Mikael Daez on being sexy and daring: “Ako, very spontaneous ako. Kung nararamdaman mo, go!”

Bukas ang isipan ni Mikael Daez sa pagpasok sa mundo ng pulitika tulad ng kaibigang at kasamang si Ervic Vijandre. Pero sabi ni Mikael, “So parang ngayon, sobrang konti pa yung kaalaman ko sa political world… yung industry. And ngayon, yung showbiz industry pa lang, parang ang dami ko pang nalalaman at natutuklasan, so for now, dito muna.”


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael Daez sa taping ng Sana Ay Ikaw Na Nga noong Lunes, October 22, sa Forest Hills, Antipolo.

Masayang nagkuwento si Mikael sa mga kaganapan sa afternoon drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan nila ni Andrea Torres.

“Ang dami kong puwedeng sabihin.

“Nakuha na kasi namin ang [script ng] week nine right now.

“Tine-tape namin isang malaking chunk ng week eight, tapos konting week nine, na eksena.

“Ang gaganda ng mga eksena namin, e.

“Every week, kung mapapansin ng mga viewers, laging may highlight talaga.

“Week six or five yata yung wedding na confrontation… dun nakita yung sunog na mukha niya [Andrea as Cecilia].

“Tapos yung susunod na week, yung next confrontation nila like yung sa hot air balloon, tapos yung isa pang confrontation nila the following week.

“Iyon yung nasa party, pagkatapos ng hot air balloon.

“Lahat sakop dun, e. Kapag pumasok na yung dalawa, lahat yun sakop na.

“Damay kaming lahat so parang all-star cast, and at the same time, mahirap na masaya siyang i-shoot.

“Technically ay ang hirap niya… very draining siya!

“Pero at the same time, lagi kong sinasabi sa kanila…

“Ang saya kasi lahat magkakasama lahat and for me, jibe na jibe yung cast namin dito and big plus iyon.

“Ender ng week nine, na-excite ako.

“Kasi rinig ko, iyon na yung simula na malalaman ko na iba, may nag-switch talaga.

“Iyon yung may darating ng mga confirmation, sasabihin ko, ‘Ay, may nangyari!’” masayang kuwento ni Mikael.



IDEAL AGE. Marami nang beses ng ikinasal sa mga soap opera si Mikael.

“Sa My Beloved ikinasal ako... twice ako ikinasal sa My Beloved.

"Dito [Sana Ay Ikaw Na Nga], isang beses.

“Well, technically, dapat apat[na] kasi parang dapat kami ni Olga [Chynna Ortaleza], yung first week magpapakasal, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tunay na buhay, ano ang ideal age ni Mikael na magpakasal?

“Alam mo, before when I was in college, sinasabi ko mga twenty-eight… twenty-nine… before thirty.

“So kahit twenty-nine, okay lang.

“Pero ngayon na nagwo-work ako, parang nag-iiba.

“Parang mas may… papakiramdaman ko muna, go with the flow muna.

“Sa ngayon, hindi ko pa masabi.

“Kasi now that I talk to more people na mas senior sa akin, mas experienced, parang umiiba yung pananaw ko, e.

“Nakalimutan ko kung sino yung nakausap kong artista…

“Pero sabi niya na, ‘Alam mo, I was exactly like you na binigyan ko yung sarili ko ng limit.

“’Pero as you get older, nakita mo na walang katuturan yung limit, e. Kung nararamdaman mo, mararamdaman mo.’

“So sabi ko, ‘A, okay…’ Alam mo that makes more sense, di ba?”



MERCATOR FAVORITES. Dalawa raw ang top favorites ngayon sa Mercator Artist & Model Management Agency na pag-aari ni Jonas Gaffud—isa na raw rito si Mikael kasama ang baguhang si Benjamin Alves.

Ano ang comment ni Mikael at hindi ba siya nai-insecure?

Tumawa muna siya bago sinabing, “No, no, no!

“Tinanong na rin yata sa akin yun kay JC Tiuseco nung pumasok ako, e. Same answer.

"The thing is, with yung feeling ko sa mga ka-agency ko is that, sila yung bros ko, sila yung brothers ko…

“Na talagang we will defend each other, we’re there.

“So kunwari may event, sila yung sasamahan ko, sila yung una kong pupuntahan.

“Of course, baka may iba akong friends, pero kumportableng-kumportable na ako sa kanila.

“And Ben is now a part of that… matagal na kaming magkasama.

“I think we’ve known each other for several months already, di ba?

“So for me, brothers ‘yan—bros ‘yan!

“So si Ben is a bro… JC. Sila naman talaga yung nakita ko, e—Ben and JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Ervic [Vijandre], hindi ko na masyadong nakikita, ’coz I think he’s busy with basketball na yata.

“Si Fabio [Ide], nakikita ko pa rin, so Fabio, JC, Ben—sila yung nakikita ko ngayon, so that doesn’t change naman.”



JOINING POLITICS. Si Ervic ay tatakbong konsehal ng Taguig.

“Narinig ko nga, e! Seryoso? Nag-file na siya?” gulat na sabi ni Mikael.

“Di ba? Ang laki pa naman ng sakop ng Taguig.”

Si Mikael ba, hindi naisip pumasok sa pulitika?

“Alam mo, naisip ko yun.

“Marami na akong nakausap. So marami na akong natanong… marami na akong kuwentong narinig.

“Sa ngayon, hindi ako ready, e.

“It’s not something I want to do yet, pero I’m keeping my mind open kasi it sounds interesting.

“Pero sa ngayon, wala, e… wala, e.

“So parang ngayon, sobrang konti pa yung kaalaman ko sa political world… yung industry.

“And ngayon, yung showbiz industry pa lang, parang ang dami ko pang nalalaman at natutuklasan so for now… Dito muna.”

Pero may interes siya?

“Parang naiintriga ako, and I don’t wanna close my doors.

“Parang sa ngayon, keep it open lang.

“Pero if ever mangyari, I don’t think it’s gonna happen anytime soon.”



SEXY AND DARING. Napag-usapan naman ang recent na pagrampa ni Mikael sa Cosmo Bachelor Bash.

Talaga bang huli na niyang pagrampa iyon sa Cosmo?

“Hindi ko nga alam, kasi masaya na ako, e.

“Masaya na ako dun sa nagawa ko, e, so hindi ko pa alam.

“Sa ngayon, parang ninanamnam ko muna yung nagawa ko doon.

“Kasi natutuwa ako na nagustuhan ng mga tao.”

Umaasa ang marami sa mas higit na pagpapaseksi ni Mikael. Posible kayang pagrampa niya next year ay mag-trunks na siya or skimpy underwear?

Sagot ng model-actor, “Hindi ko alam, we will see.

“Kasi matagal ko nang sinasabi ayokong sumali sa mga ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, biglang parang two weeks before, napa-oo ako!

“And doon, parang talagang spontaneous iyon.

“Ako pa ang nagdala ng sarili kong damit, ako lang yung gumamit ng sarili kong damit doon—lahat.

“Yung iba, ibinigay.

"Sabi ko ‘A, hindi… akin na lang yung gagamitin ko, okay lang?’”

Bakit hindi niya ibinaba ang pantalon niya ?

“Hindi ko napanood yung mga dating Cosmo, e.

“So sabi ko, go with the flow.

“Ipapakita ko na lang yung personality ko, so at least kaya natutuwa ako.”

Kaya ba niya ang almost nudity na pictorial?

“Hindi ko alam kung kaya ko yun, e.”

Kahit ang pagta-trunks or pagsusuot ng underwear, mula nang maging artista siya ay never pa raw niyang ginawa.

“Baka wala pa sa time, I don’t know, hindi ako sure, e.

“Ako, very spontaneous ako. Kung nararamdaman mo, go!

“Pero kung hindi, maybe it’s not time yet.

“So I guess ganun ang pananaw ko sa Cosmo.

“Next year, I mean masaya siya, we’ll see, we’ll see.

"Sobrang nag-enjoy ako doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN