Gerald Anderson on working again with Kim Chiu: "Bumalik yung mga dating memories at naging sobrang kumportable kami sa isa’t isa."

Balik-tambalan sina Gerald Anderson at Kim Chiu sa pelikulang 24/7 In Love, na 20th anniversary presentation ng Star Magic. Sabi ni Gerald, “Sobrang excited kasi para sa mga Kimerald fans din yun, e. Reunion namin yun para sa kanila at para sa anniversary ng Star Magic. At sana magustuhan ng mga tao yun.”


Rumampa si Gerald Anderson, kasama sina Sam Pinto at Xian Lim, sa fashion show ng ini-endorse nilang clothing apparel noong Martes, October 23, sa SMX Mall of Asia.

Ang fashion show ng MINT ay kaugnay ng isinasagawang Philippine Fashion Week.

Tinilian nang husto ang pagrampa ni Gerald lalo na nang sumayaw siya sa saliw ng OPM songs. Tinanggal din niya ang suot niyang polo at ang tanging natira ay ang pantalon at sando niya.

Matapos ang fashion show ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Gerald.

Ayon sa Kapamilya young actor, pagdating sa fashion ay mas kumportable siya sa pagsusuot ng simpleng mga kasuotan.

“Eto, kung ano yung suot ko ngayon. Kung puwede nga lang naka t-shirt ako palagi, mas gusto ko ito.”

Ano ang pakiramdam niya habang rumarampa siya sa stage?

“Ayun nga, feeling nag-macho dancer ako kanina habang rumarampa sa stage!” natatawang sabi ni Gerald.

Ano naman ang pakiramdam na panay ang hiyawan ng mga manonood habang rumarampa siya?

“Nakakahiya nga, e. Spur of the moment lang yun, e, impromptu… bumagay naman sa kanta.”



MATT EVANS. Kinuha rin ng media ang reaksiyon ni Gerald tungkol sa pinagdadaanan ngayon ng kaibigan at ka-batch niya sa Pinoy Big Brother Teen Edition na si Matt Evans.

Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Matt sa kulungan noong October 22 matapos siyang arestuhin dahil sa akusasyong pananakit diumano ng kanyang live-in partner na si Johnelline Hickins.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Gerald, “Siyempre nakakalungkot.

“Pero alam mo yun, they can’t put a good man down, e.

“Okay lang yun, isang pagsubok lang yun sa buhay ni Matt.”

Hindi rin daw naniniwala si Gerald sa mga paratang sa kanyang kaibigan.

“Matagal ko nang kilala si Matt, napakabait na tao nun. Napakabait niya.”

Nakausap na ba niya si Matt tungkol sa nangyari?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa… hindi pa.”

Kung magkakausap sila, anong advice ang ibibigay niya rito?

“Ayun lang… just be strong at magdasal palagi.”



SHAINA MAGDAYAO. Samantala, hindi pa rin mamatay-matay ang balita na may namamagitan daw sa kanila ni Shaina Magdayao.

Kaya naman sabi ni Gerald nang matanong muli dito: “Ayun pa rin ba? Yun pa rin ba ang pag-uusapan natin?

“Hindi... hindi. Hindi totoo yun.”

Sinabi ng kapatid ni Shaina na si Vina Morales sa isang interview, kung totoo daw na sina Shaina at Gerald ay okay lang sa kanya.

Ano ang masasabi ni Gerald dito?

“Okay, thank you. Pero wala pong katotohanan yun,” diin niya.

Pero magkaibigan ba sila ni Shaina ngayon?

“Yeah, yeah… lahat kami nag-ASAP sa Singapore. Lahat kami magkakasama doon.”

Sa palagay niya, bakit sila nali-link ni Shaina?

“Hindi ko rin alam, e. Kasi kung ano yung alam n’yo, yun din ang alam ko, e."



KIM CHIU. Sa pelikula naman ay balik-tambalan sina Gerald at Kim Chiu.

Kasama sila sa 20th anniversary presentation ng Star Magic na 24/7 In Love.

Kuwento ni Gerald, “Ayun, two days ago, katatapos lang ng shoot namin ni Kim… last day namin ni Kim.

“Sobrang excited kasi para sa mga Kimerald fans din yun, e.

“Reunion namin yun para sa kanila at para sa anniversary ng Star Magic.

"At sana magustuhan ng mga tao yun.”

Hindi kaya manumbalik ang pagmamahalan nila ni Kim dahil sa pelikula?

“Alam n’yo, pag napanood n’yo yung mga eksena namin sa movie, balikan n’yo ako kung ano sa tingin n’yo.

“Nung nakasama ko si Kim sa movie, bumalik yung mga dating memories at naging sobrang kumportable kami sa isa’t isa.

“Nakakatuwa nga na sa first day ng shooting namin ni Kim sa Star Magic, parang fiesta kasi ang daming fans na may dala ng pagkain at bumisita sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa na ang tagal naming walang project ni Kim, pero nandiyan pa rin sila para sa amin.”

Ito na ba ang simula na makikita silang muli na magkasama sa ibang proyekto?

“Maybe… maybe. Why not? Open naman kami pareho sa ganun. Why not?” sabi ni Gerald.

Sinabi ni Jericho Rosales na kung sakaling gawan ng remake ang teleserye nila noon ni Kristine Hermosa na Pangako Sa ‘Yo, gusto niyang sina Gerald at Kim ang gumanap.

Fan daw kasi ang aktor ng Kim-Gerald loveteam.

Sabi naman ni Gerald tungkol dito, “Wow, grabe! Napaka-overwhelming nun.

“Coming from Jericho Rosales mismo, napakalaking bagay ‘yan para sa ‘kin.

“Kaibigan ko rin si Jericho at idol ko yun—siya talaga ang idol ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN