Coco Martin on pursuing his lovelife after Walang Hanggan: “Hindi pa nga ako nakakatulog, paano ako magkakaroon ng lovelife?

Para sa isang actor tulad ni Coco Martin, ang bawat project na ginawa ay nagiging dagdag sa karanasan sa buhay. Sabi ni Coco: “Malaki ang naitulong sa akin ng Walang Hanggan—nahulma yung talent at pakikipagkapwa tao ko. Dati kasi mahiyain ako, ngayon natuto na akong makipag-bonding sa kapwa ko.


Bagamat malapit nang matapos ang nangungunang primetime series ng ABS-CBN na Walang Hanggan, magtutuluy-tuloy pa rin ang tambalan ng mga bida ritong sina Coco Martin at Julia Montes.

Isang pelikula ang nakatakdang gawin nina Coco at Julia na sisimulan nila bago matapos ang taong kasalukuyan.

Inanunsiyo ito mismo ni Coco sa thanksgiving concert nila na Walang Hanggang Pasasalamat noong Linggo, October 21, sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpahayag ng excitement ang dramatic actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News tungkol sa pelikulang gagawin nila ng young actress.

Sabi niya, “Pinag-uusapan na namin kung ano ba ang hindi pa namin naipapakita sa Walang Hanggan.

“Siyempre si Julia, mag-e-eighteen na next year so mas matured na yung istorya.

“Napakarami pa na puwede niyang ipakita ngayon, mas wala nang limitasyon.”



TIME FOR LOVE. Ngayong tapos na ang taping ng Walang Hanggan, mahaharap na kaya ni Coco ang buhay pag-ibig?

Tanong din niya, “Lovelife?

“Hindi pa nga ako nakakatulog, paano ako magkakaroon ng lovelife?

“After nito, baka unahin namin yung movie namin ni Julia.

"Sana matuloy din yung sa amin ni Marian [Rivera] pati yung kay Judy Ann [Santos].

“Akala ko nga rin makakapagbakasyon ako... wala pala.

“Marami pa akong gagawin... marami akong hindi nagawa dahil sa teleserye.”



MEMORABLE EXPERIENCE. Ngunit sa kabila nito, aminado si Coco na malaki ang naitulong ng Walang Hanggan sa kanyang propesyon at sa relasyon niya sa ibang tao.

Sabi niya, “Malaki ang naitulong sa akin ng Walang Hanggan... nahulma yung talent at pakikipagkapwa-tao ko.

“Dati kasi mahiyain ako, ngayon natuto na akong makipag-bonding sa kapwa ko.

“Mami-miss ko yung bonding namin nang sobra, lalo na si Tita Susan [Roces], kami nila Ms. Dawn [Zulueta]... yung kuwentuhan.

“Basta pamilya talaga kami dito.

“Iba talaga ito. Hindi lang sa ganda ng sobrang pinaghirapan kong trabaho, kundi yung experience din na makatrabaho sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang sa akin kundi para sa lahat ng bumubuo ng Walang Hanggan—napakasarap sa pakiramdam.”



TOP LEADING MEN. Marami ang nagsasabi na kahilera na ni Coco Martin sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz sa mga top leading men ng Kapamilya network.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Thank you, pero ako naman kasi, sinisipagan ko talaga.

“Hindi ko iniisip yung mga ganung mga bagay.

“Gusto ko naka-focus ako sa project... yun lang ang concern ko.

“Kung anuman ang status ko bilang artista, hindi ko iniisip yun.

“Basta masaya na ako na naa-appreciate ako ng tao,” saad ni Coco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN