Hayden Kho Jr.: "Hindi na ako basta-basta mahuhulog sa mali o madadala sa temptasyon. I can say na I learned a lot from my mistakes."

Hayden Kho on his relationship with former girlfriend Dr. Vicki Belo: “Ang kagandahan kasi nun, we love each other. We always have respect. Pero, we’re now living separate lives. May bago na akong set of friends, mas close na ako ngayon...sa mga dating friends ko.”


Seryoso si Hayden Kho Jr. sa mga pahayag nito na gusto na niyang mag-asawa at magkaroon ng mga anak.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Hayden sa presscon ng ZO Skin Health—na mina-manage niya at ini-endorse ni Zsa Zsa Padilla—noong October 24.

Ang ZO Skin Health ang tinutukoy ni Dra. Vicki Belo na ibinigay niyang trabaho kay Hayden.

Hiwalay daw ito sa mga produkto ng Belo Medical Group.

Ayon kay Hayden, masaya at kuntento na siya sa kanyang trabaho, kaya gusto na sana niyang magkaroon ng sariling pamilya bago siya tumuntong sa edad na 35.

Saad niya, “Naka-set na kasi ang mga priorities ko kung ano ang gusto ko.

“Hindi na ako basta-basta mahuhulog sa mali o madadala sa temptasyon.

“I can say na I learned a lot from my mistakes.

“Actually, gusto ko na magpakapamilya soon. Ang problema, wala pa akong nakita.

“Hindi naman ako naghahanap, pero sana dumating.

“Actually, more than that, gusto ko na talaga magkaanak, e.”

Nang tinanong ng PEP kung ano ang tipo ng babaeng gusto niyang pakasalan, napangiti lang ang dating cosmetic surgeon.

Aniya, “Sa akin na lang muna yun. Alam ko naman kung ano ang gusto ko, pero sa akin na lang muna yun.”

Hindi naman daw sa pagyayabang, pero sa edad na 32, meron na raw sapat na ipon si Hayden para makabuhay ng pamilya.

“Sayang naman, e, ipon ako nang ipon. Sayang naman kung walang susunod sa ‘yo. Okay naman ako, e,” pakli pa nito.

STILL FRIENDS. Nananatiling magkaibigan daw sila ni Dra. Belo, at minsa’y napag-uusapan nila ang kanyang plano sa buhay at nagbibigay naman sa kanya ng payo ang pamosang duktora.

Sabi ni Hayden, “Nababanggit ko sa kanya. I asked for advice. She gave me very, very good advice.

“Ang kagandahan kasi nun, we love each other. We always have respect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, we’re now living separate lives.

“May bago na akong set of friends, mas close na ako ngayon... sa mga dating friends ko.”

Kung sakaling wala pa rin siyang mahanap na asawa, posible bang sila ang magsama ni Dra. Belo?

“I don’t wanna close any doors,” sagot niya.

“Nabanggit ko before… Actually, na-open ko rin sa possibility na hindi na talaga ako mag-aasawa, e.

“Kung yun ang magiging gusto ng Diyos—na maging single ako for life.

“Kung hindi para sa akin, okay lang din.”

BUSINESS OVER SHOWBIZ? Masaya na raw si Hayden sa mga na-invest niyang negosyo at sa pagpasok niya sa showbiz.

Pero base sa mga pahayag nito, mas priority niya ang kanyang mga negosyo kesa sa pagiging artista.

“Ang sa akin, gusto ko balanse lang.

“Pagdating sa showbiz, gusto ko walang pressure lang.

“I invested in other businesses, other than ZO, other than Hayden Fragrances,” saad niya.

Ang ikinatuwa lang daw niya sa showbiz, marami siyang natututunan—gaya ng disiplina sa trabaho, lalo na sa mga napagdaanan niyang acting workshop.

Kasama si Hayden sa The Bride And The Lover ng Regal Entertainment, at marami raw siyang natutunan mula sa direktor nitong si Joel Lamangan at pati sa mga co-actors niya.

“Nag-e-enjoy ako dahil natututo ako.

“Sa akin kasi, as long as natuto ako, exciting sa akin yun.

“Ang galing ng mga nakakatrabaho ko, especially Lovi [Poe], ang galing.

“One time, nakatalikod lang siya sa akin, pagharap niya, lumuluha na siya, ang galing!” puri nito sa Kapuso actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN