Julia Montes grateful to Walang Hanggan for opportunity to show the side of her that’s not the contravida

Julia Montes on success of Walang Hanggan: “Noong simula nga, maraming nagda-doubt, pero heto nga. Nagpapasalamat kami dahil tinangkilik talaga yung loveteam namin.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia Montes pagkatapos ng thanksgiving concert ng Walang Hanggan noong Linggo, October 21, sa Smart Araneta Coliseum.

Matatapos na kasi sa susunod na linggo ang pinagbibidahan nilang primetime series sa ABS-CBN, kaya nagsagawa ng concert na pinamagatang Walang Hanggang Pasasalamat para sa kanilang mga tagapanood.

Sabi ni Julia, “Siyempre, in a way, pasasalamat namin yun ni Coco sa mga sumuporta sa amin.

“Noong simula nga, maraming nagda-doubt, pero heto nga.

“Nagpapasalamat kami dahil tinangkilik talaga yung loveteam namin.”

FROM TELESERYE TO MOVIE. Hindi naman mabibitin ang mga tagahanga ng tambalan nina Julia at Coco dahil pagkatapos umere ng Walang Hanggan ay sisimulan na ang pelikulang pagsasamahan nilang muli.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Coco, sinabi nito na isang "mas mature" na Julia ang mapapanood sa pelikulang pagtatambalan nila.

Nang tanungin namin si Julia tungkol dito ay tumanggi siyang magbigay ng detalye.

“Ay, oo... basta abangan ninyo kung ano ang gagawin namin dun.”



PERSONAL REWARD. Lahat ng cast members ng Walang Hanggan ay nagsasabing hindi biru-biro ang effort na ibinigay nila sa serye.

Sa kaso ni Julia, kahit tapos na ang taping nila ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho.

Sabi niya, “Hindi ako makakapagbakasyon. Mayroon akong U.S. tour, tapos mag-i-start na kami ng movie ni Coco."

Anong reward naman ang gusto niyang ibigay sa sarili pagkatapos ng paghihirap niya sa Walang Hanggan?

“Reward? Wala akong masasabi na gusto kong i-reward sa sarili ko.

“Kasi ito pa lang—rewarding na natapos namin nang maayos yung soap at sobrang ganda ng feedback ng tao.

“Siguro, para sa akin, wala na akong hihilingin pa.”



LEARNING EXPERIENCE. Ibinahagi rin ni Julia ang magandang epekto sa kanya ng Walang Hanggan.

“Nabigyan ako ng pagkakataon na ipakita yung iba kong side.

“Dati, bilang kontrabida as Clara [sa Mara Clara], ngayon bida naman na inaaapi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thankful talaga ako na napasama ako sa istorya pa lang, sa cast pa lang, Walang Hanggan na.

“Kumbaga, lalo akong na-inspire na talagang pagbutihan at galingan ko pa para hindi naman nakakahiya rin sa mga kasama ko.”



COMPARISON. Humahataw rin sa ratings ang Princess And I, na pinagbibidahan naman ni Kathryn Bernardo, ang matalik na kaibigan at co-star ni Julia sa Mara Clara.

Sabi ni Julia, “Siyempre, masaya ako bilang ate at best friend niya.

“Tulad nga ng sinabi ko noon, ’Nung simula, pinag-clash kami, pero hindi talaga kami magka-clash dahil magkaibigan kami.’

“At nakita n’yo naman na puwede namang maging top-rating yung soap nang hindi kami pinagkukumpara.”

Nauugnay ngayon si Kathryn sa kapareha nitong si Daniel Padilla.

Bilang malapit na kaibigan ni Kathryn, boto kaya si Julia sa young actor?

“Ay, si Daniel? Naku, sinabihan ko siya na huwag niyang sasaktan si Kathryn!” sabay tawa ni Julia.

“Nakatrabaho ko na si Daniel sa Gimik 2010, siya yung loveteam ko dun.

“Kilala ko na siya, mabait and talagang sweet—wala akong hindi gusto sa kanya.

“Kung boto ako? Oo naman."

Bilang magkaibigan, may usapan ba sila ni Kathryn kung anong taon sila puwede nang mag-boyfriend?

Sagot ni Julia, “Wala, basta ang sabi ko sa kanya, dapat alam niya yung limitations.

“Puwedeng maging happy, but ingat lang sa puso bilang ang heart ay mahirap ma-break.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN