Lovi Poe on box-office success of Tiktik: "Nakakatuwa talaga na dun mo makikita ang mga suporta ng mga Filipino."

Lovi Poe on Tiktik leading man Dingdong Dantes: "I really saw it with him na magaling talaga siyang actor for him to play the bad boy pero still charming. It’s really hard and he played it so well. Since then, palagi kong sinasabi, magaling talaga si Dingdong."


Sumaglit lang si Lovi Poe sa thanksgiving party para sa pelikula nila ni Dingdong Dantes na Tiktik: The Aswang Chronicles kahapon, October 23, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Kailangan kasing bumalik agad ni Lovi sa shooting ng pelikulang The Bride and The Lover para sa Regal Entertainment.

Masaya siyempre si Lovi sa tagumpay sa takilya ng Tiktik, na kumita na raw ng P70 million sa loob lamang ng anim na araw.

Sabi ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m very thankful that I’m part of this.

“Kasi, parang ito yung pinakauna and then kasama pa ako dito.

“Wala… parang ang sarap lang ng pakiramdam.

“Nakakatuwa talaga na dun mo makikita ang mga suporta ng mga Filipino.

“Siyempre, parang alam naman nila na this is something new at yung mga Pinoy talaga, they are out to support it.”

Bukod sa computer graphics at kabuuan ng pelikula, madalas ding nababanggit at napupuri ang ipinamalas na pag-arte ng cast members.

Ano ang masasabi ni Lovi dito?

“I’m very happy naman, kasi nga kanya-kanyang character and, I feel, nadadala talaga yun ng mga kasama mo around.

“You know, kapag game lahat ang tao, parang nadadala ka rin.

“I think it’s teamwork talaga.”

ONCE. Halos dalawang taon ginawa ang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Apat na buwan ang actual shooting ng pelikula at ginugol na ang ibang panahon sa post-production.

Pero nitong nakaraang dalawang buwan ay nagsama-sama silang muli dahil sa pagpu-promote ng pelikula.

Ano ang mami-miss ni Lovi sa pagtatrabaho niya sa Tiktik?

“Siguro mami-miss ko rito is that, knowing we’re working on something na talagang quality movie.

“Because we really work in such a long time, inuna muna yung quality bago yung budget, bago yung oras, playdate.

“I think that’s one thing that I’ll miss din. Kasi ano, e, minsan lang ‘to mangyari.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANOTHER PROJECT WITH DINGDONG. Sa mga nakapanood na ng Tiktik, marami ang nakapansin na may chemistry rin silang dalawa ni Dingdong.

Natuwa naman si Lovi at sinabing, “Really? Si Dingdong kasi, magaling kasi siyang actor talaga.

“Especially kahit before pa, noong sinu-shoot namin, before watching it, I really saw it with him na magaling talaga siyang actor for him to play the bad boy pero still charming.

“It’s really hard and he played it so well.

“Since then, palagi kong sinasabi, magaling talaga si Dingdong.”

Posible kayang pagkatapos ng Tiktik ay masusundan ang pagtatambal nila?

“Well, with that part, I don’t know.

“But if given a chance, I’ll be so happy.

“Kasi siyempre, noong makapareha ko siya dito, sobrang saya ko na.”

Hindi naman malayong mangyari na magkasama sila sa isang soap opera dahil pareho naman silang Kapuso.

Sabi ni Lovi tungkol dito, “Sana, kung mabigyan ng chance.

“At saka si Dingdong naman, kahit sinong i-partner, okay.”

YESTERDAY’S BRIDE. Wala naman sigurong kokontra kung sasabihin na si Lovi na yata ang busiest actress sa taong 2012 dahil sa mga pelikulang tinapos at tinatapos niya, gayundin sa mga shows na nagawa niya sa Kapuso network.

Sa Lunes nga, October 29, ay magsisimula nang mapanood ang bago niyang afternoon series sa GMA-7—ang Yesterday’s Bride.

Kapareha niya rito si Rocco Nacino.

Biro nga ni Lovi, “Break kami ngayon ng kama ko!”

Kumusta ang Yesterday’s Bride?

“Masaya and iba yung istorya.

“Ang sarap gumanap sa istorya na about love.

“Usually kasi, about ambition, about family.

“Ito kasi, pagmamahal talaga. So, iba.”

Nanganak si Lovi sa istorya habang comatose siya.

Sabi niya, “It is possible. May mga ganun na nangyari.

“So, basically ang story, I was in a coma. May baby kami ni Rocco and then mahihiwalay ako sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos paggising ko, wala akong alam sa buhay ko.

“Iba na ang nangyayari sa akin.”

Hindi na bago na magtambal sina Lovi at Rocco dahil nagkasama na sila sa isang serye noon sa GMA-7.

May adjustment pa rin ba sa kanilang dalawa ngayon?

Sagot ng Kapuso actress, “Yung mga unang taping talaga kasi, medyo nahirapan kami. Kasi may mga intimate scenes kaming gagawin.

“Pero mabuti na lang medyo nauna yung mga intimate scenes, so we had to break the ice.

“So, na-break na namin ang ice kahit papaano, mas kumportable na kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN