Jessy Mendiola on being open about JM de Guzman: "Mas natanggap na ng tao at naa-appreciate yung a little honesty."

Ito ang ibinigay na dahilan ni Jessy Mendiola kung bakit bukas na siyang pag-usapan ang kung anumang namamagitan sa kanila ni JM de Guzman: “Kasi lagi na lang siyang nagsasalita kaya nahiya naman po ako. Ayaw ko din namang sabihin nila na siya na lang lagi ang salita nang salita, sabi nang sabi ng mga ganyan-ganyan. Gusto ko rin namang sabihin yung side ko na, ‘Opo, may time na hindi kami okey kasi kung anu-ano na po ang nasasabi sa TV.’"


Kung dati ay tila iniiwasan ni Jessy Mendiola na matanong tungkol sa sinasabing naging boyfriend niya na si JM de Guzman, ngayon ay bukas na siya na pag-usapan ang young actor.

Pero pinapanindigan pa rin ni Jessy na kaibigan lang niya ito at walang karapatang magselos si JM kay Matteo Guidicelli.

Si Matteo ang katambal ng young actress sa Precious Hearts Romances na Paraiso, na magsisimula sa November 5, sa ABS-CBN.

Sabi ni Jessy tungkol kay JM, “Kasi lagi na lang siyang nagsasalita kaya nahiya naman po ako.

“Ayaw ko din namang sabihin nila na siya na lang lagi ang salita nang salita, sabi nang sabi ng mga ganyan-ganyan.

“Gusto ko rin namang sabihin yung side ko na, ‘Opo, may time na hindi kami okey kasi kung anu-ano na po ang nasasabi sa TV.’

“Nabibigla ako, pero ngayon bago na po, e.

"Mas natanggap na ng tao at naa-appreciate yung a little honesty."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy sa presscon ng Paraiso kaninang tanghali, October 24, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

BACK TO NORMAL. Dati raw ay “exclusively dating” sila ni JM, pero sa maikling panahon lang daw nangyari yun.

“Okey naman kami ngayon. We’re friends,” sabi ni Jessy.

Nagkaroon ng isyu na nag-break sila pero ngayon ay okey na naman daw ang dalawa.

Kuwento ni Jessy, “Pinalitan ko po yung number [ko], pero nakuha niya.

"Ngayon, okey naman po kami. Parang normal ulit.

“Normal din po na nagkikita kami ulit.”

Malaking factor daw ang pagiging honest at sincere ni JM, kaya nagsasalita na rin si Jessy tungkol sa rumored boyfriend niya.

“Sobrang sweet niya at passionate—yun lang ang masasabi ko ngayon.

“Pinapahalagahan niya ang bawat taong nasa paligid niya.

“Para sa akin, isa ako sa mga taong nandun sa buhay niya na mahalaga kaya nagpapasalamat talaga ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MATTEO GUIDICELLI. Kung nagkataong wala si JM sa buhay niya ngayon, posible bang ma-develop si Jessy kay Matteo?

Kapansin-pansin ang tindi ng chemistry nina Jessy at Matteo sa Paraiso.

Balita ring sa sobrang close nila ngayon ay “umuutot” na raw si Matteo sa harapan nito.

“Bakit, puwede naman ngayon, a!” sabay tawa ng Kapamilya young actress.

“Kasi po kami ni Matteo, hindi ko akalain na ganito kami magiging close at open sa isa’t isa pag may problema kami about something.

“Hindi ko ini-expect ang pagiging humble niya at nice kaya hindi malayo na maging close kami.”

Ano ang pagkakaiba nina JM at Matteo?

“Athletic si Matteo; si JM, hindi… singer siya! More on artistic side siya!” natatawang sabi ni Jessy.

INSPIRATION. Pero aminado ang young actress na masayang-masaya siya ngayon at feeling laging nasa “paraiso.”

Inspirasyon ba niya si JM kaya sinasabi niya ngayon na masaya siya?

“Opo, kasi tine-text din po niya ako.

“Sinasabi niya, nakita na niya ang trailer ng Paraiso, ‘Congratulations,’ ganyan.

“So, masaya ako na sinusuportahan din niya ako.”

Ramdam ba niya na sobrang love siya ni JM at mahal na mahal siya nito?

“Nakakaba!” bulalas ni Jessy.

“Kinakabahan ako every time na nagsasalita siya kasi hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko.

“Thankful ako na ganoon siya sa akin… na kahit papaano open siya sa mga tao.

“I really salute him for that…

“Lahat ng tao, lahat ng fans, bilib sa kanya,” hirit niya.

Pero paano kung manligaw si Matteo sa kanya, open pa rin ba siya?

“I am not closing my doors to anyone naman… so I guess, oo naman. Bakit hindi?” tugon niya.

May pag-asa ba naman si Matteo?

“Kung manligaw siya, ha!” sagot ni Jessy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN