Actress-director Gina Alajar clarifies rumors surrounding her afternoon soap Magdalena

Gina Alajar on her two protégés who won in Protégé: The Battle For The Big Artista Break: “Isa sa pamantayan sa pagpili kina Thea at Jeric ay kung puwede ba silang ilaban sa competition against so many who auditioned. At kailangan din na may paniniwala ako sa kanila. Kasi labanan ito ng marami at hindi natin alam kung mag-i-standout ba sila from the rest or baka mapag-iwanan sila. Pero may tiwala ako talaga sa da


Masayang-masaya ang actress-director na si Gina Alajar sa pagkapanalo ng kanyang dalawang napiling protégés mula sa South Luzon—sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino.

Parehong taga-Calamba, Laguna ang dalawang grand winners ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

(CLICK HERE to read related story.)

Bilang mentor ay nakatanggap si Direk Gina ng P500,000 dahil naiwan sa kanya si Thea.

Si Jeric naman ay napunta sa kapwa mentor ni Gina na si Jolina Magdangal-Escueta dahil sa isang naganap na twist sa naturang contest. Kaya nag-uwi rin ng P500,000 na premyo si Jolens.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Gina sa set ng Magdalena: Anghel Sa Putikan sa Luxent Hotel along Timog Avenue, Quezon City, ipinahayag niya ang labis na katuwaan sa pagkapanalo ng kanyang dalawang protégés.

Sabi ng actress-director, “Isa sa pamantayan sa pagpili kina Thea at Jeric ay kung puwede ba silang ilaban sa competition against so many who auditioned.

“At kailangan din na may paniniwala ako sa kanila...

“Kasi labanan ito ng marami at hindi natin alam kung mag-i-standout ba sila from the rest or baka mapag-iwanan sila.

“Pero may tiwala ako talaga sa dalawang ‘yan… of course, sa iba kong pang protégés na sina Mykel Ong at Arny Ross.

“But in this contest, let’s face it, suwertihan talaga. It just so happens na ang sinuwerte ay sina Thea and Jeric.

“Masayang-masaya ako sa kanilang dalawa dahil nakita ko ang kasipagan ng dalawang ‘yan mula pa lang sa simula.”

EYE FOR WINNERS. Ikinuwento rin ni Direk Gina kung paano niya napili sina Thea at Jeric sa maraming nag-audition sa South Luzon.

“Gusto ko si Thea from the start kasi bata pa. Marami pang puwedeng gawin sa kanya.

“Marami rin siyang nakasabay na magaganda, kasing-edad niya, at may talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nakaagaw-pansin sa akin talaga si Thea kaya isa siya sa napili ko.

“Si Jeric naman, una ko pa lang nakita sa audition, mukhang artista na talaga—matangkad, guwapo, may talent... total package siya.

“Malakas ang dating ni Jeric.

“Kaya hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanilang dalawa.

“Alam kong kakayanin nila ang pressure nung contest. Nandiyan naman kami to guide them and show them kung ano ang dapat at hindi dapat.”

At dahil sa pagkapanalo nina Thea at Jeric, marami nang mga projects ang naka-lineup sa kanila. Kabilang na rito ang pagbabalik ng teen series ng GMA-7 na TGIS: Thank God It’s Sabado.

Sabi ni Direk Gina, “With proper training and the right attitude, they will make it.

“Hindi pa sila gano’n kagaling dahil nagsisimula pa lang sila.

“Pero they will get there kasi gusto nilang matuto at ‘yan ang magandang pag-uugali ng isang baguhan.”



MAGDALENA. Puspusan ngayon ang pagdidirek ni Gina sa Magdalena, kunsaan gumaganap sa title role si Bela Padilla.

Pero may balita na kailangang baguhin ang kuwento ng Magdalena dahil hindi raw ito masyadong kinakagat ng manonood.

Among the shows ng GMA Afternoon Prime, ang Magdalena ang may pinakamababang rating kaya kailangan daw remedyuhan nila.

Sabi ni Direk Gina tungkol dito, “Actually, hindi naman binago ang story ng Magdalena. We enhanced and nilinaw lang ang ibang characters.

“We rearranged some of the scenes lang, pero yun pa rin ang story niya.

“Okey naman ang taping namin.

“May nakarating nga sa akin na nag-stop taping kami dahil kailangan ayusin ang storyline ng Magdalena.

“Hindi naman kami tumigil sa taping.

“Maayos naman ang story as we go along. May mga scenes lang kami na papalakihin pa,” diin niya.

BELA PADILLA. Kumusta naman si Bela sa kanyang pagbibida sa Magdalena?

“Bela is very cooperative," sagot ni Direk Gina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakatrabaho ko naman na ‘yang si Bela when we did Machete. Idinirek ko na sila ni Aljur [Abrenica] and she’s okay.

“Marunong makinig ang bata.

“Tapos nagkasama pa kami sa Hiram Na Puso kaya kahit papa’no, I know how she works.

“Sa simula pa lang naman, noong mag-story conference kami ay kinausap ko na siya.

“Since this is her biggest role to date, kailangan wala siyang apprehensions. Kung ano ang hinihingi ng role, she has to deliver.

“Kung meron man siyang limitations, hindi yun ang susundin ko.

“Ang susundin ko ay ang ibinibigay na limitations ng MTRCB kasi nga medyo sexy ang tema ng Magdalena.

“Bida si Bela dito sa show and she has to give me 100 percent of her performance.

“Hindi puwede na mas magaling pa sa kanya ang mga support cast, di ba?

“Kaya okey naman ang taping namin. Lahat naman ng ipagawa ko kay Bela based on the script ay ginagawa niya.

“Hindi ko naman siya pababayaan, e.

“Ganyan ako sa mga actors na hinahawakan ko. I make sure that they are taken care of and in return, you give me a good and solid performance.”


BREAK FROM ACTING. Walang ginagawang drama series ngayon si Direk Gina dahil sa pagkaabala niya sa Magdalena.

“Pass muna ako sa mga drama series sa ngayon dahil tutok ako sa Magdalena.

“Kakatapos lang din kasi ng Protégé na nakaka-stress din. Kaya dito muna ako sa pagdidirek.

“Pero may sinisimulan na akong indie film for CinemaOne Originals na ididirek ni Adolfo Alix, Jr.

“Paisa-isang movies na lang muna tayo for now,” sabi ni Gina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN