Part 2. Rocco Nacino wants to pattern career after Tom Cruise: "Sa kanya ko rin nakikita na hindi naman kailangan ang height para maging isang sikat na actor."

Nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon nila ni Sheena Halili, ito ang sagot ni Rocco Nacino: "Ito, hindi rin kami makapag-level up din. Kasi nga, wala, hindi rin kami masyadong nakakapagkita ngayon kasi nga yung taping ko, malalayo. Pag-uwi, tulog agad, babawi sa tulog. So we don’t get to see each other that often ngayon."


Ayon kay Rocco Nacino, hindi sila nagkaroon kahit kailan ng friction ni Steven Silva.

Si Steven ang Ultimate Male Survivor ng StarStruck V, kunsaan second runner-up lang si Rocco.

“Sobrang okay po kami, we’re good friends. Dinalaw ko nga siya nung na-dengue siya,” pagpapatunay ni Rocco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero ngayon ay mas maraming big breaks na nakukuha si Rocco kumpara kay Steven.

Paliwanag naman dito ni Rocco, “Ang hadlang lang talaga, yung Tagalog niya.

“Pero ngayon, kung mag-text siya sa akin or pag nagkakausap kami, Tagalog na.

“Tsaka kami, as barkada, kung kausapin siya, Tagalog talaga.

“Ganun naman talaga ang anuhan, e…

“Kasi nung bumalik kami dito sa Pilipinas, wala akong kaalam-alam sa Tagalog. Kinausap lang ako nang kinausap ng Tagalog.”

Sa Singapore halos lumaki si Rocco kaya Mandarin ang alam niyang salita noon.

Patuloy na kuwento niya, “Natuto po ako, pinasok po ako ni Mommy sa prep school.

“Thirteen years old ako, nag-prep school ako ng Tagalog, Filipino.

“Tapos umiiyak ako araw-araw kasi Ibong Adarna agad, high school!”

Sampung taon nanirahan sina Rocco sa Singapore.

Dinala siya doon ng kanyang mga magulang noong three years old pa lamang siya, at thirteen na siya nung bumalik sa Pilipinas.



NEW KAPUSO STARS. Si Steven ay umamin sa isang interview na threatened siya dahil may mga bago na namang artista ang GMA-7 na mga produkto ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

How about Rocco?

“Iniisip ko lang na there are more things to think about siguro.

“Mas iisipin ko yung trabaho ko, mas iisipin ko na ayusin yung trabaho ko para tuluy-tuloy na mabigyan ako ng projects.

“So hanggang ngayon, kahit marami na akong naging soap, nasa stage pa rin ako ng proving grounds, nasa proving stage pa rin ako—to show the network na puwede ninyo akong gamitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya mas gusto kong i-welcome yung protégés, i-welcome ko na lang sila.

“Nakasama ko na sila, nakausap ko na sila, mas gusto ko sila na i-treat bilang Kapuso, mga kapatid ko sa industriya.

“Kaya I don’t think… I don’t see them as threats. I see them as colleagues na makakatrabaho ko din.”

Patuloy niya, “Kung anong advice ang maibibigay ko sa kanila, ibibigay ko.

“Nung pumasok ako sa bahay nila, nagturo ako ng martial arts, so siguro…

“‘In terms of discipline, magagamit ninyo rin sa showbiz,’ sabi ko sa kanila. ‘And always be punctual,’ sabi ko sa kanila.

“At iyon nga, meron akong mga naririnig na rumors tungkol sa kanila, pero siguro in time, matututo rin.”

Anong rumors?

“Parang may ilan daw sa kanila na malaki na ang ulo.

“Sabi ko, it happens, at they can learn the easy way or the hard way.

“Basta nasabi ko lang sa kanila na, ‘Dapat may passion kayo sa trabaho ninyo.’

“Nakikita naman sa kanila, e.”

Sila raw ng mga ka-batch niya sa StarStruck na sina Steven at Enzo Pineda ay hindi lumaki ang ulo.

“Hindi naman po kailangan, e,” sabi ni Rocco.



OFFERS FROM OTHER NETWORK? Limang taon ang kontratang pinirmahan ni Rocco sa GMA-7 pagkatapos ng StarStruck V.

“Two years na ang nagamit so may tatlo pa ako,” banggit niya.

Nabalita dati na interesado ang ibang networks sa kanya. May ganun pa ba ngayon?

Sabi ni Rocco, “Ewan ko po, wala pa naman.

“At so far so good, inaalagaan ako ng network.

“Ang ibinibigay sa akin, lead roles, kaya siguro I shouldn’t take that for granted.

“At hindi naman basta-basta ang mapunta sa ganitong sitwasyon ngayon kaya ine-embrace ko talaga.”

Kaya kahit anong pagpipirata ang gawin sa kanya ng ibang station ay hindi raw siya aalis sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t think so. For the next three years po, siguradong hindi.”



NURSE ROCCO. Bago sumali at nanalo sa StarStruck ay nag-graduate ng Nursing at nakapasa sa Licensure Exam si Rocco.

Kinalimutan na ba niya ang pagiging nurse?

“Hindi po! Ayun, ginagamit ko sa mga hospital scenes namin!” sabay tawa ni Rocco.

“At least, nagagamit pa rin.

“Dapat po mag-aaral ako ulit ng Pediatrics, gusto ko pong mag-Medicine talaga.

“E, dumating ang StarStruck, sabi ko once in a lifetime ito, kinuha ako, nagtuluy-tuloy ako, nalaman ko na ito talaga yung passion ko.”

Hindi pa nagkaroon ng role si Rocco sa anumang proyekto sa TV o pelikula bilang isang nurse, pero gusto niya raw.

“Why not? Ay naku, sobrang gusto ko po!

“Nung nag-workshop nga po kami ng voice modulation, pinag-uusapan nga po yung parts and anatomy ng thyroid.

“Naku, attentive na attentive ako sa mga parts... yung mga physiology.

“Kaya nakaka-miss din, nakaka-miss mag-aral.”


SHEENA HALILI. Kumusta na sila ni Sheena Halili? Sila pa rin ba?

“Hindi yung kami pa rin!” muling tumawa si Rocco.

Bakit ayaw pa nilang umamin?

“Wala pa kaming aaminin, e… still the same, e.”

Ilang years na silang mag-MU o may mutual understanding?

“More than one year,” sagot ni Rocco.

“Ito, hindi rin kami makapag-level up din.

"Kasi nga, wala, hindi rin kami masyadong nakakapagkita ngayon kasi nga yung taping ko, malalayo.

“Pag-uwi, tulog agad, babawi sa tulog. So we don’t get to see each other that often ngayon.”

Steady lang sila?

“Steady oo, na steady na ganun pa rin. Kung ano kami nag-start na maging special sa isa’t isa, ganun pa rin.”

LOCAL TOM CRUISE? Ano ang dream project ni Rocco?

“Action-drama,” sagot niya.

“Kung paano si Tom Cruise—action pero may depth, may lalim, may acting talaga.

“Very Tom Cruise, kasi nga, sa kanya ko rin nakikita na hindi naman kailangan ang height para maging isang sikat na actor at maging isang very accomplished actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So siya yung peg ko talaga.

"Iyon talaga yung dream ko, ma- reach yung pinakamataas na puwedeng ano.

“Gusto ko, yung pangalan ko makilala ng maraming-maraming tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN