Willie Revillame open to international franchise of Wil Time Bigtime

Wala na raw planong magpakasal si Willie Revillame matapos ang dalawang beses na pakikipaghiwalay sa kanyang mga napangasawa. Paliwanag ng TV host-comedian, “Wala, ang dami kong inaasikaso at unfair para sa babae na halos wala akong time sa kanya.”


Ayon sa TV host-comedian na si Willie Revillame, okey lang sa kanya kung sakaling may mag-franchise ng kanyang show sa ibang bansa.

Si Willie ang host ng Wil Time Bigtime sa TV5.

Ang Eat Bulaga! kasi nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ay may franchise na sa Indonesia. At posibleng magkaroon din sa mga bansang Malaysia at Singapore.

“Oo naman, bakit hindi? Basta makakatulong tayo,” sagot ni Willie nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung gusto rin ba niyang magkaroon ng international frnachise ang kanyang programa.

Patuloy niya, “Tulad sa Eat Blaga!, kahit mawala ang TVJ, may legacy na silang iiwan dahil may Eat Bulaga! na rin sa ibang bansa.

“Everything has an end, e. At least, may maiiwan kang legacy.”

Nakausap ng PEP at iba pang entertainment press si Willie noong Sabado, October 20, sa pag-aari niyang Wil’s Events Place sa Sgt. Esguerra, Quezon City.

Kapag nabanggit ang Wil Time Big Time, ibig sabihin nito ay Willie Revillame and vice versa

Kung sakaling magkaroon nga ng franchise ang show sa ibang bansa, paano ang magiging host nito?

“Kailangang maghanap din sila ng sarili nilang host katulad ng ginawa sa Eat Bulaga!, may TVJ din doon sa franchise,”sagot ni Willie.

May papantay naman kaya sa style niya sa paghu-host at mahahawakan nang matino ang programa?

Sabi niya, “Alam mo, wala namang pantayan diyan, e.

“Dapat sincere ka sa ginagawa mo.

“Kahit ako o sinuman ang gagawa niyan, dapat walang kapantay. Dapat sinseridad.

“Hindi yung on-camera ka lang tumutulong.”

WILLIE’S HEALTH. May ilang araw na hindi napanood si Willie sa Wil Time Bigtime dahil nagkakasakit siya.

Kumusta na ba ang kalusugan niya?

“Okey lang naman. Namamalat lang ako. Kaya paminsan-minsan, uma-absent ako.

"Sana maintindihan ng mga tao.

“Kasi kung itutuluy-tuloy ko, mawawala yung boses

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero honestly, ang gagaling ng host natin, huh!

“Even Mariel [Rodriguez], ha, may confidence na ako kay Mariel.”

NO HARD FEELINGS. Nilinaw rin ni Willie na wala siya anumang sama ng loob sa kahit na anong istasyon.

Aniya, “Wala naman akong personal na galit sa kahit anong istasyon, e.

“Wala naman akong bitterness.

“Ganoon lang talaga ang buhay, sometimes yung desisyon mo nagbabago kasi iniisip mo yung buhay at kinabukasan mo, e.”

May plano si Willie na magbakasyon ng one week sa ibang bansa kasama ang kanyang mga anak. Pero bago umalis ay magte-tape muna raw siya para sa Wil Time Bigtime.

“Gusto ko, kahit one day lang, lahat ng mga anak ko makasama ko.

“And then ie-explain ko sa kanila kung ano’ng nangyari sa buhay ko at sasabihin ko sa kanila kung anong meron ako, para alam nila at alagaan nilang lahat,” saad niya.

Ang mga anak niya raw ang prayoridad ni Willie at wala na raw siyang balak na mag-asawa pang muli.

“Wala, ang dami kong inaasikaso at unfair para sa babae na halos wala akong time sa kanya,” paliwanag niya.

Dalawang beses nang ikinasal si Willie.

Una ay sa aktres na si Princess Punzalan at pangalawa sa modelong si Liz Almoro. Parehong nauwi sa hiwalayan ang mga pagsasamang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN