Gabby Eigenmann approves of Jake Ejercito for sister Andi: "It takes a real man to accept whatever package that a girl has—kung ano ang dinadala niya."

Malaki ang posibilidad na pagkatapos ng maraming taon ay mabibigyan na rin ng network contract si Gabby Eigenmann sa GMA-7. Saad niya, "I think they’re in the process of working out my contract. After fifteen, sixteen years of being in the business, I feel like na this is the time that I feel that I’m wanted. So natuwa naman ako."


Kontrabida na naman ang role na ginagampanan ni Gabby Eigenmann sa afternoon soap ng GMA-7 na Sana Ay Ikaw Na Nga.


Pero bago ito ay naranasan na niyang maging bida sa drama series ding Broken Vow.

Ano ang mas gusto ni Gabby na papel niya, mabait o kontrabida?

Sagot niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Alam mo, love ko talagang maging kontrabida, e.

“So happy ako dahil, for me kasi, doing a villain role, mas maraming dimensions for me, e.

“I need not to be nakakaawa, pero on the other hand, frustrated dramatic actor talaga ako.

“And pag binigyan ako ng pagkakataon, which is iyon nga, sa Broken Vow...

“Iba din, e, ’coz I love to cry. I love to show the sensitive side of Gabby Eigenmann.

“So kung mabibigyan ako ng pagkakataon to do another good guy role, iba naman yun, another opportunity na wini-wish ko ulit.

“Pero nag-e-enjoy ako talaga, e, pag villain, antagonist… ang sarap, e, kasi puwede mong laruin.”

Nag-e-enjoy siya sa villain roles, ibig bang sabihin mas hirap siya kapag mabait ang role niya?

“Siguro. Baka kasi nakanasayan ko na na maging masama, e... nakasanayan ko na.

“Kahit naman sa Broken Vow na mabait ako—the first two, three weeks—feeling talaga nila magiging masama ako, e.

"So given na yun na parang they expect me to be the bad guy.

“Siguro, iyon nga, pag nabigyan ako ng pagkakataon to be good, challenge yun… challenge yun.

“Kasi ang dami, e. You have to change everything—physically, mentally, attitude.”



NO CONTRACT. Walang kontrata sa GMA-7 si Gabby.

“Kay Perry lang,” pagtukoy ng aktor sa kanyang manager na si Perry Lansigan.

Hindi ba siya nagde-demand na mabigyan ng network contract?

“Hindi.

"Well, kaya nga the good thing about that, I think they’re in the process of working out my contract.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After fifteen, sixteen years of being in the business, I feel like na this is the time that I feel that I’m wanted.

“So natuwa naman ako.

“Kasi kahit naman, with or without, natutuwa ako kasi tuluy-tuloy ang bigay ng proyekto sa akin ng GMA kaya ako loyal.”

Hindi ba siya nainis na for so many years ay wala siyang kontrata sa GMA-7?

“Hindi naman, kasi ganoon din, e—respeto.

“Even if the other network would want to get me for guestings, I always make it a point na nagpapaalam ako.

“Pag hindi ako payagan, okay lang.

“Napapalitan naman ng ibang proyekto, so parang ganun din, e.

“I feel like I’m exclusive ako kahit walang kasulatan."

Mabuti hindi siya nate-tempt lumipat?

“Hindi! Loyal lang… loyal lang talaga.

“Give and take. They’ve shown me and they’ve made me feel that I belong.

“And same thing, I feel like I’m at home so whether it was written or not…

“Ang ipinapakita naman sa akin, parang talagang homegrown talent ako ng GMA, which is natutuwa ako.”



SISTER ANDI. Gaano sila ka-close ng half-sister niyang si Andi Eigenmann?

“Sobrang close! Sa sobrang close namin, hindi ako naka-attend ng premiere night niya kagabi,” sabay tawa ni Gabby.

Ang pelikula ni Andi na A Secret Affair ang tinutukoy ni Gabby.

Galit ba siya kay Albie Casiño, na sinasabing ama ng anak ni Andi?

“Bakit ako magagalit?

"Masama ang loob ko. Pero galit? It’s an understatement!” ang natatawa nitong sagot.

Tila naka-move on na yata si Albie?

“A, kung siya, mag-move on na siya, di good for him!”

Si Andi ay parang naka-move on na rin at maganda ang takbo ng showbiz career ngayon.

“Double good for her!” bulalas ni Gabby.

Si Gabby, hindi pa rin nakaka-move on?

“Well, kasi right ko naman yun bilang kapatid, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero wala naman akong gagawin, wala akong balak gawin din na...

“But you know, logically, the whole family felt bad, pero we didn’t do anything about it.

“Especially we didn’t divulge ourselves in public saying na, ‘Uupakan namin ‘yan!’ You know what I mean?

“You know, kami… sige, we’ll just let it pass.

“Ang ano ko lang, kapatid ako, e.

“I could have done more, I could have done more than people should expect.

“But then again, iyon nga, we think before we react.

"And I hope that our reaction made the statement by itself, na hindi ka namin papatulan.”

Masaya raw si Gabby sa bagong lovelife ni Andi ngayon—ang anak ni dating Pangulong Joseph Estrada na si Jake Ejercito.

“Oo, mas approved nga kami, e! Nakita mo naman ang ngiti ko, di ba?”

Boto si Gabby kay Jake?

“Oo naman! Alam mo, what Andi’s experiencing now... kasi ganun din ako, e.

“Kunyari, halimbawa, kung anuman yung kinatatayuan nung lalaki with regards to Andi, I see myself in him kasi instant family ako, e, di ba?

“I have two stepkids… tanggap ko yun nang buung-buo—walang dugo-dugo.

“Ang sa akin, it takes a real man to accept whatever package that a girl has—kung ano ang dinadala niya.

“Package, not baggage—package iyon, e.

“Hindi burden yun, e. Ang baggage kasi considered burden, kaya package.

“Kumbaga, you love this person, you love what comes along with her.

“Dun ako nabilib kasi, in spite of… habang nandun pa sa tiyan si baby Ellie, he’s been there.

“Natuwa naman ako dahil, we respect his family and the family respects us.”

NO TO POLITICS. Natanong naman ng PEP si Gabby kung wala ba siyang balak pumasok sa pulitika.

“Wala… hindi ako talaga hilig.

“Tagal na ‘yan, dati pa. Sa Pampanga pa lang—we have a house in Porac.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming artista ang sumasabak na sa pulitika, bakit ayaw niya?

“Sasama ba tayo sa uso? Parang Zagu lang ’yan, parang Magnum, tsaka milk tea,” sabay tawa ni Gabby.

“Hindi... ang sa akin lang, if there are other ways of helping people, if there are other ways of helping the community.

“Why not Dingdong Dantes?

“He’s been helping not just the circle of Yes Pinoy, kung tutuusin buong bansa tinutulungan naman niya."

Itinatag ni Dingdong Dantes ang Yes Pinoy Foundation na tumutulong sa mga kabataang nangangailangan ng kalinga at suporta.

“He need not run in office, di ba?

“May ganun talaga, kasi there are some people na genuine yung concern nila, yung pagmamahal nila sa bansa.

“Hindi naman kailangang umupo para makapag-serve and I could be that person, too.”

Walang Eigenmann na nasa politics.

“Wala… hindi namin nakahiligan.

“Pero ang daming offer... simula sa lola ko [Rosemarie Gil], sa daddy ko [Mark Gil], maraming nag-o-offer, pero it’s not our thing.

“That’s why we stuck in showbiz because this is what we do best.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN