakaka-miss rin kasi na may lovelife.

“Nakaka-miss rin kasi yung… ako, nami-miss ko yung family ko dahil minsan ko na lang nakikita.

“Pero masaya dahil sunud-sunod yung trabaho.”

Nababalita noon na masugid na manliligaw ni Kris si Carl Guevara, pero pinahinto na raw niya ang binata sa panunuyo nito sa kanya?

Kumusta na sila?

“Ahmm… wala na. Pero nagpaparamdam pa rin siya, kumbaga, nandiyan pa rin siya.

"Tini-text pa rin niya ako. Tini-text ko pa rin siya pag may oras.

"Pero walang demands na parang… or obligations na parang kailangang magkita kami, kailangang lumabas kami, kailangan maging sweet kami.

“Walang ganun. Normal.

"Sabi ko, ‘Hayaan mo, pag may time naman ako, okay lang sa akin. Pero kapag may trabaho, doon muna ako.’”

Hindi ba siya naiinggit kay Aljur na puwedeng pagsabayin ang lovelife at ang trabaho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya niya, e. Si Aljur, kilala ko. Multi-tasking yun, e.

"Ako hindi, e.

“Kumbaga, ayokong haluan yung trabaho ko ng kung anuman. Kasi pinaghirapan ko ito, e—dito muna ako.

“Saka naranasan ko na rin yung may trabaho at may lovelife—hindi rin naman nag-work.

“So, bakit pa ako papasok sa panibagong relationship?”



HOPELESS ROMANTIC. Kapansin-pansin na parang nag-mature na sa pananaw sa buhay si Kris at umayon naman siya sa aming obserbasyon.

“Oo, nag-mature talaga ako.

"Sa dami na kasi, e... hindi sa dami ng boys, ha?

“I mean, sa mga nakilala ko, sa mga nakasama ko naman, doon ako natuto,” pahayag niya.

Hindi na ba siya yung "hopeless romantic" na naniniwalang hindi kumpleto ang buhay at career kapag walang lovelife?

“Hindi naman. Nasanay rin lang ako na meron palaging nandiyan for me. So, ngayon, masaya naman ako kahit wala,” sabi ni Kris.

Hindi ba siya nalulungkot minsan?

“Hindi… hindi. Nandyan naman kasi yung family ko.

“Pero minsan, siyempre, iniisip ko.

“Pero sa dami ng schedules sa trabaho, hindi ko rin naman madalas maisip.”

Pero nakikita ba niya na masaya talaga si Aljur sa estado ng lovelife nito?

“Nakikita ko masaya siya… masaya si Aljur.

"Masaya ako para sa kanya.

“Sana yung happiness niya, magtuluy-tuloy.

“Kasi alam kong masayang-masaya siya, hindi lang sa lovelife kundi pati sa trabaho,” pagtatapos ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN