Cesar Montano on who will win in Artista Academy: "It’s anybody’s ballgame ito, sa tingin ko."

Ito ang iniwang payo ni Cesar Montano sa Final 6 ng Artista Academy: “Yung nakikita nilang ‘Fame, Fortune and Stardom’ doon sa bilog ng Artista Academy logo, yun ay huwag na huwag nilang ilalagay sa puso nila at isipan nila kailanman—yun ay magsisilbing bonus lang. Ang kailangan nilang isapuso at isaisip, sabi ko, ay sacrifice, excellence or perfection, and then discipline. Kapag yun ay naging fulfilled si


Excited si Cesar Montano dahil bukas na, Oktubre 27, magaganap sa Smart Araneta Coliseum ang Grand Awards Night ng reality artista search ng TV5, ang Artista Academy.


Sa event na ito ng Kapatid Network, si Cesar ay isa sa mga hosts, kasama si Marvin Agustin.

Bago nga ang finale ay may pabaon pang payo si Cesar sa Final 6 na sina Vin Abrenica, Akihiro Blanco, Mark Neumann, Sophie Albert, Chanel Morales, at Shaira Mae.

Ang anim ang maglalaban-laban para sa titulong Best Actor at Best Actress, na maghahati sa kabuuang papremyong P20 milyon, kasama ang garantisadong bida roles sa isang TV5 teleserye.

“Yung sinabi ko nung last episode last Saturday [Oktubre 20] ay uulitin ko ulit.

“Yung nakikita nilang ‘Fame, Fortune and Stardom’ doon sa bilog ng Artista Academy logo, yun ay huwag na huwag nilang ilalagay sa puso nila at isipan nila kailanman—yun ay magsisilbing bonus lang.

“Ang kailangan nilang isapuso at isaisip, sabi ko, ay sacrifice, excellence or perfection, and then discipline.

“Kapag yun ay naging fulfilled sila doon or successful sila sa paggawa nun—yung fame, stardom, and fortune ay bonus talaga na, whether they like it or not, talagang darating yun.

“Nandudoon sa doorstep nila yun. At mag-e-enjoy sila sa ginagawa nila.

“They will become successful artists or actors in the industry.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar sa presscon ng gagawin niyang film-bio ni Manila Mayor Alfredo Lim, ang The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim, na ginanap noong Oktubre 22, sa Manila Yacht Club sa Roxas Boulevard.



NO PERSONAL BETS. May personal bets na ba siya para manalong Best Actor at Best Actress?

Sabi ni Cesar, “Meron ako, but I keep it to myself. I’m so sorry po.

“Kasi every week, minsan yung isa ang magiging outstanding. Next week, iba na naman, bumabawi naman yung isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya ako rin, sa sarili ko, naguguluhan ako. Ano ba talaga? Sino ba talaga ang magaling?

“For example, itong last si Vin Abrenica ang naging… ang nag-outshine sa lahat.

“Pero noong nakaraan naman, si Mark ang nanguna. Minsan si Akihiro din. Ganun din sa mga babae.

“Ngayon, sabi ko, ’Sino ba talaga?’ Kaya it’s anybody’s ballgame ito, sa tingin ko.

“Kaya good luck, good luck sa inyong lahat!

“At huwag ninyong kakalimutan, if you need advice, if you need support, my help, nandidito lang si Buboy para magbigay ng advice sa inyo any time—basta kayo.”

Malaki ba ang posibilidad na makasama niya ang Final 6 sa mga gagawin niyang proyekto in the future?

“Yeah, I’d love to kasi nakita ko yung trabaho nila [sa Live Exams].

“Nakita ko naman kung gaano sila ka-dedicated and dahil ang mga pinagdaanan nilang mga instructor, ang mga nagtuturo, matitindi—Joel Lamangan, Mac Alejandre, Leo Martinez.

“Wala silang ibang pupuntahan kundi excellence at kagalingan.”



FAVORITISM ISSUE. Siyempre, pinasagot din ng PEP si Cesar tungkol sa umano’y “favoritism issue” sa pagitan ng ilang finalists at critics o judges.

Aniya, “Wala akong nakikitang favoritism sa Artista Academy, wala.

“Kasi ako rin nga, hindi ko malaman kung sino, kasi iba-iba ang nangyayari every week, e, hindi consistent.

“Kung siguro naging consistent yung pagiging outstanding ng isang estudyante, doon, baka makaamoy ako ng merong favoritism.

“But right now, hindi ko ma-pinpoint kung sino ang mananalo. Kaya good luck na lang sa lahat.

“I’ll keep my fingers crossed na maging happy ang lahat sa outcome at magiging resulta ng Artista Academy.

“I’m pretty sure na lahat sila ay magiging artista, na kahit hindi sila manalo, all of them puwede na silang maging artista at [maging] stars—hindi lang ng TV5 kundi ng industriya ng show business mismo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng Artista Academy, may susunod na ba siyang proyektong gagawin sa TV5?

“Right now, we haven’t spoken with anything yet, any shows yet.

"Wala pang masasabi akong concrete, wala pa,” sagot ni Cesar, na hindi lang mahusay na aktor kundi direktor din.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN