Derrick Monasterio happy for Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

Wala raw munang panahon si Derrick Monasterio sa pag-ibig dahil naka-focus siya sa kanyang career ngayon. Sabi ng Paroa leading man, “Love can wait. Sa ngayon, strike while the iron is hot. Kumbaga, ito na yung biggest break ko, ngayon pa ba ako magloloko?”


Iginiit ng Kapuso teen actor na si Derrick Monasterio na magkaibigan lang sila ng bago niyang ka-loveteam na si Barbie Forteza.

Wala raw ligawan na nangyayari sa pagitan nila ng tween queen ng GMA-7, na kapareha niya sa upcoming primetime series na Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa.

Sabi ni Derrick, “Love can wait. Sa ngayon, strike while the iron is hot.

“Kumbaga, ito na yung biggest break ko, ngayon pa ba ako magloloko?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa presscon ng Paroa noong Miyerkules, October 23, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Hihintayin niya bang magdalaga si Barbie, na ngayon ay 15 years old pa lang?

“Dalaga na ‘yan, e!” biro ng 17-year-old actor.

“Hindi, basta ngayon po, ang relationship namin, bilang partners, bilang loveteam.

“Sa ngayon, iyon lang po muna.

“Kung meron mang mangyayari o magaganap na ganun, love-love na, sasabihin ko po sa inyo yun... don’t worry.”



SARAH LAHBATI. Tinanong din ng PEP si Derrick tungkol kay Sarah Lahbati.

Dating na-link sa kanya ang young actress na ngayon ay girlfriend na ni Richard Gutierrez.

“Sa totoo lang po, masaya ako para sa kanya,” sabi ni Derrick.

Hindi siya nasaktan?

“Hindi, hindi… ang pakay ko lang naman po yung masaya siya, e.

“Ngayon, nakikita ko na masaya siya, e, di masaya na rin ako, di ba?”

Nagsabi ba sa kanya si Sarah na sasagutin na nito si Richard?

“Hindi po. Wala po akong balita sa kanila.

“Pero basta masaya po kami as individuals kasi pareho po kaming may work.

“Magkaibigan kami, e.”

Dati ay madalas silang mag-usap ni Sarah. Pero lately ay wala na sila gaanong communication. Bakit naputol?

“Hindi, dati lang naman yung ‘Saan ka pupunta?’ yung ganun.”

Bakit nawala nga ang komunikasyon nila?

“Nagtaas po yung load company ng load!” pagbibiro ni Derrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, kasi po busy po kami pareho, so parang medyo nawawalan na po kami ng time para sa ano... iyon.”

Aminado na ba siya na tinalo siya ni Richard kay Sarah?

Tumawa muna si Derrick bago sinabing, “Hindi, siyempre Kuya Richard Gutierrez na ’yan, di ba po?

“Talagang sobrang taas po ng respeto ko sa kanya bilang kuya, ’tsaka mabait naman po si Kuya Chard, e.”

So, ate na niya si Sarah?

“Hindi, wala, hindi naman, magkaibigan pa rin naman po kami, iyon.”

Naka-get over na ba siya kay Sarah?

“Naman, naman, oo naman.”

May mensahe ba siya kay Richard?

“Idol ko po kayo, kuya.”

Wala siyang mensahe na alagaan nitong mabuti si Sarah?

“Ay, wala namang ganun. Ang masasabi ko lang, idol ko po ‘yang si Kuya Richard.

“Kumbaga, paglaki ko, gusto ko maging katulad niya ako—yung kasikatan niya, yung ganun po.”

Wala siyang mensahe dito tungkol kay Sarah?

“Hindi na po ako kailangang magbigay ng mensahe kasi alam naman po ni Kuya Richard yung gagawin… Kuya Richard po ‘yan, e.”

Kay Sarah, wala siyang mensahe?

“Wala, magkaibigan naman po kami, e.”

BARBIE FORTEZA. Kaya ba madali siyang naka-get over kay Sarah ay dahil kay Barbie?

“A, special naman kasi sa akin si Barbie.

“Kung titingnan ninyo po talaga, bilang kaibigan, sobrang special po niyang tao sa akin na tipong… basta special po siyang kaibigan.

“Kumbaga, kung papipiliin po ako kung sino yung pinakamasarap na kaibigan, si Barbie yun.

“Kasi po maalaga siya, maalalahanin... ilan lamang po iyon sa mga qualities niya.”

Binabakuran nga ba niya si Barbie at ayaw paligawan sa iba?

“Hindi ko na po kailangang gawin yun kasi si Barbie, she is wise enough to know na career muna ang dapat niyang unahin. Lalo na sunud-sunod yung projects niya.

“Matalino po ’yang si Barbie, alam niya po ’yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEA BINENE. Close din si Derrick kay Bea Binene na na-link din dati sa kanya. Ano ang comment niya sa mga isyu tungkol kay Bea?

“Kami naman pong tweens, willing tulungan si Bea kung mag-o-open man siya sa amin.

"Willing po kaming makinig tsaka bigyan siya ng advice.

“Pero knowing Bea, kayang-kaya po niya ang sarili niya, e.

“Matapang po ’yan tsaka tipong walang isyu na puwedeng makalusot sa kanya.”

Hindi pa raw sila nagkakausap ni Bea lately.

“Kasi po may kanya-kanya po kaming show, siyempre wala na kaming time mag-usap-usap, mag-reunion.”

Ano ang mensahe niya para kay Bea?

“Kayang-kaya niya ’yan, ’yang mga isyu, tsaka dasal lang palagi kay God.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN