Artista Academy finalist Sophie Albert: “Yes, I’m related to the Cojuangcos—my dad is a Cojuangco.”

Kung sakaling siya raw ang palaring manalo sa Artista Academy, ibibigay raw ni Sophie Albert ang kanyang premyo sa kanyang ina upang makatulong sa kanilang pamilya at sa ama nitong may sakit. Aniya, “Actually, yung gusto kong mangyari, pag nanalo ako ng ten million, gusto ko mabigay sa mommy ko yung ten million na yun.”


Habang papalapit ang grands finals ng Artista Academy sa TV5 sa October 27, unti-unti namang lumabas ang mga siktreto ng anim na natitirang finalists.

Natuklasan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang strong contender para sa Best Actress na si Sophie Albert ay isa palang Cojuangco.

Naibulong ito sa PEP sa presscon ng Artista Academy noong Linggo ng hapon, October 21, sa Napa Restaurant sa Quezon City.

Hindi naman ito itinanggi ni Sophie nang eksklusibo namin siyang makapanayam sa presscon proper.

“Yes, I’m related to the Cojuangcos—my dad is a Cojuangco,” pag-amin agad ni Sophie.

Paano naging Cojuangco ang daddy niya?

“Yung mom ng daddy ko, yung lola ko po, sister siya ni the late President Cory Aquino.

“So, magkapatid ang mommy ng dad ko at si President Cory po.”



WELL-KEPT SECRET. Bakit hindi niya sinabi ang pagkakaroon niya ng relasyon sa mga Cojuangco sa simula pa lang ng contest?

“Ayoko talaga,” diin ni Sophie.

“Ayokong sabihin... I didn’t want na isipin nang mga tao na kaya ako nakapasok ay dahil doon.

“So, kahit sa mga tao sa Artista Academy, hindi nila nalaman until I have to give my dad’s full name.

“So, Cojuangco ako—doon lang nila nalaman.

“Pero hindi ko talaga sinasabi kahit kanino before.”

Bakit finally ay ni-reveal niya na rin sa mga kasamahan sa Artista Academy ang tungkol dito?

“Ahmm… nalaman na lang nila bigla.

“I think noong mag-Hong Kong kami, we had to submit yung full name ng mommy namin, yung dad namin.

“So, nakita nila na my dad’s middle name is Cojuangco.

“So, doon lang. Tapos nagtanong na sila.”



KRIS AND MIKEE. Ibig sabihin nito, tiyahin niya sina Kris Aquino at Mikee Cojuangco?

“Opo,” mabilis niyang sagot.

Malapit ba siya kina Kris at Mikee?

“Ahmm… when I was young.

“Kasi neighbors kami ni President Noynoy,” simula niyang kuwento tungkol sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, noong bata ako, lagi ko siyang nakikita, halos araw-araw.

“Pero ngayon, nagkikita na lang kami every Christmas or pag may mga birthday.

“Hindi kami masyadong nagkikita pag walang masyadong occasion.”

Alam ba nila na sumali siya sa Artista Academy?

“Alam ni Tita Mikee. As in, sobrang sumusuporta siya sa akin.

“Lately lang nila nalaman and they texted my mom and sinabi nila na nandito lang sila, they behind me.

“Sinusuportahan nila ako.

“In the beginning, nahiya akong sabihin na sumali ako kasi parang ewan ko... nahihiya lang ako na aminin sa kanila na I’m here.

“Pero nalaman nila and sobra yung pagka-suporta nila sa akin… nagsama-sama sila para suportahan ako.

“So, I’m happy and I’m proud to be a part of the family.”



FAMILY SUPPORT. Paano siya sinusuportahan nina Mikee at ng ibang mga kamag-anakan ng mga Cojuangco?

“Ahmm… palagi silang nanonood—nagte-text sila, bumuboto sila.

“And yun, sinasabi nila na whatever we need to do, we do it kasi nga todo yung suporta nila.”

Alam na rin ba ni Kris?

“Hindi po ako sure kung alam niya… pero I think, maybe,” alinlangan niyang sagot.

Kilala ba siya ni Kris?

“Kilala niya ako kasi nung namatay yung lola ko, yun lang yung time na nakausap ko siya.

“Pero hindi ko alam kung naalala pa niya ako, pero iyon yung time na nakausap ko siya.

“Yun pa lang yung time na talagang face to face.

“Kasi busy siya and hindi kami masyadong nagkikita or nagkakausap.”

COMA. Kahit na eleven years nang comatose at may private nurse pa ang daddy niya, mukhang hindi naman sila nahirapan financially.

“Hindi po,” sabi ni Sophie.

“Sobrang dumaan kami sa financial difficulty, kasi yung mommy ko, she’s very ma-pride.

“So, ayaw niyang humingi ng tulong from my lola, my dad’s mom. Hindi siya humingi ng tulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nung nagkasakit yung daddy ko, ibinenta ng mom ko lahat ng kotse ng daddy ko, yung mga TV… naramdaman namin.

“Meron ding time na hindi na ako makabili ng damit.

“Pag nasa school ako every week, pareho yung suot ko kasi nahihiya akong humingi sa mom ko.

“Naramdaman rin namin yung mahirapan. And naranasan ko na hindi ko makuha yung gusto ko.

“So, nahirapan rin ako dahil na-spoiled ako ng daddy ko.

“Tapos, may time na ang higpit na ng mommy ko—na hindi na kami puwedeng mag-aircon.

“Noong time na yun, dahil nagtitipid siya… naramdaman ko rin naman yung mahirap.”

Ngayon ba nakabangon na sila?

“My mom is very... sobrang hardworking. As in nakakagulat yung pagka-hardworking niya.

“Talagang nakakagulat yung pinaghirapan—yung kung ano meron kami ngayon.

“We’re okay… we’re not rich but we’re okay,” nakangiti niyang sabi.



FINANCIAL GAIN. Makaaapekto ba kung sakaling hindi niya makuha ang P10 millon worth of prizes sa Artista Academy dahil hind naman sila kapos financially?

“Actually, yung gusto kong mangyari, pag nanalo ako ng ten million, gusto ko mabigay sa mommy ko yung ten million na yun.

“And also, parang hindi na niya kailangang magtrabaho, kasi eleven years siyang mag-isang kumakayod.

“Gusto ko namang magpahinga na siya, kasi sa Tarlac siya nagtatrabaho.

“Weekdays, nandun siya at hindi ko siya nakikita.

“So, sana dito na lang siya sa Manila para magkasama kami palagi.

“Yun ang gusto kong mangyari and I wanna be the one naman to support her this time.”



WILLIE’S OFFER. Balita namang inalukan ni Willie Revillame si Sophie na mag-co-host sa kanya sa Wil Time Bigtime.

Nangyari ang offer nang mag-guest silang finalist sa nasabing game show ni Willie sa TV5.

“Siyempre, baguhan pa lang po ako, gusto ko munang masubukan lahat ng gusto kong masubukan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero it depends on the Artista Academy and TV5 kung ano ang gusto nila.

“I know they have something planned already for all of us.

“Hindi ko lang alam kung ano yun. But I know it’s something big.”

Ano ang naramdaman niya dahil sa tatlong finalists ng Artista Academy ay siya lang ang inalok ni Willie?

“Siyempre, flattered ako, di ba? ’Wow, really?’

“Pero parang nahiya rin ako dahil I felt so on the spot.

“Pero I’m flattered na napansin niya ako, gusto niya ako sa show… sino ba naman ang hindi mapa-flatter?”

Wala bang nagsabi na baka ligawan or ma-link siya kay Willie?

“Ahmm… sinasabi nila na parang he’s like that. He makes ligaw… ganun-gano’n.

"Feeling ko naman, hindi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN