PEP TALK: Dingdong Dantes "sincerely hopes" that Marian Rivera is "the one"

Dindong Dantes on how he and Marian Rivera surpassed the tumultuous phase of their relationship, "I think it’s because of the choice we both made when we decided to jump on that cliff."


Sa huling bahagi ng PEP Talk kasama si Dingdong Dantes, sinagot nito ang feed na natanggap via @PEPalerts tungkol sa umano’y sighting sa kanya na nagmamaneho kasama ang isang girl... na hindi si Marian Rivera!


Sagot ng aktor, “Ako po, bihira po ako magmaneho. Nagmamaneho ako usually Sundays lang kasi naka-off po yung nagmamaneho para sa ‘kin.

“And yung kotse na minamaneho ko, e, wala pang tint, e. So most likely... wala naman problema kung may kasama ko sa kotse, kung sinuman.

“Because, I mean, in my recollection, wala ‘kong nakakasama sa loob [ng kotse] kung hindi siya [Marian]. Pero kung meron man, e, hindi ko alam kung sino.

“Siguro, some people I work with, probably my staff o kung sinuman. Masama bang may kasama sa loob [ng kotse] na babae?” natatawang tanong ni Dingdong.

Dagdag niya, “Malay mo, kapatid ko o kung sinuman, di ba?”

“Kung sa lahat ng mga nakakakilala sa ‘kin, alam naman nila yung pagkatao ko. And I’m really not the type kasi, kasi hindi, e,” paglilinaw niya na kung iniisip man ng mga tao na may iba siyang babae ay hindi raw ito totoo.


LOYALTY. Dahil sa kanyang leading man status, hindi maiiwasang maraming babae ang ma-link kay Dingdong.

Ang tanong ni Karen Pagsolingan, managing editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ay tungkol sa loyalty niya sa primetime queen ng GMA-7.

“Si Marian na lang ba?”

DINGDONG: “Uhm, ang importante kasi pag masasabi mong successful ang relationship, e, kapag ang taong parehong involved, e, hindi nagbabago kung sino talaga sila noon.

“Kasi, kung ’yan ang nagustuhan niyo sa bawat isa nung nagkakakilala kayo o nung nag-uumpisa kayo, hindi dapat magbago yun.

“So ako, as much as possible, mine-maintain ko kung sino ako noon hanggang ngayon, yung pagkatao ko, yung mga hilig ko, kung papano ‘ko towards people, how I deal with them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hangga’t maari walang magbabago dun. But siyempre, in a relationship, there’s such a thing called compromise.

“Sometimes, there will be moments or events you’ll have to adjust but not totally to the point na nababago na yung pagkatao mo.

“So I think naman, in the years that we’ve been together, yung identity namin as ourselves, as Marian per se and as Dingdong, e, hindi nagbago ’yan.

“Kung meron man konti, slight compromise sa mga bagay-bagay na tingin namin, kailangang medyo baguhin.

“Pero that’s it, nothing main, nothing general. Definitely not a hundred percent change.”

ADJUSTMENTS. Ang sumunod na tanong ay mula kay Erwin Santiago, associate editor.

Nung unang guesting ni Marian dito sa PEP Talk, sinabi niya na sa relationship nila ni Dingdong, marami siyang in-adjust.

Sagot ng Tiktik: The Aswang Chronicles producer, “Sa totoo lang, hindi ko malalaman yun kasi, hindi ko naman siya nakasama before.

“Pero yung adjustments na nakikita ko sa kanya, hindi kumbaga, abrupt. Dahan-dahan siya. Halimbawa, yung sa mga... kasi ako marami rin akong natutunan sa kanya.

“Tapos in a way, siya, sa pagsasama namin siguro, may natututunan din siya. Nakikita ko kung pa’no siya nag-iiba ng pakikitungo sa tao.

“Kasi dati, medyo guarded siya nung nag-uumpisa siya, e. Dahil siyempre, kung ano yung nakaraan, yung sa lahat ng... dati, hindi naman siya exposed sa show business.

“Pumasok siya at biglang lahat, dumating sa kanya instantly na andun lahat sa harapan niya. So maaaring nagkaroon ng struggle on how to deal with these things slowly.

“Pero siyempre nung nandun ako, we went through it together and nakikita mo yung transformation na mas na-appreciate niya kung ano yung binigay sa kanyang biyaya.

“And sobrang happy sa mga naging realization niya na yun dahil mas lumalabas yung ano, e, yung natural niya, yung pagmamahal niya sa trabaho, yung pagmamahal niya sa tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I think yun ang mga qualities for making her the superstar that she is.”

ERWIN: “Pero ikaw, ano yung mga adjustments mo naman para sa kanya?”

DINGDONG: “Adjustment, ano ba? Hindi ko alam kung anong specific adjustment. Pero halos wala rin naman, so far...

“Pag may maisip ako, ite-text ko kayo mamaya. Hindi, pero sa ngayon, wala talaga ‘kong maisip, totoo, honest! Honest talaga, wala ‘kong adjustment.

KAREN: “Pero pag nag-aaway ba kayo… Ganito na lang, sa relationship niyo, sino ba ang mas mapagpasensiya?”

Natatawa si Dingdong bago sumagot, “Pasensiya? Pareho. Pareho naman yata, pareho naman yata.”

KAREN: “Walang nakakalamang? Walang nagbibigay parati o umiintindi parati?”

Ani Dingdong, “Hindi, ano ’yan, e. Siguro biased, e. Puwede kong sabihing ako, di ba?

“Tapos siya sasabihin niya, siya. Kasi, hindi ko na-check yung last tally namin, e. Meron kaming ganun-ganun, e, score,” pagbibiro niya.


DARK SIDE.

ERWIN: “Eto. Sa dalawang movies mo, yung Segunda Mano, medyo dark yung character mo, and eto [Tiktik], may pagka anti-hero kasi maangas ka dito, pumapatol sa bata.

“Sa totoong buhay ba ay may dark side o wild side si Dingdong Dantes?”

May halong biro ring sagot ni Dingdong, “Alam mo ako, hirap na hirap ako, hirap na hirap akong gawin ‘tong role na ‘to, grabe.

“Sobrang, ay naku, yung preparation ko dito, months. Sa mga 20 months, 10 yung preparation, 10 yung shooting.

“Hindi, ano naman... Sa bawat character na ginagawa ko, I make sure that I insert and I bring in something that is truly me or truly, siguro kung ano ba yung totoo kong pagkatao.

“Tapos, e, kung saan siya dun kapag pinanood niyo, e, sila na lang bahalang mag-isip kung sino talaga ko dun.”

ERWIN: “Pero, mabilis bang uminit ang ulo mo o bibihira?”

DINGDONG: “Siguro masasabi ko, medyo yung traits ng isang Leo, marami sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, bihira magalit pero mahaba kasi yung pasensiya ko. Pero kapag medyo nagalit, ibig sabihin, may dahilan na talaga dahil medyo sumusobra na talaga.”

ERWIN: “Siguro yun na yung sagot natin kanina kung sino yung mas mapagpasensiya.”

DINGDONG: “Hindi, Leo din siya [Marian], Leo din siya.”


IS MARIAN ‘THE ONE’?

KAREN: “Dong, kasi yung relationship niyo ni Marian, alam naman ng lahat na nagsimula siya nang medyo tumultuous, no, medyo maalon...

“And you seem to have overcome that phase. What did you do? There was a time that the public was even, ay, parang bakit ganun, ganyan, sa inyong dalawa.

“How did your surpass that phase in your relationship?”

DINGDONG: “I think it’s because of the choice we both made when we decided to jump on that cliff.

“Kasi siyempre, alam naman namin what we expect, and as long as magkasama kami and our feelings are genuine, are true... kumbaga, sobrang nakakakita kami ng magandang pupuntahan, e, itutuloy talaga namin.

“So, I think yun lang naman. Tsaka, wala nang negativity, wala ng anything, we’re just, we just really wanna be happy and, you know, inspire each other.

“Ganun lang. Kaya siguro yun din ang isa mga dahilan kung bakit yung alon, medyo nag-number two lang.”

KAREN: “Tapos ang relationships mo kasi parang ang pattern, ang tatagal, di ba? Ikaw ba masasabing one-woman man ka?”

Seryosong sagot ni Dingdong, “Ako? Oo, yeah. Yes.”

ERWIN: “Pero ang tanong ng marami, kelan ang kasal? Hindi nawawala ’yan. And is Marian Rivera ‘the one’?”

DINGDONG: “Kahit kami, hindi pa namin napag-uusapan yung mga ganung bagay specifically, especially for now.

“Kasi siyempre, we always believe there’s a proper time for that. And siyempre, with God’s intervention, dun namin malalaman talaga ang lahat.

“But to answer your question, ‘Is she the one?’ I sincerely hope so.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KAREN: “Itutuloy mo ba talaga yung military wedding?”

DINGDONG: “I’m praying to get my promotion this year. So in case na yun ang mangyari, baka yun ang maging senyales.

“Pero it’s a…dream ko yun. So might as well, di ba?”

KAREN & ERWIN: “E, parang may hesitation si Marian, e.”

DINGDONG: “Okay lang, okay lang. Gaya ng sinabi ko, yung mga ganung specifics e, sa ’kin pa lang yun.

“E, iba naman siguro yung opinyon niya, so, hindi pa talaga namin napag-uusapan yun.”

KAREN: “So right now, at this stage, no, sasabihin na natin na si Marian Rivera na nga ang gusto mong makasama panghabambuhay, no?

“Dong, siguradong-sigurado ka na ba na si Marian Rivera ang babae na dadalhin mo sa altar?”

DINGDONG: “Hindi naman siguro kami tatagal ng ganito kahaba rin kung hindi ko gustong mangayari yun.

“And masasabi ko na gustung-gusto kong maging posible yung isang event na ’yan. Like what I always say, I sincerely hope so.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN